Chapter 23

91 1 0
                                    

ANG MAKITA SI AMBER sa kalagayang ito ay parang pinipiga ang puso ni Dexter. Nakakaawa ito. Hindi sila hinayaan na makaharap ang pasyente dahil may ginagawang tests ang mga doktor rito. Kaya naman pinagmamasdan lamang nila ito sa glass window ng silid na kinalalagyan nito.

"Dexter..."

Agad niyang nilingon ang nagmamay-ari ng boses. It's Amber's mother. Dumating ang mga ito dalawang oras bago siya dumating.

"Hi, Tita." Niyakap niya ang babae.

"How are you?" tanong nito sa kanya. "Matagal-tagal na rin akong walang naririnig mula sayo."

"I'm good."

Tiningnan nito si Amber. Napaiyak ang babae habang pinagmamasdan ang anak. "Hindi ko ginustong mangyari ito sa kanya. Ang buong akala ko ay makakatulong ang mga gamot. Pero habang tumatagal ay mas lalong lumalala ang kondisyon niya."

Hindi na muna siya nagsalita. Pinakinggan niya lamang ito.

"Biglaan ang lahat. Isang araw, panay ang kwento niya sa amin tungkol sa lalakeng napapanaginipan niya gabi-gabi. Ang sabi niya, baka iyon daw ang soul mate niya. At hahanapin niya ito at kikilalanin. Hindi namin siya pinansin dahil baka binibiro niya lang kami. Pero araw-araw, nakikita namin siyang tulala at tila ba may malalim na iniisip. When I asked her, she told me she was thinking about that guy in her dreams. Parang pamilyar raw ito at parang nakita niya na. I told her maybe it's Chad. Ang sabi niya hindi niya kilala si Chad."

"Ano nga pala ang nangyari sa kanila ni Chad?" tanong niya na.

"Iniwanan niya si Chad two months after ng pagsasama nila and I don't know why. No one knows why. Umuwi siya sa bahay na para bang wala lang. Inisip namin na baka nag-away sila at may malalim na dahilan kaya humantong sa paghihiwalayan. At pagkatapos ng lahat ng iyon, parang normal lang ang bawat araw na dumaraan sa kanya."

"Paanong hindi niya kilala si Chad?"

Napakibit balikat ito. "Nakakapagtaka rin. Sa isip ng bawat isa sa amin, baka paraan niya iyon para tuluyang kalimutan ito. Pero sa bawat pagbanggit niya sa lalakeng iyon sa panaginip niya, umabot sa puntong naging annoying sa amin iyon. Tinanong siya ng kapatid niya na baka ikaw iyon. Pero hindi ka raw niya kilala.

"Kinabahan kaming lahat. Hindi namin alam kung nagbibiro lang ba siya. Isa-isang ipinakita namin sa kanya ng larawan ninyo ni Chad. And we were so surprised dahil tuwang-tuwa siya ng makita ang larawan mo. She said, it was you. Ang lalake sa mga panaginip niya ay ikaw.

"The following morning, binigla niya na naman kaming lahat. Ang sabi niya, pinagsisisihan niya ang pag-iwan niya sayo. Pinagsisisihan niya lahat-lahat at gusto niyang humingi ng tawad. Iyak siya ng iyak dahil hindi niya pala kaya ang mawala ka sa buhay niya. Umabot iyon ng ilang araw. Nagkukulong siya sa kwarto niya at umiiyak lamang.

"At sa mga sumunod na araw pa, bumalik na naman doon sa hindi ka na naman niya kilala. Paulit-ulit ang ganoong sestima na talagang ikinatakot naming lahat. That's why I decided na dalhin siya sa isang psychiatrist para mapatingnan. She said, she's fine at marahil dala lamang iyon sa sobrang deprisyon. Pero sa araw-araw na dumaraan mas nakakatakot ang mga ikinikilos at ipinapakita niya. May pagkakataong nagsasalita siya mag-isa o kaya naman kinakausap niya ang larawan mo. And it made me so uneasy seeing her that way.

"I called my sister at humingi ng tulong sa kanya. May kaibaigan siya sa America at sinabing maaring makatulong kay Amber. Kaya dinala ko siya sa America para doon patingnan. And we found out about this mental disorder of her. Kung anu-anong klase ng gamot ang niriseta sa kanya. At nakita ko ang epekto 'nun. She's getting better. Wala na siyang naikukwentong kung anu-ano. Bumabalik na sa normal ang lahat." Napahikbi si Luisa.

Ikaw LamangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon