SWG 1

149 3 7
                                    

Chapter 1

Naniniwala akong lahat ng stories sa wattpad ay may pinaghuhugutan. #WhoGoat yan, pati syempre yung mga fictional characters na ampopogi, hotties, and cuties. Ay teka lang may naalala akong gawin.

"Ina, punta lang ako kila Louise hah. Kukuhain ko lang po 'yung DNP kong libro." Paalam ko kay motherduck.

"Sige, Inday. Mag-iingat ka. Wag kang nagpapacute sa mga bugoy diyan sa may tindahan ni Aling Pipay hah baka mabuntis ka."
Saan kaya nahugot ng nanay ko ang pangalang 'yan at pinagtripan niyang ilimbag sa birth certificate ng so very proud. Inday Ynna Matias.

"Ina, buntis agad? Hindi ba pwedeng igagang rape muna nila ako?"

"Lukaret ka! Umalis kana, Inday at magbabasa din muna ako ng Bedroom Negotiation. Chapter one pa lang may car scene na si Lia. Hala, umalis kana at ayoko ng istorbo."
Like daughter, like mother nga naman kami ni ina pagdating sa wattpad. Oo naman noh. The best ang magbasa ng wattpad. The feeling is heaven. Ay, kinikilig nanaman ako...

"Inday, isara mo 'yung gate hah!" Sigaw pa ni ina nang makalabas ako sa pintuan. Ang nanay kong dinaig ako sa pagkaadik sa wattpad. Certified pemster yan. Nagtry ba namang gayahin si Pipay na hindi nagpapalit ng panty ng isang buong linggo at ginawang shampoo ang feminine wash. Yun nga lang maka-SPG si ina. Iniiwasan ko magbasa ng ganun baka mainvade ang aking mind ng green weeds.

Inayos ko muna ang glasses ko bago magsimulang maglakad. Dapat kasi nerdy nerdy ang get up ko para mapansin ako ng mga pogi. Diba nga sa wattpad, prone na makakilala ng mga yummilicious at sobrang popoging lalaki yung mga bidang nerd.

Nadaan ako sa tindahan ni Aling Pipay. May mga bugoy naman na tumatambay at parang may pinagkakaguluahan.

"Ang kyut kyut kyut ng baby." Sabi ni Aling Pipay na may kargang bata.

"Aling Pips, diba menopause kana? Paano po kayo nagsilang ng sanggol?" Nagtataka kong tanong. Binati naman ako ng mga poging bugoy dito sa compound. Dito talaga sa lugar namin ang daming pogi. Ngumiti lang ako kay Ian, yung pacute na ngiti. Angat kasi sa karamihan ang kapogian niya. Biniyayaan kasi ng dimples sa left and right cheeks.

"Wag tanga, Inday. Menopause nga eh kaya malamang hindi na makakapag-anak." Panunumpla ni Aling Pipay sa'kin. Kung kelan may mga pogi saka naman ako papahiyain.

"Aling Pips naman. Kasi nga po mukhang bata pa po kayo kaya kung hindi ko lang po alam na makunat na yang matres niyo baka akalain ko nga pong inire niyo ang baby na 'yan." Nginitian ko lang si Aling Pipay na mukhang naimbyerna sa sinabi ko.

"Maliit na bagay, Inday. Pero hindi ako ang umire sa batang ito."

"Inday, anak ko 'yan." Tila nahihiyang sabi ni George. Nagulat naman ako. Ang bata niya pa para magkaanak. Tsantsa ko ay nasa kinse lang siya.

"Batang ama na 'tong si George, Inday." Sabat ni Ian. Nemen. Bakit ang cute niyang magsalita? Sarap kurutin ng biloy niya.

"Ayy, bagito kana George. Dapat panoorin mo yung teleserye dati sa ABS-CBN. Madami kang matututunan dun, galing wattpad yata ang istoryang 'yun."

"Ahh." Sagot lang ni George. Hindi niya yata alam ang wattpad.

"Inday, chat tayo mamaya hah." Sabi naman ni Ian. Emegerd! Ito na ba 'yun. Dumadamoves na si Ian.

"Sige, Ian. Mamaya na lang." Mayumi kong sagot. Nagpapademure pa ako, ayoko ngang maging aggressive baka maturn off si Ian.

"Mangungutang kaba kaya ka nandito sa tindahan ko, Inday?" Biglang tanong ni Aling Pipay.

"Ay, hindi po. Pakarga na lang po muna ng baby ni George. Gusto kong maexperience."

"Eto oh." Pinasa ni Aling Pipay sa'kin 'yung baby. Natakot pa ako nung simula pero ang gaan niya. Motherduck na motherduck ang feeling. Nilabas ko yung selpon ko mula sa bulsa ko.

"Papiktyur naman po kami, Aling Pips." Pakisuyo ko. Once in a lifetime lang kasi 'yung mga ganito.

"Naku! Mga kabataan talaga ngayon, ang bi-vain." Dakdak naman ni Aling Pips tas pinagkukuhaan kami ng litrato ng baby ni George.

"Sige, hah. Napadaan lang ako. Talk to yah latur, Ian." Paalam ko sa kanila at nagmadaling naglakad hanggang sa bahay nila Louise.

Nag-doorbell ako. Sosyal, may doorbell sila Louise samantalang sa'min ay kalampag lang. Pawis na ako. Mainit kasi ang panahon dahil summer na.

"Sino ka?"

Swear to the pempem and back ay biglang nag-appear sa harap ko ang mala-Cross standford ang abs na lalaki at mala-Kenji Delos Reyes naman ang kagwapuhan at parang Mafia boss ang dating. Whoa! Ang init ni kuya. Nangingintab kasi yung pawis sa dibdib niya.

"Wrong gate." Sabi pa niya. Hala, san napunta ang dila ko at wala akong mahagilap na sasabihin.

"Hoy, inday!"

"Aray~... Bakit mo'ko sinampal?" Napahawak ako sa pisngi ko. Muntikan ng matanggal yung suot kung glasses.

"Bukod sa nakanganga ka, naglalaway ka na din. Walang wattpad character dito. Anong nangyayari sa'yo?"

Teka lang hah, nasaan yung lalaki?

"Anong tinitingnan mo?"
Nilagpasan ko lang si Louise at nagtuloy doon sa loob. Hinahanap ko kasi yung nakita ko kanina.

"Inday, ano ngang hinahanap mo?" Tanong ulit ni Louise na nakakunot-noo.

"Wala naman. Akala ko nakita ko na 'yung kaforever ko. Sobrang init lang yata ng panahon at naghahallucinate ako."

"Wattpad pa more kasi. Punta ka sa kusina, uminom ka baka maheat stroke kapa."

Tumango lang ako at pumunta nga sa kusina nila Louise. Tinutumbok ko 'yung ref. Bigla talaga akong nauhaw ng bongga.

"Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"

Napasigaw ako sa nakita ko. Siya 'yun!

"Inday, bakit ka sumisigaw?" Tanong ng Louise na nasa likod ko na pala.

"Kasi... Siya!"

"Anong siya?" Naguguluhang tanong ni Louise.

"Siya ang bubuo sa forever ko."

Nakita ko kung paano umarko yung kilay ng lalaki sa sinabi ko at bigla na lang umikot ang paningin ko tapos nilamon ako ng kadiliman.

Si WATTPAD GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon