Prologue

17 0 0
                                    

I'll always  be here for you, heavenly

I can hear a voice yet I can't see anything... I feel like I'm lost..

HAHAHAHA.... Heavenly, your so cute with that!

 I've been hearing his voice yet I can't see him... Who is he?

Heavenly, wake up...

I opened my eyes after I heard him for the last time...

Pagbukas ko ng mata ko isang babae ang lumapit saakin, she was shocked and so she called a Nurse, the Nurse checked my eyes and call the Doctor after confirming that I was awake.

"Celine, Do you recognize me?" Tanong saakin nung babae.

Pilit ko syang inaalala ngunit hindi ko talaga kaya, kaya umiling ako, who is she?

Pagkatapos akong tignan ng doctor ay kinausap nya ang Babae sa labas, di ko sya kilala kaya pinabayaan ko nalang sila ngunit sa aking pagkakaintindi ay kamag-anak ko sya.

Ilang sigundo ang lumipas at may biglang pumasok na mukang ka edad ko lang na  dalawang magagandang dalaga kasunod nila ang dalawa ring binata, lumapit agad sila saakin at tinawag ako sa aking pangalan, kaya sa palagay ko'y kilala ko sila noon.

Nagpakilala sila Chaira, Khloe, Luke at Harvey saakin, sabi nila mga matalik ko raw silang kaibigan bago ako nawalan ng ala-ala.

Ang dami nilang tinatanong saakin pero hindi ko sila masagot sagot ng maayos dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko at medjo nahihilo pa ako, nakuha siguro nila yun dahil sa eksprisyon ko kaya tumahimik nalang muna sila. 

Madami akong katanungan na hindi ko kayang sagutin pero sabi ng Doctor huwag ko nalang daw muna pilitin maka ala-ala dahil baka mas mahirapan lang ako kaya nagpahinga nalang muna ako.

                                                                              ***

Ilang araw na ang nakalipas matapos akong magising at ngayon lang ako dinischarge, sabi saakin ng Doctor ay na coma daw ako ng ilang buwan dahil sa isang aksidente at  napalakas ang impact sa ulo ko na nagdulot ng pagkawala ng memorya ko, pagkatapos ng paguusap namin ay napag desisyonan namin nila Mommy at Daddy na umuwi na. 

Pagdating namin sa mansyon agad akong sinalubong ng yakap ng  isang lalaki na sa aking paningin ay ang aking kapatid kaya niyakap ko rin sya pabalik, habang yakap ko siya ay nilibot ko ang aking paningin.

Ilang malalaking frame ang nasa pader at kabilang doon ang litrato naming pamilya, mga litrato namin ng aking kapatid noong bata pa kami, hanggang sa pagka highschool  naming dalawa.

Inalok ako ni Daddy na kumain kay umupo nalang din ako at kumain, pagkatapos kong kumain ay inihatid ako ni Kuya sa kwarto ko para daw makapag pahinga ako, pagka pasok ko sa kwarto ko ay naglibot libot muna ako, nakita ko ang isang box na may mga naka pile up na notebooks na sa tiningin ko ay mga Diary ko.

Kinuha ko ito nagbasa basa muna masyado parin kasing maaga para matulog, sabi din saakin ng Doctor na maghanap daw ako ng bagay na maaring maka tulong para maka ala-ala ako.

Hindi na ako naka tulog kakabasa ng mga yon, anong oras narin kaya tinuloy tuloy ko na na basahin hanggang sa maka abot ako sa pinaka huling pahina ng Diary ko pero wala pa rin akong ma alala, at ang nakakabigla ay nung maka abot ako sa "4th year of High School" sa kalagitnaan ng notebook ay punit.

Ilang minuto ko pang hinalughog ang paligid para hanapin yung iba dahil imposible naman na wala yung sa pagka SHS girl ko sa mga diary na sinulat ko, marami akong napag alaman ngunit hindi pa rin yn sapat para maka alala ako, nalaman ko din na meron kaming Underground Business at marami din kaming negosyo at ari arian kaya kinaylangan ko ng Training simula bata pa para naman maprotektahan ko ang sarili ko.

Pinabayaan ko nalang at hindi na pinilit pa at nahiga ako sa kama, ipinikit ko ang aking mata para kahit papaano ay makapagpahinga ako.

Heavenly,  I was so worried, Damn it, where have you been? 

Nagising ako nang marinig ko ang boses ng lalaking 'yon, kasabay ng pagkagising ko ay ang pagkatok ni Kuya sa kwarto ko kaya binuksan ko ito.

"C'mon, Let's eat, Princess" Sabi ni Kuya

"Susunod nalang ako, Maliligo muna ako" Sagot ko

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang wardrobe at bumababa para kumain.

"Good Morning, Love!" Maligayang bati ni Mommy saakin

"Good Morning, Mom" Then I gave her a little smile.

Nakapagbihis na ako ng School Uniform, nag lagay ako unti ng liptint dahil para akong namumutla at sinuot na ang vest ng aking uniform, long sleeve at mini skirt at long socks ang uniform namin, pinalugay ko naman ang aking buhok at bumaba na.

Muntik ko ng kalimutan ang aking Bag na nakahanda na sa gilid ng aking kama, nagmadali akong bumaba at isinuot ang aking sapatos, nagpaalam ako kay Mommy at Daddy, sumunod ako kay Kuya sa sasakyan.

Papunta na kami sa School at medyo kinakabahan ako dahil para akong transferee kahit na hindi, napansin ata ni Kuya ang aking mukha.

"Hey, don't be nervous Celine" He pat my head and may kinuha sya sa pocket nya at binigay sakin it was a cellphone "Call me if anything happens, my name is set as "Kuya kong Likeable<3" you can text me if you don't wanna call" Sabi niya kaya tumango nalang ako.

Bumaba ako ng sasakyan matapos mag park si Manong Rey, maraming mga estudyante ang tumitingin sa gawi namin ni Kuya at dahil doon medyo nailang ako, ilang minuto lang din ay nagpaalam na si kuya na pupunta na sya sa klase nya kaya nagpaalam na ako , tinuro nya naman yung locker ko bago sya pumunta sa floor nya, by floor kasi ang mga courses dito kaya magkahiwalay kami ng floor dahil ang course nya ay Hotel and Restaurant Management, gusto nya daw kasi maging Chef at para narin daaw sa hotel namin sya daw kasi ang mag mamanage non.

Habang ako naman ay Business Manageent ang kinuha dahil sabi ni Daddy ako daw ang mag mamanage sa Comapany namin , nang makarating ako sa locker ko ay inilagay ko ang ibangdala ko gaya ng Book nakita ko kasi sched ko at wala namang need ng book sa first subject ko kaya iniwan ko nalang yun don. 

Habang naglalakad ako papunta sa room namin  maraming nakatingin saakin kaya medjo ninerbyos ako, at dahil sa nerbyos ko nagmadali akong maglakad at  kung saan saan lang ako napunta, liko lang ako ng liko hanggang sa wala na akong makitang estudyante.

Hanggang sa makarating ako sa isang lugar na hindi ko nga alam kung paano nag karoon ng ganito sa isang University.

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

;}

Her BodyguardWhere stories live. Discover now