Chapter 4 - The date to remember

2.3K 61 3
                                    

“JULIE!!!”

Sumakit ang tenga ko ng pumasok ang bestfriend kong si Janna sa loob ng kwarto ko. Nabanggit ko kasi sa kanya na lalabas kami ni Elmo ngayon, alam niya ang lahat ng nangyayari sa loveteam namin pero ewan ko ba dyan kinikilig parin samin. Sabi niya malay ko raw maging kami ni Elmo in the near future…

AS IF.

“OMG! OMG! OMGGGG!” Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang kilig niya, nasobrahan na ata to sa kakasunod sa loveteam namin, hindi na niya alam kung ano ang totoo sa hindi.

“Janna ano ba.” Saway ko sa kanya ng matapos kong plantsahin ang buhok ko, I kept it straight lagi nalang kasi akong kulot. “Para kang bulateng inasinan dyan.”

“Bes!” Hinawakan niya ang dalawang braso ko at kinalog ako. “Ang swerte mo! Ang gwapo-gwapo niya talaga sa personal!” Bumitaw siya sa akin at nagpaypay ng sarili. “Ang hot-hot pa. God!”

“Nasaan siya?” Direchong tanong ko na parang wala akong pakialam sa mga sinasabi niya.

“Nasa baba. OMG!” Excited na sagot niya sakin. Buti nalang nakasara yung pinto ko kung hindi rinig na rinig sa buong bahay ang mga tili nito ni Janna. “Bes di ba sabi mo nagkiss kayo, baka maulit ha. My gosh!”

Tumayo na ako para tingnan ang sarili ko sa salamin nakakastress tong si Janna. I’m wearing a teal lace dress and a pair of black doll shoes. May konting accessories at make-up sa mukha. I  think I’m good to go.

“Janna I’ve told you before, it was just part of a scene-” Napapagod na akong mag-explain sa kanya pang ilang beses ko na tong pinaliwanag sa kanya? Si Mama kasi ang daldal kinwento pa yung about sa kissing scene. “plus may girlftiend na siya.” Dagdag ko.

“Sus girlfriend lang, hindi pa naman kasal so my chance pa kayo.” There she goes again. “Tara na dali! I’ll take a picture of you two para may maipost naman ako sa instagram.”

“Janna-” Pagod kong sabi sa kanya, ang hirap makipagsabayan ng kulit sa kanya wala na akong energy para dun. Bakit ba kasi naisipan pa nito ni Elmo na lumabas, ito na nga lang ang day na pahinga ko kinuha pa niya.

Sige na nga, sa brighter side nalang ako titingin. Sabihin nalang natin na kailangan naming patibayin ang solid foundation ng loveteam namin.

Two years palang kasi ang team up namin, kung baga sa business we have to increase our market share to outrun our competitors. Feeling business major, nabasa ko lang yan sa article.

“Wala ng Janna-Janna let’s go!” Hinigit na niya ako papalabas, wala na akong nagawa pa. The next thing I knew, nasa harap na ako ni Elmo, nakatingin siya sakin habang nakangiti.

Take note. Nakangiti.

“Bakit ka nakangiti?” Tanong ko sa kanya.

“Bawal ba ngumiti?” Pilosopong tanong niya. “You look good.”

It was the first time he complimented me and it felt good. Siguro kung dati pa kami nito nag-uusap, good friends na kami ngayon.

Hindi naman siya mahirap pakisamahan, sobrang unapproachable lang tingnan lagi kasing seryoso o di kaya nama’y nakasimangot.

“Thanks.” Triny kong ngumiti sa kanya.

“Wait lang!” Pareho kaming napatingin kay Janna nakaready na ang phone niya. Nasa likod niya si Mama at Papa nakangiti sila, hawak din ni Mama ang phone niya. “Picture.” Hinawakan ni Elmo ang waist ko at hinila papalapit sa kanya. Hindi na ako nagreact at nagready nalang. “One. Two. Three.”

Done.

Humiwalay na ako para kunin ang bag kong pinahanda kay Mama sa sofa. Ramdam kong nakatingin sakin si Elmo kaya hindi ko siya nilingon. Pumunta ako kila Mama at Papa para magpaalam. Hinalikan lang nila ako.

LOVETEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon