01

10 0 0
                                    

Arabella's POV

Kanina pa ako naglalakad dito sa garden, di ko nga alam na meron palang ganito dito sa school, ang gaganda ng mga bulaklak dito at sobra ding tahimik kaya mas lalo kong ginusto na manatili dito.

Habang naglalakad ako may napansin akong tree house na sobrang ganda kaya pumunta ako roon at umakyat, pag dating ko sa taas agad kong napansin ang nakasulat sa papel na nasa tabi ng pintuan.

"Property of Heavenly..." Binasa ko at nilinaw talaga dahil baka nagkamali lang ako nang pagka basa ngunit hindi.

Heavenly? ganon din ang itinawag saakin nung boses ng lalaki na naririnig ko sa tuwing ipipikit ko ang aking mata pero baka parehas lang, tsaka bakit nga ba heavenly? 

Sinubukan kong buksan ang pinto pero ayaw mabukas kaya hindi ko nalang pinilit at umalis nalang, pagbaba ko ay dumiretso ako sa ilalim ng puno, ilang minuto ko din inisip kung pupunta ba ako ng klase, at napag isipan kong pumunta nalang sobrang boring din naman kasi dito kung magtatagal ako at baka din pagalitan ako pag di ako pumasok.

Hinanap ko yung second classroom ko para sa next subject, pumunta agad ako sa bakanteng upuan sa likod para umupo at makapaghanda na, maraming mga estudyante ang tumitingin saakin at kahit na medyo ninenerbyos at nagiging uncomfortable ako di ko nalang pinasin at inisip ko nalang na wala lang yun.

Habang nilalabas ko ang mga gamit ko nakita ko ang isang notebook na may lock, nagtaka ako kung bakit napunta ito sa bag ko pero nang makita ko ang nakasulat sa cover nya alam ko na, na akin iyon.

"Arabella's memories with me" ganon ang nakasulat sa cover nito, hinanap ko naman sa bag ko ang susi since kaninang umaga ay nakahanda na ito at dahil sa pag mamadali ko ay hindi ko na chineck ang loob nito.

Bago ko pa man umpisahan hanapin ang susi sa loob ng bag dumating na ang subject teacher namin kaya di ko nalang muna itinuloy.

"Good morning, class!" Bati nya saamin at inilibot nya ang kanyang paningin, nakita nya naman ako at medyo gulat pa din siya.

"How are you Ms. Marquez?" Tanong nya habang naka tingin saakin habang nakangiti ngunit halata at kita sa mata nya na hindi sya masaya na makita ako ulit.

Ano bang nagawa ko sa tandang ay este sa gurong ito noon? kung maka tingin kasi parang gusto akong tunawin ng unti unti.

"I'm good, sir!" Peke ko syang nginitian, di ko man alam kung ano ang nagawa ko sakanya noon hindi talaga magaan ang pakiramdam ko sakanya, nyetang kalabaw.

Tumango naman sya at nag simula nang mag lecture, nakikinig lang ako at nag t-take notes sa kung ano ang sinasabi nya at hinintay na mag break, natapos din siya matapos ng isang oras na lecture, ako ang unang lumabas nung tumunog na ang bell, dumeretso ako sa cafeteria para bumili ng makakain.

Dumaan ako sa locker ko para ilagay yung iba kong gamit gaya ng books, dinala ko nalang ang bag ko since uncomfy ako pag wala yung bag ko, ilang minuto din akong naglakad papunta sa cafeteria at saktong pag pasok ko ay may ilang nag tinginan at yung iba naman parang gulat na gulat na makita ako.

Tinawag ako nila Khloe kaya lumapit ako sa table nila pero bago pa man ako maka lapit sa kanila ay may humarang na saakin na babae, mahaba ang kanyang buhok at maganda din siya at may mga palaka ay este alipores din syang kasama.

"Well, Well, Well... look who's here" Sabi nya saakin na may naiiritang tono at mapanlait na mata habang naka tingin saakin.

Binigyan ko sya nang isang matanong na mukha, ngayon ko lang sya nakita sa araw na ito pero mayroong kung ano saakin  na naiinis sa kanya.

"The pabida at malanding Marquez, biruin mo buhay ka pa pala? pinagdasal ko pa naman na kunin ka na ni Lord" Tumawa naman ang dalawa nyang alipores na nakulangan sa aruga.

Tuluyan na akong naiinis sakanya at napansin ko nalang ang pagbabago ng aura sa paligid kasabay nito ang pag tingin ko sakanya emotionlessly.

"Oo buhay pa ako di ka ba masaya?... tsaka nagdadasal ka pa pala?" Tinarayan ko rin sya yung iba naman mahinang tumawa sa sinabi ko

Mas lalo ata syang nainis dahil nilapitan nya ako at binigyan nang nanakot na tingin pero ang nakakabigla ay hindi ako natakot o kinabahan man lang.

"Wag ka masyadong malapit ang baho kasi nang hininga mo, layo ka unti" Inasar ko sya lalo na mas ikinagalit nya naman talaga lalo.

Hindi na sya nagsalita pa at tinalkuran ako, weak naman pala tong babae to lalapit lapit tapos aatras, pero bago pa man sya tuluyang umalis ay may sinabi nman ako sakanya.

"Sa susunod wag ako ang ipag dasal mo, sarili mo nalang ipagdasal mo tsaka isali mo narin sa dasal mo yung mga alipores mo na kinulangan ata ng aruga, bye" di na sya nakapagsalita dahil pumunta agad ako sa table nila khloe.

Tinawanan naman ako ni Khloe na para bang natutuwa pa sya sa ganoong pag uugali ko, di nlanag ako kumibo at nag order ng food ko.

Bumili ako ng Ice cream na cookies and cream, sobrang sarap kaya dalawang beses ako bumili, habang kumakain dumating naman sila Kuya na may mga kasamang lalaki, sobrang dami nila pero di ko sila pinansin at tinuloy ko nalang ang pagkain.

Naki sabay sila at umupo sa table namin, nagchichikahan naman sila habang ako focus lang sa pangatlong ice cream ko, naramdaman kong may tumitingin saakin kaya hinanap ko kung sino yun pero wala naman ata kaya pinabayaan ko nalang.

"You like it?" Napatingin nanaman ako kay Kuya nang tanungin nya ako.

"I don't like it.... I LOVE IT!" Nakangiti kong tugon sa tanong nya at dahil don pinat ako ni kuya sa ulo ko habang tumatawa.

Dumaan ang ilang minuto at natapos na ang Breaktime namin, dumiretso ako sa locker ko para kunin ang book ko, nararamdaman ko na may sumusunod saakin kaya nagmadali akong maglakad at nagtago sa gilid, tama nga ako dahil may sumusunod nga saakin.

Hinawakan ko naman ang kanyang kuwelyo at tinulak sya sa pader, di sya lumaban at tumitig lang saakin.

"Who are you? bakit mo ako sinusundan?"Tanong ko sakanya, umiwas naman sya ng tingin saakin.

"Look at me, asshole!" Sabi ko sakanya, tumingin namna sya ulit saakin, pero ang weird lang kasi imbes na magalit ako sakanya parang mas gumaan pa ang pakiramdam ko.

Our eyes met, his Hazel brown eyes met my Dark brown eyes... I felt electricity flowing in my body na nagdulot para bitawan ko ang kwelyo nya...

"Who are you?" Kalmado kong tanong...

"You'll know soon..." may binulong sya pagkatapos noon na hindi ko na narinig.

I watch him as he walk away and I'm sure his someone I know, someone special.

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________

:)

Her BodyguardWhere stories live. Discover now