SWG 4

45 2 0
                                    

Chapter 4

Si Zayn ba 'yun? Parang hindi naman. Epekto lang ng init ng panahon 'to. Tinakbo ko na ang bahay namin. Nang mapadaan ako sa tindahan ni Aling Pipay ay may tumawag sa'kin pero hindi ko na pinansin at gusto ko nang makarating sa bahay. Gusto ko nang maligo. Sobrang init.

"Ina! Buksan mo ang mahiwagang gate!" Sigaw ko with matching kalampag sa gate namin.

"Ano ba 'yan! Istorbo ka talaga poreber, Inday. Kitang nagbabasa ako ng Layas ni Tim Liwanag dito. Para kang si Lucas, layas ng layas!" Naririnig kong reklamo ni ina habang binubuksan ang gate.

"Ina hah, nang kalampagin ko 'yung gate hindi ko naman nakitang nagbabasa kayo at nagpaalam po akong pupunta kila Louise. May naglalayas bang nagpapaalam? Hustisya naman, ina!"

"Wag mo nga akong artehan ng ganyan, Inday. Istorbo poreber ka. Ang ganda pa naman ng binabasa ko nawalan na tuloy ako ng gana." Nagdadabog na pumasok ng bahay ang nanay ko. Diyan yata ako nagmana.

Para akong the flash na tinungo ang ref namin. Sobrang uhaw ang nararamdaman ko.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at mabilis na kumuha ng pamalit. Kailangan kong maligo baka matuluyan na ako sa init.

Habang naliligo ako ay bigla namang nagflash sa utak ko yung imahe ni Silver at yung sinabi niya.

"I don't like you."

Grabe siya sa'kin. Hindi pa nga niya ako lubusang kilala tapos... tapos ganun agad? Hindi yata patas yun. Hustisya, please lang.

"Nakakainis naman. Ang gwapo pa naman niya. Ang hard pa ng abs niya at ang hot lang ng arrive niya. Tapos ganun? Ganun na lang? He doesn't like me daw? Arrrrrggggghhhh!!!!"

"Inday! Nakung babychick ka! Wag ka ngang nagsasalita mag-isa diyan? Tumitira kana ba?" Sigaw ni ina mula sa labas ng cr.

Babychick. Ang sama lang sa pandinig ng tawag na yun ni motherduck sa'kin. Nemen. Nagsasalita nanaman kasi ako mag-isa.

"Ina, manahimik po kayo at may iniisip ako! Magbasa na lang kayo ng wattpad!" Sigaw ko mula sa loob ng banyo. Ginhawa talaga ang tubig sa mga panahon na ganito—tag-init. Whoo. Naaalala ko nanaman yung kumikinang niyang pawis na tumulo sa matitigas niyang dibdib. Ufff... Tama na, Inday. Istap na.

"Sige, bilisan mo diyan at kakain tayo sa labas. Dumating na ang Kuya Bhoknhoi mo!" Sigaw-back ni ina sa'kin.

Binilisan ko na nga ang pagpaligo. Andiyan na kasi si Kuya Bhoknhoi ko, payday pa naman ngayon. Makapanghingi nga ng pera. Bright idea, Inday. Pansin niyo yung mga pangalan namin ni Kuya Bhoknhoi? Kaloka si motherduck, nu? Nakatira yata nang magpangalan sa'min ni Kuya. Inday Ynna Matias at Bhoknhoi Yobby Matias. Diba, ang henyo ni ina. *facepalm*

"I'm done! I'm done!" Sigaw ko at patakbong lumabas ng banyo na nakatapis lang.

"Ynna, bilisan mo. Bilisan mo ang takbo! Gutom na ako." Wika ni Kuya Bhoknhoi, with nakakalokang dalawang h talaga sa pangalan niya. Buti pa kapag si Kuya ang bumibigkas ng pangalan ko, medyo sosyal.

"Inday, may pasok pa ako mamayang gabi." Sabi pa ni Ina.

"Saglit lang naman!" Reklamo ko.

After one gazillion milliseconds ay nakapag-ayos na din ako. Ready to rampa na si Inday.

"Ang bilis ng saglit mo." Naiinis na sabi ni Kuya at hinimas himas ang tiyan niya.

"Kayo naman, minsan lang magpaantay. Sorry po!" Nag-bow pa ako sa harap nila na parang si Chichay.

Lumarga na din kami. Nagtaxi na lang kami bawas gastos daw sabi ni Kuya. Mas praktikal raw kasi mag-commute sabi niya. E di sana hindi na siya bumili bili ng sasakyan.

Nagtaxi kami at pumanta sa pinakamalapit na mall. Akala ko pa nga sa Vikings kami kakain eh 'yon pala sa Mang Inasal.

"Gusto ko yung pecho hah." Tumango lang si Kuya Bhoknhoi at pumuntang counter. 

"Nakasimangot ka diyan, Inday?"

"Ina naman kasi! Purgang purga na ako sa inasal, ina!" 
Eto kasing nanay ko adik kay Angel Locsin kaya mula Folded & Hung, Happee, hanggang Mang Inasala at lahat ng ineendorse ni Angel ay tinatangkilik niya. Kulang na lang ay magpa-turok si ina ng silicon para magkapareho na ang size ng boobs nila ng idol niya.

"Inday, ganito ang mga fangirl. Piktyuran mo nga ako." Sabi pa niya sabay pose sa tabi ng nakatayong imahe ni Angel sa loob ng Mang Inasal na pinuntahan namin.

Nagdadabog at nakasimangot ko namang kinuhaan ng litrato si Ina. Nakahanap naman ako kaagad ng mauupuan. Nakasunod lang si Ina sa'kin.

May dalang number si Kuya Bhoknhoi galing counter. Iseserve na daw ang order namin in less than five minutes.

"Wag kang sumimangot, Ynna at nasa hapag tayo."

"Opo, kuya." Nagpilit ako ng ngiti. Kainis naman kasi si Ina. Kamukha na niya yung Inasal na manok.

"Kelan kaya ako magiging kasing sexy ni Angel, yung mahahalina sa alindog ko na kasing gwapo ni Luis Manzano." Nangangarap na sambit ni Ina na nakatitig sa larawan ni Angel na nakadikit sa glass wall.

"Ina!" Sabay naming bulalas ni Kuya. Kung kelan tumanda tsaka kekerengkeng.

"Joke lang, kids! Alam niyo namang die-hard fan ako sa kakisigan at sandata ng namayapa niyong ama. Sana masaya na siya sa kinalalagyan niya. Namimiss ko na ang mga haplos at yakap niya." Madrama na ang tono ng boses ni Ina. "Sana man lamang ay dalawin ako ng ama niyo kahit saglit lang."

Natawa kami sa kadramahan ni Ina. Inirapan pa kami. Wagi talaga magdrama ang nanay ko, pang Wagas.

"Ikaw, wag munang magboboyfriend. Bawal pa. Kailangan makatapos ka muna ng college."

"Ang killjoy mo, Bhoknhoi. Boyfriend lang, ipagbabawal mo pa." Komento naman ni Ina. "Dapat itong si Inday nagtitingin tingin na ng maliligawan este manliligaw." *tikhim* *tikhim* "Tingnan mo yung nasa kabilang mesa na binata, dapat ganyan kagwapo ang magiging manugang ko." May itinuro si Ina at saktong paglingon ko...

"Si-S-Si-Silver..." Nasambit ko.

"Kilala mo anak?"

Napatango ako, nawawala nanaman ang dila ko.

"Tita Grace! Bhoks! Inday!"

"Louie, bata! Musta? Tumatangkad ah." Sabi ni Kuya. Si Louie kasi napansin pa kami.

"Tingnan mo 'tong batang 'to kipogi, kamukha ni Top, diba Inday?"

"Hah?"

"Si Inday talaga, lutang nanaman sa kagwapuhan ko." Ngumisi si Louie.

"Sige nga, Louie ligawan mo nang matigil."

"Ina!" Natawa ako sa reaksyon ni Kuya. Ayaw niya talaga na maligawan ako baka mamaya tumandang magandang dalaga ako neto.

"Si Silver kasama mo?" Tanong ko kay Louie.

"Uh-uhmm... Selos na ako, Inday. Siya agad tinanong mo." *Hurt face* "Aling Grace, puntahan ko po muna pinsan ko. Enjoy your meal."

"Alam mo, Inday bagay kayo ni Louie." Tukso ni Ina nang makaalis na si Louie. Kumakaway-kaway pa sa'min samantalang si Silver nakapoker face lang na akala mo pinagtaksilan ng Heaven and Earth.

"Si Silver po ang gusto ko, Ina, yung sinasabi mong gusto mong maging manugang."

"Tumigil na kayo. Ikaw, Ina puro kalokohan ang itinuturo mo kay Ynna."

"Bhoknhoi! Ina mo pa rin ako kaya wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan. Para lang naman sa kapakanan ng magiging apo ko ang iniisip ko."

"Ina, tama na. Eto na order natin."

Hindi nagpaawat si Ina bagkus ay tumayo siya at tinungo ang table kung saan naroroon si Silver at Louie. Napapikit ako. Mag-aamok siguro si Ina. Naku, troublemaker talaga.

"Humanda ka, Ynna parang may regalo si Ina sa'yo."

Nalunok ko ulit ang dila ko nang lumingon ako at nakita kong kasama na ni Ina si Silver. Oh noes!!!

Si WATTPAD GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon