Chapter 17

88 1 0
                                    

KASAMA NA NG MGA magulang nila ang mga bata. Ngunit hindi mahagilap ng paningin niya si Dexter. Saan ba ito nagpunta? Sa malaking bahay at maraming bisita ay mahihirapan siyang makita agad ito.

Malamang may kausap lamang sa isang sulok.

Napabuntong hininga siya. Kahit na ipinaliwanag na sa kanya ni Vhivian ang lahat, hindi pa rin mawala sa isipan niya si Amber. Kung ganoon kamahal ni Dexter ito, may posibilidad kaya na hanggang ngayon ay hindi pa rin nito tuluyang nakakalimutan ang babae?

Nagsisimula na naman ang pagiging nega mo, Daniella Elleiza! Tama na!

Medyo naiingayan na siya kaya naisipan niyang lumayo-layo muna. Naghanap siya ng lugar na pupwede niyang pagtambayan panandalian. Pagkalabas niya ng living room ay may nakita siyang hallway sa kaliwang bahagi niya. Tinahak niya ito upang alamin kung ano ba ang makikita niya sa bahaging ito ng bahay.

May apat na kwartong magkakatapat. Sa unahan ay makikita niya sa glass window ang tanawin sa labas. Maliwanag sa labas at saka niya lang nalaman na matatanaw pala rito sa loob ang Thai Houses na ipinakita ni Dexter sa kanya kanina. Humakbang siya papalapit ng husto sa bintana upang sumilip.

Natigilan siya ng mapatapat siya sa isang kwartong nasa kaliwang bahagi niya. May naririnig siyang nag-uusap. Nang silipin niya ay bahagyang nakabukas ang pinto.

Ah...Ito pala ang TV Room. Mula sa pagkakasilip ay nakita niya ang malaking flat screen television. At saka niya lang rin napagtantong ang nag-uusap sa loob ay ang mag-inang Dexter at Agatha.

Abala si Dexter sa pagliligpit ng mga laruang nakakalat sa carpet. Si Agatha naman ay nakaupo lamang sa sofa habang pinagmamasdan ang anak. Papasok sana siya sa loob nang marinig ang tanong ni Agatha na nagpatigil sa kanya.

"Mahal mo ba si Danelle, hijo?"

Minabuti niyang manatili na lamang sa labas ng pintuan at makinig sa pag-uusap ng mga ito. Kapag ganitong wala siya, malayang masasabi ni Dexter ang lahat. At sa ganitong paraan ay marami siyang malalaman.

Matagal ring hindi sumagot si Dexter.

"O baka naman hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nagagawang kalimutan si Amber? " tanong pa ng ina nito.

"Mahirap makalimutan ang taong minahal mo ng husto at ng higit pa sa buhay mo, Ma," sabi na ni Dexter. "Alam ninyong lahat kung gaano ko kamahal si Amber. Sa kanya lang umikot ang mundo ko."

Sa narinig niyang iyon ay nakakasiguro siyang mahal pa rin nito si Amber. Para bang piniga ng husto ang puso niya. Hindi siya makapaniwala. At mas lalong hindi niya alam kung ano ang paniniwalaan.

Malaki ang pag-asa niyang may pagkakataon siya. Sa mga sinabi ni Vhivian, para bang nabigyan siya ng assurance na kapag naghintay pa siya ng kunti pang panahon, mabibigyang halaga rin ni Dexter ang pagmamahal niya. Pero paano mangyayari iyon gayong iisang babae lang pala ang itinitibok ng puso nito?

Naramdaman niya ang pamumuo ng mga luha sa mga mata niya.

"Siya lang ang naging dahilan kung bakit nangangarap ako, kung bakit nabubuo ang lahat ng pangarap ko."

Bumuntong hininga lamang si Agatha. "At si Danelle?"

"She's different. Noong una ko pa lang siyang nakita alam ko na may kakaiba sa kanya. I like her, Mama. Dahil napapangiti niya ako most of the times."

Like? Hindi ba pwedeng mahalin mo rin ako maliban sa magustohan mo lang, Dexter? Hindi ba kita napapasaya para masabi mo na napapangiti lang kita?

"Kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko ang lahat. Para bang siya iyong nagiging comfort zone ko araw-araw," sabi pa nito.

"Comfort zone? Panakip butas?"

Ikaw LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon