Prologue

2.5K 59 0
                                    

Ang loveteam raw ang pinakamadaling daan patungo sa mundo ng kasikatan. 

Kapag kinagat ng masa ang taglay na chemistry ng isang loveteam, instant way to stardom na kaagad.

Marami ng mga artista ang sumikat dahil sa loveteam. Tulad nalang nina Jolina at Marvin, Mark at Jennylyn, Dawn at Richard at marami pang iba.

Anong similarities nila? 

Lahat lang naman sila hindi nagkatuluyan. 

Lahat sila'y naging pantasya nalang ng sambayanan.

Isa si Julie Anne San Jose sa mga taong nangarap na sana magkatuluyan ang loveteam na sinusubaybayan niya, ngunit nabigo. Hindi naman niya sukat akalain na ito rin ang kababagsakan niya, ang mapasok sa isang loveteam.

Mahirap naman kasi talagang sabihin kung ano ang magiging ending ng dalawang taong pinagsama sa iisang tambalan.

May mga loveteam dyan na nagkatuluyan ngunit naghiwalay din kinalaunan, may ilang hanggang loveteam nalang talaga, ang ilan nama'y nawala nalang ng parang bula but on the brighter side of my bitter side, may ilan namang nauwi sa simbahan.

Sinungaling ka
kapag may tao ay nilalambing mo ko

Pero pag wala ay sumasama ng turing mo sa 'kin
ay parang haning bitin na bitin

Di nila alam na sa dulo ng tagpo
di na patok ang linya ko

Nag-iiba ang iyong asta
hanggang sa susunod na eksena

Natawa si Julie habang nakikinig sa kanta. Loveteam, kanta ng Itchyworms. Nasa moment na siya ng pag-eenjoy ng lyrics ng kanta nang biglang basagin ng kanyang ama ang trip niya, nilipat nito sa ibang istasyon ang pinapakinggan nila.

"Papa naman eh." Angal ni Julie sa backseat.

"Ang pangit ng kanta Julie." Sagot naman ng kanyang ama.

Papa ni Julie ang nagdadrive sa kanya ngayon papunta sa SM Pampanga, first day kasi ng promotion ng movie niya at ng katambal niya, hindi pa tapos ang shooting nila pero may promotion na agad.

Ito kasi ang marketing strategy ng network na nag-aalaga sa kanilang dalawa para raw mas marami ang makaalam tungkol sa upcoming movie nila ni Elmo.

Si Elmo Magalona, siya ang loveteam partner niya.

Pinagsama sila kasi sabi ng mga managers nila may chemistry daw sila. May magic kumbaga.

Based sa observation ni Julie, mukhang meron nga, dahil tulad ng ibang loveteam-- kinagat din ng masa ang tambalan nila ni Elmo. Pinapaniwalaan din ng mga taong sumusuporta sa kanila na magiging totohanan na sila ni Julie sooner or later.

Ganito sa mundo nila, kailangan nilang maging matatag sa pagpapanggap para mas gumanda pa ang takbo ng karera nila individually at as a tandem. Katulad ng pagtrato natin sa mga opportunity na dumarating satin, sila Elmo at Julie, they're making most out of it lang din. Trabaho lang, walang personalan.

Sa mundo nila kailangan din na marunong kang sumikmura, dapat kayanin ng konsensya mo na magpretend once in a while kasi kung hindi siguradong talo ka. Para manalo, kailangan mong matutong gumamit at magpagamit-- you have to be wise enough kung ayaw mong mapunta lang sa wala ang pinaghirapan mo. 

Sa totoo lang madali lang naman i-maintain ang isang loveteam, the only rule is to at least save the loveteam. Give and take lang. Kapag may issue, normally sinesave ni Julie si Elmo, she has to cover for him. Ganun din naman si Elmo sa kanya, pero sobrang rare lang mangyari yun. Julie's a homebody, si Elmo naman outgoing. So that explains everything.

LOVETEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon