Arabella's POV
Ilang minuto lang din ng maramdaman ko syang maglakad papalayo, Binuksan ko ang mga mata ko at nang nasigurado ko na maka alis na talaga sya.
Napasandal ako sa puno habang hawak ang dibdib ko, naninikip kasi ito dahil sa mga sinabi nya,uminom ako nang tubig at huminga ng malalim.
Tumunog naman ang phone ko kaya sinagot ko ito, It was Chaira.
[Hello, Ara!] bungad nya nang sagutin ko yung phone.
"Hi! Chai, napatawag ka?" tanong ko sakanya
[Uhmm, we're talking about the concert kasi later, so I want to know if aatend ka?]
May Battle of the Bands kasi later, doon kukunin ang mag rerepresent ng school sa gaganapin na event sa ibang university, hindi sinabi kung saang school gaganapin ang event but there are bands na gustong mag represent.
"Yes, of course aatend ako"Sagot ko sakanya
[Okay I'll tell Khloe, See you later, bye!] she hung up kaya binalik ko na sa secret pocket ko yung phone ko.
Tumayo na ako para bumalik na sa loob medyo crowded pa ang hallway dahil nga lunch break pa, naglalakad lang ako nang hinarangan nanaman ako ni Fionah at mga alipores nya.
"Excuse me, dadaan ako"bored kong sabi
"And who said na padadaanin kita?" Sabi nya saakin at tumawa naman ang mga alipores nyang kay papangit
"Ako ang nagsabi, bakit?" Naiinis na talaga ako sakanya, kahit di mo pansinin nag papapansin parin talaga.
"What makes you think makikinig ako sayo?" Sabi nya, kaya inis ko syang tinignan.
"Pwede ba? wala ako sa mood makipag away sayo, kung gusto mo makipag away maghanap ka nang iba na papatol sayo, tutal kahit saan ka naman nagpupunta may kaaway ka." Sabi ko sakanya, mukhang na offend naman sya sa sinabi ko pero bago pa man sya makasagot dumaan na ko sa gitna nila, ayaw din naman nilang tumabi.
Nang makarating ako sa classroom, Si Kurt agad ang nakita ko, tinignan nya ako pero umiwas nalang ako nang tiningin sakanya, medyo awkward din naman kasi tsaka iniisip ko parin yung mga sinabi nya.
Nang maka upo ako sa pwesto ko kinuha ko agad sa bag yung parang scrapbook na nakita ko nung unang araw ko dito, ngayon ko lang na alala na titignan ko pala kung ano yung nasa loob, nahanap ko na ang susi kaya napagisipan kong buksan nalang.
Una kong nakita ay ako na naka sweater and I was looking at the stars.
"Star gazing with her" binasa ko ang nasa baba ng picture.
Binasa ko lahat nang naka sulat sa baba ng mga pics sa tuwing ililipat ko ang mga pages.
Nang mabasa ko na lahat medyo sumakit ang ulo ko, umiglip ako and just when I close my eyes I heard his voice.
The guy... I... badly want to know....
"Heavenly, If you'd be given one wish what could that be?" rinig kong sabi nang lalaki...
"I wish to remember you...." Bigkas ko sabay tulo nang luha ko, I opened my eyse then I saw Kurt beside me, staring.
"You wish to remember who?" Tanong nya, nasabi ko ata ng malakas pero iniwas ko nalang ang mga mata ko sa mata nyaat napag pasyahan na huwag nalang syang pansinin.
***
Naka pwesto na kami nila Chaira sa harapan, gusto daw kasi nila makita sina Luke and Harvey, sumunod lang din naman ako kung saan nila gustong umupo.
YOU ARE READING
Her Bodyguard
ActionCame from a wealthy family and having a underground business, kind, sweet, yet fearless girl named Arabella Celine Marquez will lose her memory. Kurt Jefferson Villacampa a guy who loves unconditionally, rich, fearless, cold and smart what is he in...