Kabanata 10

36 15 0
                                    

Hurt



Parang isang tambol ang aking puso dahil sa lakas ng kabog nito. Hindi ko parin maintindihan at kung bakit ganito ang nangyayari sa akin.

"Liah! Saan kaba nag tungo kanina at bakit hindi ka namin mahanap. Alam mo ba na masyado kaming nag-alala sayo. Kahit si Rius ay hindi mapalagay dahil sa iyong pag-alis."Puno ng pag-alala ang mga mata ni Madeline habang ako ay kinakausap.

Napakagat labi nalang ako ng maalala ko ang nangyari kaninang tanghali. Hindi parin ma sink in sa aking utak ang aking nasaksihan.

Sila na ba? Bakit wala man lang sinabi si Rius sa akin.

"Ahhh..... kanina ba? Kumain lang ako, pasensya na at hindi ko kayo na isama." Pagsisinungaling ko ngunit nakaramdam ako ng konsinsya ngunit mas maigi na yon upang hindi nila ma laman ang tunay kung nararamdaman.

Sumingkit ang mga mata ni Madeline tila hindi ito naniniwala sa mga pinagsasabi ko. "Ganon ba? Pinapasabi pala ni Rius na susunduin ka niya dito mamaya. Huwag ka raw umalis hanggat hindi pa siya dadating dito sa tapat ng classroom natin." Saad niya at ipinagpatuloy ang pagsusulat.

Napapaisip nalang ako sa sinabi niya. Bakit naman ako susunduin ni Rius, e may girlfriend na nga siya. Dapat yon ang pagtuonan niya ng pansin at hindi ako. Napairap nalang ako at ipinagpatuloy ko ang pagsusulat dahil kailangan ko itong tapusin sa maagang oras upang wala na akong gagawin doon sa bahay.

Hindi ma iwasan na mag overthink, kahit pinipilit ko naman na magfocus sa sinusulat ko ngayon tila may sariling buhay ang aking isipan. Lumilihis ang aking isipan sa nangyari kanina.

Nakakainis pala ang maging ganito yung wala kang ibang magawa kundi ang itago ang totoong nararamdaman. Kasi alam ko na pagtatawanan lang ako ni Rius pag nalaman niya ang totoo kung nararamdamn dahil sa kanyang isipan, ako ay isang batang immature.

Higit isang oras din akong nagsusulat at ng ako ay matapos ay biglang kumulo ang aking sikmura at napasapo nalang ako ng maalala ko na hindi pa pala ako kumain ng tanghalian. Napakagat labi nalang ako at tiniis ang sakit ng tiyan dahil sa pagkakagutom.

"Okay ka lang ba?" Seryusong tanong ni Rose ng mapansin niyang, napapadalas ang pagkunot ng aking noo dahil sa gutom na nararamdaman.

"Oo okay lang. Tapos kana ba?" Pag-iiba ko ng topic upang hindi na siya magalala sa akin.

"Malapit na akong matapos. Anong oras na ba?" tanong niya sa akin kung kaya't ako ay napatingin sa aking relo. "3:50 na." sagot ko at napatingin nalang ako sa labas ng pinto at nagbabakasaling makita ko siya doon.

Biglang tumalon ang aking puso ng makita ko na naka tingin siya sa akin at agad niyang nahuli ang aking mga mata. Shit!

Dahil sa aking pagkagulat ay agad akong napaiwas sa kanya na para bang nakakita ng multo sa hindi inaasahang pagkakataon.

"Hoy okay lang ba? Bakit parang nakakita ka ng maligno." Curious na tanong mula kay Madeline.

Hindi ko nalang siya sinagot bagkos uminom nalang ako ng tubig at nag babakasakali na humupa ang kaba na umaaligid sa aking puso.

Noong una ay excited akong umuwi ng bahay ngunit bakit nag iba na ang aking gusto. Mas gugustohin ko pang manatili sa loob ng klase kisa sa umuwi ng bahay na kung saan makakasama ko si Rius.

I'm not comfortable on his aura. There is something that I can't explain.

Nagkukunwari nalang ako na busy sa pagsusulat para hindi ko na siya mapagtuonan ng pansin. Ngunit naiinis na ako sa aking sarili dahil hindi ko talaga mapigilan na mapalingon sa kanya.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now