Chapter 19

172 2 0
                                    

ALAS DOS NG hapon ang conference kaya thirty minutes before the scheduled time ay sunod-sunod na nagsidatingan ang mga panauhin. Naihanda niya na rin lahat ng mga kakailanganing documents sa meeting.

Wala pa ang magkakapatid na lalakeng Lenares. Habang hinihintay ang mga ito ay nanatili muna siya sa cubicle niya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakita niyang paparating sina Calvin, Klein, Giorgio, Armani at Dexter. Isa-isang bumati sa kanya ang apat. Ngunit si Dexter, hindi man lang siya nito nagawang tingnan. Dumeretso lamang ito patungo sa conference room.

Napakibit balikat siya. Nang tawagin siya ni Vhivian ay kinuha niya ang record book at ballpen. Sabay na silang pumasok sa conference room.

Habang nangyayari ang meeting ay panay ang pagsulyap niya sa kinauupuan ni Dexter. Nakasandal ito sa sandalan ng inuupuang swivel chair. Nakatuon ang pansin ng lahat sa powerpoint presentation na ipinapakita ni Vhivian maliban dito. Abala ito sa paglalaro ng lapis na hawak-hawak nito.

Nakaupo siya sa likurang bahagi ng conference room. Hawak-hawak ang record book at ballpen, hindi siya sigurado kung ano ba ang siyang isusulat niya. Nawawala siya sa konsentrasyon.
Nanatili siyang nakatingin kay Dexter. Mukhang malalim ang iniisip nito.

Sino? Si Amber? Iyon ang kauna-unahang bagay na sumagi sa isipan niya. Malamang maayos na ang lahat sa pagitan ng dalawa. Kaya ba hindi na siya nito napapansin? Para bang hindi na siya nag-e-exist rito.
Bumuntong hininga siya ng mahina. Pagkuwa'y itinuon na lamang ang pansin sa mga kaganapan sa loob ng silid na iyon.

Pagkatapos ng mahigit isa at kalahating oras ay natapos rin ang meeting. Isa-isa ng nagsilabasan ang mga ito. Nanatili siyang nakatayo malapit sa nakabukas na pintuan. Nang mapadaan ang mga ito ay ningitian siya, maliban ulit kay Dexter. Hindi siya nito tiningnan. Derederetso lamang ang paglalakad nito palabas ng conference room hanggang makalabas ng department.

Aaminin niya, hindi maganda ang resulta ng mga nangyayaring ito sa kanila. Lalong-lalo na para sa kanya. Gusto niyang kausapin siya nito, pansinin man lang. Gusto niyang kinukulit siya nito tulad ng dati. Pero iba na ang lahat ngayon. Wala na siyang kailangang asahan pa mula rito.

At ang ganoong sitwasyon ay nagtagal ng ilang araw. Halos hindi niya na nakikita si Dexter sa kompanya. Kapag may pinapapirmahan siya rito ay idinadaan niya na kay Alexa. At kapag may urgent meeting na pinapatawag si Vhivian, iyon at iyon pa rin. Para bang hindi siya nito nakikita. Palagi na lamang siya nitong nilalampasan.

Tuwing hapon ay napapatingin siya sa main door ng department nila. Nagbabasakaling nasa labas ito at hininhintay siya. Ngunit kahit anino man lang nito ay hindi niya na nasisilayan. No more texts and calls, nothing at all.

Well, this is how life goes. Nabuhay ako ng mahigit dalawampu't dalawang taon noong hindi pa kita nakikilala. At kakayanin ko ngayong wala ka na.

Isang araw niyan ay bigla siyang pinatawag ni Vhivian sa hindi malamang dahilan. Kinabahan siya dahil sa nakikita niya ay galit ito at hindi mapakali.

"Tumawag ka sa opisina ni Dexter ngayon, " anito habang abala sa paghahalungkat ng mga papeles na nagkalat sa mesa nito. Para bang may hinahanap ito. "Sabihin mo na kung wala na siyang balak trabahuin ang mga proyektong pinanghahawakan niya ay magresign na siya!"

Napaawang ang mga labing napatingin lamang siya sa galit na babae.

"For the love of God, mukhang gusto niyang talikuran tayo ng maraming clients at magkaroon ng kaliwa't kanan na penalty."

"Y-Yes, Ma'am."

Natatarantang lumabas siya ng opisina ni Vhivian at bumalik sa cubicle niya. Agad siyang tumawag sa HR Department. Agad na sinagot ni Alexa ang telepono.

Ikaw LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon