kabanata 22

28 1 0
                                    

Love

Halos hindi ko pa rin ma isip ang mga nangyari kahapon. Wala akong maipapakitang mukha kay Rius matapos ang nangyari sa amin.

Kahit ipikit ko pa ang aking mga mata ay na iisip ko parin na para bang naka-ukit na ito sa aking isipan. Labis ang kahihiyan na aking naramdaman kaya gustong-guto ko na lang na magtago dito sa loob ng aking kwarto subalit ay kailangan ko ring bumaba upang kumain.

Kabado akong lumabas ng aking kwarto kaya dahan dahan akong naglalakad na para bang takot na makalikha ng ingay dahil baka ito ang dahilan kung bakit kami magkikita ni Rius.

Gustohin ko man na iwasan siya dahil nahihiya parin ako sa mga nangyari ngunit alam kung hindi ko ito magagawa dahil nakatira lang kami sa isang bahay.

Tirik na ang araw ng ako ay lumabas. Buti nalang at wala kaming klase ngayon dahil kung meron edi late na ako dahil tanghali na akong na gising dahil sa pagod na aking naramdaman ngayon. Na para bang nanggaling ako sa isang activity na siyang dahilan kung bakit nagkakaruon ako ng sakit sa katawan.

"Oh Liah! Halikana, kumain kana rito at bakit tinanghali ka ng gumising? Na pag-iwanan ka tuloy namin." Napatingin ito sa akin na para bang sinusuyod ang aking mukha. "May lagnat kaba?"

Parang umurong ang aking dila na sagotin si tita Rosaly. Masyado bang halata yung mukha ko?

Hindi ko rin maintindihan ang aking sarili dahil para bang pagod ako ngunit wala naman akong lagnat.

"Okay lang po ako tita." Napatingin ako sa paligid bago magsalita. "Na-saan po si Rius?"patapos pa lang ako sa pagtatanong ng bigla siyang pumasok sa bahay.

"Bakit mo ako hinahanap? Miss mo na ako?" Makahulogan itong tumingin sa akin bago sumilay ang ngiti.

Hindi ko ma ipaliwanag ang aking nararamdaman ngayon. Gustohin ko nalang na mag palamon sa lupa dahil narinig niya na hinahanap ko siya. Baka iisipin ng mukong na ito na tinamaan na ako sa kanya. Ngunit yon naman ang totoo.

"Naku, ikaw talaga anak.....binibiro mo itong si Liah." Ani ni tita Rosaly.

Parang nalagutan ako ng hininga ng biglang ngumisi si Rius bago ito tumalikod sa akin at lumabas ng bahay.

"Okay ka lang ba Liah?" tanong ulit ni tita.

"Opo okay lang po ako. Tita paki sabi ni lola na lalabas ako ngayon kasama ko mga kaibigan ko. Pupunta lang kami sa bayan upang bilhin ang mga kakailanganin namin para sa last project namin sa school year na ito." Nakatingin lang siya sa akin habang nakikinig. "Baka gabihin na rin ako." Dagdag ko pa sa sinabi ko.

Naglakad ito at umupo sa aking harapan. "Iha.......yon lang ba?"

Napakunot ang aking noo dahil hindi ko ma intindihan kung anong ibig niyang sabihin subalit napatango na lang ako.

Akala ko doon na kami magtatapos ngunit pinasandahan ako ng tingin ni tita Rosaly. "Liah, diba palagi naman kayong magkasama ni Rius."

"Bakit po tita." Shyt!!........

"May jowa ba yung anak ko? Baka may na pansin ka lang na niligawan o di kaya may na sabi ba siya sayo?" si tita Rosaly.

Bakit parang huminto ang puso ko sa pagtibok nito. Palalim ng palalim ang aking paghinga kaya pilit kung kinurot ang aking daliri dahil gusto ko ng tumigil sa pagnginig ang aking mga kamay.

"Po....?" Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko kay tita. "Hindi ko po alam tita." Napakagat labi na lang ako at pilit tinitignan ang pagkain sa aking harapan.

Chain Of Symphony (On-going)Where stories live. Discover now