Chapter 1: The Beginning

2K 50 0
                                    

May something na ba sa inyo?

Kayo na ba?

Nanliligaw na ba siya sayo?

Nililigawan mo na ba siya?

May chance ba siya kung manliligaw siya sayo?

Do you text each other?

From the scale of one to ten, ano ang status ng relationship niyo?

Ilan lang yan sa mga paulit-ulit na tanong ng mga nag-iinterview kay Julie at Elmo. Nagsasawa na siyang sumagot ng we're good friends, we're getting closer, we're just friends o di kaya nama'y we're best of friends.

Masyadong showbiz, kung pwede lang na sagutin ni Julie ang mga tanong ng walang something, walang sila, hindi nanliligaw si Elmo o hindi niya sure kung may chance sila- as of now she thinks wala, they don't text each other and zero ang status ng relationship nila kung kasama nga ang negative one sa Cartesian plane pwedeng yun na.

Ang kaso hindi niya masabi kasi masisira ang loveteam nila.

Ilang taon na ang nakalipas simula noong sinubukan ni Julie na mag-audition para makapasok sa mundo ng showbiz. Walang alam ang mga magulang niya na pumila siya ng pagkahaba-haba at nagbilad sa init para lang makapasok sa mundong kinalalagyan niya ngayon.

Tulad ng artistang bumuo ng sarili nilang pangalan at hindi parte ng showbiz royalties, dumaan din si Julie sa katakot-takot na auditions at screenings. Nakilala si Julie Anne San Jose sa galing niya sa pagkanta, pagsayaw at sa pag-arte. She's a total package. A threat in the industry. She's currently 21 years old. Anak siya nina Jonathan at Marivic San Jose.

Nakatira sila sa isang subdivision sa Quezon City. Hindi ganoon ka well off ang buhay ni Julie, pero hindi rin naman siya ganun kahirap. She came from an average family kaya naman may basehan ang pagiging humble niya. Hindi kasi tulad ng ibang artista, si Julie, pinaghirapan niya ang pangalan niya. Hindi artista ang mga magulang niya kaya kinailangan niyang mag-exert ng effort para lang makarating siya sa estado niya ngayon sa showbiz.

Kasabay ng ingay sa presscon ay ang pagrereminisce ni Julie kung saan siya nagsimula. Hanggang ngayon kasi naooverwhelm pa siya sa nakukuha niyang kaliwa't kanang atensyon.

Ingay ng jeep.

Ingay ng bus.

Maging ng tricycle at motor.

Nagcommute si Julie papuntang Quezon City, may audition daw kasi para sa isang musical teleserye. Gusto raw fresh face kaya naglakas loob na si Julie na sumali. Bakit? Simple lang, gusto niyang makatulong sa pamilya niya at para matupad narin ang pangarap niyang makapagpasaya ng tao.

Ng mga oras na iyon, nasa isip ni Julie ang pagliban niya sa klase. Isa kasi siyang mass communication student, dean's lister kaya mahalaga sa kanya ang hindi pag-absent. Iyon nga lang kailangan niya talagang subukan ito, nagbabakasakaling makatsamba.

Kasabay ng pag-iisip niya ay ang pagbuga ng maitim na usok ng bus na katabi ng jeep na sinasakyan niya. Badtrip siyang bumaba ng jeep, naglakad nalang siya kasi malapit na naman yung pupuntahan niya, mukha rin kasing aabutin siya ng siyam-siyam kung aantayin niya pang umusad ang traffic.

Pagdating niya sa lugar kung saan siya mag-o-audition ay nagulat siya sa haba ng pila, tumingin siya sa kanyang relo, ala-syente palang ng umaga pero pangblockbuster na agad ang pila.

"Ate ito po ba yung pila para sa audition?" Tanong ni Julie sa babaeng parang nilublob sa harina ang mukha, ni hindi man lang sinama ang leeg niya sa paglublob para pantay naman sana.

LOVETEAMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon