02

9 0 0
                                    

Arabella's POV

It's been weeks since that incident happened to me, everytime na iniisip ko yun nararamdaman ko parin ang kuryente sa katawan ko kaya pinilit kong kalimutan, but then last week kung kaylan naman nakalimutan ko na talaga nangyari naman ang hindi ko inaasahan.

Naging bodyguard ko lang naman sya, yeah naging BODYGUARD  ko sya...

Umuwi ako sa bahay and Daddy welcomed me with a warm hug, galing lang akong school at sobrang nakaka pagod din kaya I hug him back nalang din.

"Kumain ka na ba?" Tanong sakin ni Daddy kaya umiling ako since hindi pa naman talaga ako kumakain, pinaupo nya ako sa lamesa at ipinahanda sa mga maid ang pagkain.

Nag dasal muna ako and after praying nag simula na akong kumain, si Daddy naman naka tingin lang saakin and made me feel a little awkward but I shrug it since I'm really hungry na din naman. 

Patuloy lang akong kumakain until Dad decided to talk and break the silence.

"So, How's school Bella?" Tanong saakin ni Dad kaya tumingin ako sakanya.

"It's good naman Dad, aside from the annoying girl na lagi akong inaaway and yung teacher na galit sakin for an unknown reason and it piss me" Sabi ko sakanya and he just chuckle at my answer  kaya bumalik nalang ako sa pag kain ko

"UHMM... meron kaming nagawang desisyon ng Mommy mo, Bella" Napatingin naman ako sakanya when he said that, I gave him a questioning look at mukhang naintindihan naman ni Dad yun.

"We have decided to assign someone as your Bodyguard dahil ayaw na naming maulit ang mga nangyari saiyo at dahil may kilala akong estudyante na pwede mong maging bodygurad sa school sya nalang ang inassign ko para doon" Pag papaliwanag nya saakin kaya napatango naman ako.

"Sino dad?" Tanong ko sakanya at sakto namang may narinig akong tunog ng motor sa labas.

"He's here" nakangiti nyang saad saakin at kasabay naman nito ang pag bukas ng pinto kaya napatingin ako and then I saw him again.

A different place, A different situation but still I felt the same thing, I've felt the electricity flowing in my body.

"Hi, Miss! Good evening po, sir" Nakangiti nyang saad saakin at nakipag shakehands sya kay Daddy.

"He's Kurt Jefferson Villacampa, from now on he will be your bodyguard" Pagpapakilala ni daddy sakanya sa akin but I didn't speak becuase of shockness.

"You know her naman na Kurt, right?" Tanong ni Daddy sakanya at tumango naman sya, pinaupo sya ni Daddy sa tapat ko.

Nakatingin lang ako sakanya habang naguusap sila ni Dad until nag ring naman ang phone ni Dad kaya sinagot nya at naiwan kaming dalawa sa table.

His eyes are so attractive, sobrang tulis din ng jawline nya, matangos ang ilong at sobrang ganda ng ngiti nya, his korean looking hair fits him so much.... In short PERFECT!

Nagising naman ako mula sa iniisip ko nang magsalita sya...

"Stop staring at me, Miss" He chuckled kaya umiwas ako ng tingin sakanya at dahil nakakahiya din, uminom ako nang tubig at tinapos ang pagkain ko habang sya nag p-phone lang.

Nang matapos ako nilagay ko naman sa sink yung plate ko at kinuha ang Ice cream sa Ref at nilapag sa lamesa, kumuha ako ng cup para lagyan ng Ice cream, napatingin naman sya saakin habang kumukuha, nahihirapan kasi ako because sobrang tigas na since galing nga sa freezer.

"Let me help you, miss" sabi nya saakin at lumapit para sya nalang ang kumuha, nang matapos nyang lagyan ang cup ko, bumalik naman sya sa upuan nya pero tumayo ako at kumuha ng cup ulit para bigyan sya, medyo malambot narin naman ang Ice cream.

"Here, ako naman ang nagscoop for you, so you better eat that" sabi ko naman at nilagay yun sa harap nya, dali dali akong umupo and just start eating.

"Thank you, miss" he smiled and started eating.

Just remembering what happened that evening already gives me electricity flowing in my body.

Nandito ako sa school hallway ngayon and I saw him at his locker, sabi ni Daddy secret bodyguard ko daw sya sa school, kaya para lang kaming strangers, but what is surprising is that this past few weeks kapag nilalapitan sya ni Fiona may part saakin na naiinis but that feeling will go away pag sya mismo ang umiiwas at kapag pinapahiya nya ito by denying her statement na boyfriend daw sya nito.

I don't know what's happening to me but still whenever his around I always feel safe and it's making me wonder...

Nangmatapos na ang  isang subject namin, I go to the secret garden para magpahangin, I texted him na may pinuntahan lang ako para hindi na sya mag alala pa.

Ilang minuto pa habang naka pikit ako may naramdaman akong pumasok but I didn't bother opening my eyes.

I heard footsteps going near me.

"So I was right, nandito ka nga" narinig kong sabi nya, I didn't really expect na malaman nya na nandito ako but since alam nya na nga ano pa magagawa ko? 

Secret ko lang sana na nandito ako tuwing bored or gusto ko magpa hangin but turns out he knows this place, nakapikit parin ako habang naka upo sa ilalim ng puno.

Ilang minuto ding tahimik ang paligid hanggang sa nagsalita sya, nakikinig lang din naman ako.

"When will you remember? Don't make me wait for to long, mabilis din akong mapagod.... Miss" sabi nya na para bang sobra ko syang kilala noon, o baka nga kilala ko sya? 

Paano nya nasabi yun? ako ba ang kausap nya? or baka may kausap syang iba?

Sino ba talaga sya sa buhay ko? Bodyguard ko nga lang ba sya? Bakit lagi akong nakakaramdam ng kuryente tuwing nagkaka titigan kami? Ang dami ko ng tanong tungkol sa sarili ko na connected sakanya.

"Hahayaan mo nanaman ba akong mapagod? hahayaan mo nanaman ba akong mawala? I want to know, what do you want me to do? should I leave or should I wait for you again?" Sabi nya at halata sa boses nya ang sakit na nararamdaman nya.

Habang nakikinig ako sa mga sinasabi nya, nasasaktan din ako at the same time, I don't know kung bakit parang mas nasaktan ako habang naririnig yun sa kanya to the point na gusto ko syang pahintuin sa pagsasalita.

"Nangako ka na kaya mo ang sarili mo but then look what happened, sabi mo kaya mo akong mawala sa buhay mo at na kaya mo akong kalimutan but still I was the one you called out when you were in danger, at kahit na nasasktan ako dumating ako kasi ganon kita ka mahal, I was so loyal to you that even if tinaboy mo ako pinipilit ko paring isiksik ang sarili ko sayo......" Mas sumakit ang dibdib ko sa mga sinabi nya.

Ano ba ang nangyayari saakin? 

Please.... stop..... please Kurt....

I want to tell him to stop but still hindi ko nagawa, may part saakin na gusto lang syang pakinggan at hayaan lang magsalita, What is happening to me?

"Nakakainis lang kasi kahit na nasasaktan mo ako at patuloy mo parin akong sinsaktan, I still can't bring myself to hate you because I love you.... too much that I'm willing to hurt myself over and over again" Mas grabe yung sakit na naramdaman ko sa mga sinabi nyang yun..

Naramdaman ko nalang ang mga luha na tumutulo sa mga mata ko.... Ano bang nangyayari saakin.... Sino ba sya sa buhay ko.....

_______________________________________________________________________________________________

:/

Her BodyguardWhere stories live. Discover now