Kabanata 9

39 17 1
                                    

Lunch



May na gawa ba akong mali upang kamuhian niya o sadyang wala lang talaga siya sa mood upang ako ay suklian ng ngiti.

Well, hindi naman ako pumarito para sa kanya, nandito ako upang makita si Rius at yon ang importante sa akin ngayon.

Bumalik nalang ako sa kinatatayuan ng mga kaibigan ko at kahit na ganon ang nangyari ay na kuha ko paring ngumiti sa kanila na kahit alam kung pumait ang panlasa ng aking lalamunan dahil sa nangyari kanina.

"Nakita ko yon Liah. Huwag mo nalang pansinin, inggrata kasi yan." Natawa nalang ako sa sinabi ni Glenda. "Siguro nagseselos lang yan sayo dahil palagi kayong magkasama ni Rius." Hindi ko inasahan ang kanyang sinabi.

"At bakit naman siya magseselos sa akin e hindi ko naman boyfriend si Rius." Basi sa kanyang sinabi ay napapaisip narin ako kung ganon ba ang tingin ng ibang estudyante sa amin dito sa loob ng campus?

"Alam mo Liah, feelingera kasi yon. Noong wala kapa dito sa Albay, siya mismo ang palaging sumusunod-sunod kay Rius. Alam naming na iirita na si Rius sa kanya dahil ipinagkakalat niya na may relasyon sila ni Rius kahit wala naman talaga." Panay ang pag-irap ni Rose kung kaya't medyo nag alala ako para sa kanyang mata baka hindi na ito bumalik sa tamang lokasyon.

"Dzai! Relax lang." ani ni Madeline at sabay kaming napatawa maliban kay Rose na nilalamon na ng inis dahil sa kanyang sinabi kanina.

"Anyway, I just want to clarify that we don't have any relationship with Rius. He is my companion inside the house and nothing more." I pouted my lips because of what I said.

They look so disbelief, like they are trying to read my eyes and emotion but they get nothing because it's true that me and Rius are just friends.

While we are chatting to each other I saw that there is some student went off on the Senior's building. I tried to search if Rius is one of them but I didn't see his face nor his friends. "Nakita niyo bang lumabas si Rius?" tanong ko sa aking mga kaibigan ngunit nanatili parin ang mga mata doon sa bunganga ng pinto.

"Hindi, baka nandoon pa sa loob. Puntahan mo kaya Liah." Suhestyon ni Madeline.

Tumango nalang ako at sinunud ang sinabi ng kaibigan.

Nang ako ay makarating na sa harapan ng pinto ay napatingin ako sa loob at nakita ko na may ibang estudyante doon at kabilang na si Lessandra. Nagkatinginan kami bago niya ako nilapitan.

"Si Rius ba ang hinahanap mo?" Nagniningning sa galit ang kanyang mga mata ngunit hindi ko ito pinansin.

"Oo. Lumabas na ba si Rius-?" nag aalinlangan ang aking boses ngunit kailangan kung malaman kung saan si Rius ngayon dahil hindi ko siya nakitang lumabas o nanatili man lang dito sa loob.

"Kayo ang palaging magkasama ngunit hindi mo man lang alam na may sakit yung tao." Padiin ang kanyang boses ngunit mas nakatuon ako doon sa kanyang sinabi.

Maraming estudyante ang nakatingin sa amin ngayon kabilang ang mga kasamahn ni Lessandra kaya medyo hindi magaan ang atmosphere sa loob ng senior's building.

"May sakit?" Napatanong nalang ako ng wala sa oras dahil wala namang sinabi si Rius sa akin ngunit na alala ko nalang na kaninang umaga ay medyo maputla siya at para bang may iba sa kanya kaso hindi ko ito pinansin dahil mas nakatuon ako doon sa reporting namin.

"Oo baka dahil sayo kaya nagkasakit si Rius. Huwag ka kasing umasta na parang isang prinsesa doon sa bahay niyo dahil hindi bagay kay Rius na uutos-utosan ng isang kagaya mo!" Agad niya akong binangga at lumabas siya doon sa may pinto kasama ang kanyang mga kaibigan.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now