SHOT #5

6 2 0
                                    

"You're right. I think we're both right. So many people need our skills."

Bigla kong ibinaba ang isa kong paa para patigilin ang swing nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking phone. The sudden joy I felt eventually faded.

"Hello, dad?"

"Where are you? You have a miss-" Kita ko sa aking peripheral vision ang unti-unting paghinto ng swing ni Cyat, nakatingin na rin siya sa akin.

"Right away? I just went there last weekend, dad." Medyo bakas na sa aking boses ang pagtanggi. Bakas na rin ang pag-aalala sa mukha ni Cyat nang lingunin ko ito panandalian.

I don't like going there. I feel like I'm fighting for my spot in heaven when we are arguing for the things that they are pushing me to do even though I don't like doing it.

"Just come here tomorrow. Your ride is already prepared."

"What the hell? Why so urgent, da- toot toot– dad? Fuck it."

Napairap na lang ako sa iritasiyon. Malamya kong binitawan ang cellphone ko kaya't nahulog ito sa paanan ko. Nang kukuhanin ko na ito ay naunahan ako ni Cyat.

Nakatingin siya sa mga mata ko na para bang binabasa kung anong laman nito. Natauhan ako bigla kaya't nginitian ko siya.

"Haha, it's my dad. He wants me to come home to Batangas tomorrow."

"Why?"

"Probably may ipagagawa na naman siyang hindi ko magugustuhan." I released a deep breath.

"Sumama ka na lang sa akin sa Baguio tomorrow, birthday ni mom and my dad is celebrating his candidacy. He won as the Congressman." Seryoso ba siya? Kakikilala lang namin kanina ah. Baka magtaka mga tao roon kung sino ako. Hahahaha.

"Wow. Bigtime ka pala!"

"Hindi naman. Kung big time ako dapat matagal mo na akong kilala. Ano, sasama ka ba sa akin bukas? Takasan natin ang mundo?" Bakas sa mga mata nito na gusto niya talaga akong sumama.

"Takasan ang mundo? Haha. Ang corny mo, Cyat."

"Just a day. Malay mo ma-crush back mo na ako." Napatingin ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay kong nakapatong sa swing.

"Siraulo. Crush na nga kita ngayon." Umiwas ako ng tingin pagkasabi no'n.

"Marupok ka pala eh!" Mapang-asar naman niyang tugon habang bumabalik sa swing niya.

"Siyempre biro lang 'yon. 12 midnight na. Isang oras PA LANG tayong magkasama saka hindi kita type."

"Isang oras ka na ring masaya sa akin."

"Ewan ko sa 'yo. Hindi ako puwedeng tumanggi kay Dad. Sa 'yo puwede. Kaya kita na lang tayo sa makalawa."

Matapos ang ilang minutong katahimikan habang nakatingala kaming dalawa sa buwan ay naramdaman ko ang pagtayo niya.

Maya-maya lamang ay tuluyan nang natakpan ang dilaw na buwan na tinitingala ko dahil sa mukhang tumabing na pagmamay-ari ng taong isang oras ko pa lamang nakasasama, ngunit nagparamdam sa akin ng hindi maisatinig na hiraya.

"Spectacular. Your eyes are breathtaking just like the moon, Luna. My Luna."

He surprised me with his next move. Truly spectacular.

My words are like a ghost, they are left unseen, unheard, and unuttered while the head of the man named Cyat comes near mine.

And, with that exact moment, as his lips met mine, a glimpse of an hour of memories had succumbed to my mind... perfectly shot my heart... releasing the soul inside me. Captivating my most passionate memory with the guy who captured me an hour ago.

"The moon is indeed beautiful, Cyat." I whispered after he released my lips from his.

CAPTIVATEDWhere stories live. Discover now