Chapter 13: Steady

1.4K 71 13
                                    

Kapag si lalake naglakas loob na sabihin ang nararamdaman niya gamit ang kahit anong paraan na alam niya, at si babae naman nagbulagbulagan at nagbingi-bingihan sa obvious na mensahe ni lalake.

Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari?

Edi ganito...

Awkward.

Iwasan.

Taguan.

Dedmahan.

Pero dahil guilty si babae, hindi niya matitiis si lalake.

Lalapit siya dito kahit na naninigas ang mga paa niya sa bawat hakbang na kanyang ginagawa.

Susubukan niyang ibuka ang kanyang bibig para kausapin ito kahit na parang walang salitang gustong lumabas mula rito.

Ibaba niya ang kanyang pride kahit na alam niyang pwede siyang mapahiya kung saka-sakaling hindi tanggapin ni lalake ang apology niya.

Bakit niya ginagawa ang mga to?

Simple lang,

Dahil alam na niyang quits na sila,

Na hindi na siya lang ang nakakaramdam ng kung ano mang nararamdaman niya,

Na alam niyang safe ng tumawid sa hanging bridge dahil kung sakaling hipan man ito ng malakas na hangin ay may kasama na siyang malalaglag.

Na kahit papaano may chance ng maging reality ang fantasy niya.

Iyon nga lang ay kung, hindi pa huli ang lahat.

***

"Elmo." Mahinang sabi ni Julie, iyon lang ang nakayanan niyang sabihin dahil sa kaba at takot na hindi siya pansinin ng kanyang kapareha kahit na silang dalawa lang ang nasa tent na iyon.

"Yes?" Maikling sagot naman ni Elmo, sapat para makahinga ng maluwag si Julie. At least, her face didn't fall on the floor. Pinansin siya nito. First mission, achieved.

"Galit ka ba?" Hindi sumagot sa kanya ang binata, tiningnan lang siya nito na para bang gusto nitong ipamukha sa kanya na 'oo galit na galit ako, anong pake mo'. "Dahil ba dun sa-"

"It's okay." He interfered with what she's about to say— not wanting to remember his unsuccessful plan. "Hindi mo naman kailangan lumabas dun. Maybe, I was just overreacting and I'm sorry." Sandaling tumahimik ang binata, hinayaan niya lang ito. "I'm sorry for being too childish."

There. Nung narinig niya ang sorry ni Elmo parang kinurot ang puso niya ng sandamakmak na nipper. Bigla tuloy niyang natanong ang kanyang sarili kung si Elmo ba talaga ang naging too childish sa kanilang dalawa o siya.

"Yung-" Nagdalawang isip siya sa sasabihin niya, but she said it anyway. "Yung Little Things prod mo, talaga bang para sakin yun?"

Natawa si Elmo, pero hindi alam ni Julie kung tawa ba yun as in purely tawa lang o may halong sakit. She couldn't say. Hindi naman kasi ganoong kadaling basahin si Elmo.

"Ano sa tingin mo?"

"Elmo, yes or no lang ang sagot." Inis na sagot niya rito, guilty-ng guilty na nga siya dinadagdagan pa.

"Kung oo ang isasagot ko may magbabago ba sa nangyari?"

"Wala." Ayan na naman, ang dami niyang gustong sabihin pero yun lang ang lumabas sa bibig niya.

"See?" Tumayo na si Elmo sa kinauupuan niya habang si Julie naiwang nakaupo sa gilid niya. "Wala ng point para pag-usapan pa to."

"Wait." Hinawakan niya ang kamay ng binata bago pa man ito makaalis. Tumingala siya rito, nagbabakasakali na nakatingin na ito sa kanya bago pa man niya ito tingnan. And as she wishes, iyon nga ang nangyari. Biglang lumakas ang loob niya, kailangan na nilang mag-usap. It's now or never.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LOVETEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon