Chapter 1

9 1 0
                                    

Minsan sa buhay natin kailangan nating magdesisyon. Kailangan nating pag-isipang mabuti ang desisyon na pipiliin. Dapat siguraduhin na hindi pagsisihan ang desisyon na pinili.

"Tao po!" napalingon ako sa pinto nakita ko si Lyra. "Pasok ka muna Ly, kukunin ko lang ang bag ko"

Umakyat ako sa kwarto ko at kinuha ang bag. Pagkababa ko kinuha ko ang project ko at inaya na si Lyra.

"Gabby! Lyra! dito"

"Thank you Danise," pagpapasalamat ko kay Danise.

"No worries Gabby, alam ko naman na mahuhuli ka kaya pumili nalang ako ng upuan para sa inyo. Baka kasi sirang upuan ang maabotan niyo. Hahahaha" napatawa ako sa sinabi ni Danise

Sabagay, kapag late ka asahan mo ng sirang upuan ang magiging upuan mo. Paunahan kasi sila dito.

Kakatapos lang ng first subject namin nandito kami ngayon sa canteen. Absent daw ang teacher namin sa science kaya naisipan naming bumili ng banana balls at ice candy.

"Napasa mo na ba ang project mo sa science?" napalingon ako kay Lyra

"Oh shoot! Pahawak muna nitong ice candy Lyra, ipapasa ko pa project ko" hindi ko na hinintay ang sagot ni Lhesly.

"Excuse me!"

"Password"

"Ano ba padaan sabi!" naiinis kong sigaw kay Vince

"Password nga"

"Ambot nimo!" kinurot at hinampas ko ang braso ni Vince. Tumawa lamang ito at gumilid para makadaan ako.

Nasa may eco park na ako at malapit na sa laboratory kung saan ang room ng teacher namin sa science. Nilibot ko ang paningin sa eco park, isa ito sa tambayan namin dati noong grade 7 palang kami. Gustong gusto kong tumambay dito dahil mahangin at kitang kita ang plaza. May mga bench din at may mga mag jowang tumatambay tuwing break time, lunch break at uwian. Dati noong grade 8 pa lang ako, dito kami nag re-review. Pagkatapos ng isang subject pumupunta agad kami dito at mag re-review na naman para sa susunod na subject. Nagpatuloy ako sa paglalakad at nasa may pinto na ako ng laboratory.

"Inigo!"

"Bakit?"

"Sabay na tayo"

"Sige"

Napatitig ako sa lalaking tinawag na Inigo. Sa tingin ko bagong studyante, kahit naman kasi hindi ako masyadong lumalabas ng room pamilyar na sa'kin ang mukha ng mga studyante dito. Ngayon ko lang nakita ang lalaking ito. Nakita kong tumaas ang isang kilay niya, napayuko ako dahil sa hiya. Dali dali akong naglakad habang nakayuko. Pagkapasok ko sa laboratory agad kong hinanap ang teachers table, ng makita ito nilapag ko agad ang project ko at lakad takbong lumabas ng laboratory.

"Gabby, tara na." niligpit ko ang mga notebook at libro ko. Sumunod ako kay Danise

"Wait lang Danise, kukunin ko lng ang dustpan at trash can"

Binuksan ko ang cabinet na naglalaman ng dustpan at trash can. Pagkatapos kong makuha ito, nagawi ang tingin ko sa kabilang room. Nakita ko si Iñigo ilang metro lang ang layo namin. Tanging cabinet lang ang humaharang sa'min.

"Gabby!" napatalon ako ng may telang tumama sa mukha ko. Kinuha ko ito at nakitang isa itong basahan. Agad uminit ang ulo ko at sinamaan ng tingin si Vince.

"Ano ba! Kanina ka pa ah, suntukan nalang oh" ibinato ko sa mukha ni Vince ang basahan.

Naglakad siya palapit sa'kin. Itinaas ko ang dustpan at tinuro siya gamit ito.

"Oh ano? lalaban ka? Ano ba? Bakit mo binato sa'kin yan ha?" sigaw ko sa kanya at alam kong halata ang inis sa boses ko.

Mas lalo lamang akong nainis ng nakita kong nagpipigil siya ng tawa.

Memories of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon