SHOT #1

14 2 0
                                    

"Perfect." A whisper my lips mouthed upon captivating the dazzling sight of the yellowish moon using my DSLR camera. An hour before midnight, indeed a good time to cleanse my mind from the tiring day.

"Ay, shet." Napalingon ako nang may liwanag na biglang kumislap mula sa kanan ko. Roon ay natagpuan ko ang isang lalaking nakasalamin, hawak ang cellphone nito.

Napakamot pa ito sa ulo, ramdam ang pagkapahiya sa kaniyang postura. Tinitigan ko lamang siya, inaalam ang susunod na gagawin nito. Ilang minuto rin nagtagal ang pagtititigan naming dalawa. Awkward.

Lalapit ka ba o lalapit ka–

"Excuse me? Is this seat taken?" Naputol ang imahinasiyon ko nang tuluyan siyang lumapit sa puwesto ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa swing ng playground habang siya ay nasa tapat ng katabi kong swing. Nakatitig doon na pawa bang iyon ang kinakausap niya.

Siraulo ba 'to?

"Mayroong nakaupo riyan." Tugon ko habang tinitingala muli ang dilaw na buwan.

"SINO?" Bigla akong kunot-noo na napalingon sa kaniya nang tumaas ang boses nito.

"I mean, sino? Wala naman akong nakikitang nakaupo." Mahinahong bawi nito. Nagpakawala naman ako ng mahinang tawa sa reaksiyon niya. Weirdo.

"Hindi ako weird!" Huh? Paano niya nalaman ang nasa isip ko?

"HAHAHA, wala naman akong sinasabing weird ka ah? Defensive much?" Napahagalpak na ako ng tawa sa sobrang tamang hinala ng taong ito.

"Kung makatingin ka kasi, parang hinusgahan mo na buong pagkatao ko- Aray! Ang sakit sa mata!" Para siyang bata na dini-defend ang sarili niya kaya't kinuha ko ang DSLR ko at pinicture-an siya nang may flash.

"HAHAHAHA. Ngayon alam mo na feeling nang ma-picture-an na may flash?"

"Eh, hindi ko naman alam na may flash pala iyong cellphone ko." Nakangiti niyang banggit habang nakatingin sa mga mata ko.

"Really? Gusto mo lang mapansin kita eh." Nawala ang ngiti nito nang sumeryoso ang tono ng boses ko.

"What do you mean?" Nakakunot na ang noo niya habang nagtatanong.

"I saw you following me. Lagi ka ring nakatingin sa akin kapag dadaan akong cafeteria, pati sa club natin nakatingin ka. Feeling ko nga hanggang sa condo susundan mo ako kaya dumaan muna ako rito sa playground. You are a transfer student from The Photography Institute - Philippines. Am I right? What do you need from me?"

Hindi ako nagpatalo sa pagtititigan namin. Pilit kong inaalam ang laman ng isip niya.

"Take it easy, ma'am. Puwede bang paupuin mo muna ako?" Medyo gumaan ang atmosphere nang magbiro ito.

"Hindi naman akin 'yan."

"Sabi ko nga." Umupo siya sa kabilang swing. Parehas na kaming nakatingala sa buwan ngayon.

Nanatili namang seryoso ang mukha ko. Nakapapagod ang araw na ito, napakaraming activities sa school, dumagdag pa ang club meeting kanina.

"The moon is beautiful, isn't it?" Nagitla ako sa sinabi nito. Kaya't agad akong napalingon sa kaniya.

CAPTIVATEDWhere stories live. Discover now