SWG 3

64 2 0
                                    

Chapter 3

"Dark secrets? Maitim ang singit niya at kilikili niya? Okey lang, matatanggap ko 'yun. Love knows no color nga diba? Counted ang mga singit singit dun.Araay~"
Todo na talaga ang brutality level ni Louise sa sobra niyang manakit sa'kin. Huhu T_T Dinaig ko pa ang nagkaroon ng Demon boyfriend sa babaeng ito.

"Hindi 'yun ang tinutukoy kong dark secrets."

"Eh ano?"

"Secrets nga, kaya hindi ko sasabihin sa'yo."

Napaisip ako. Napahawak ako sa baba ko.
"Hala, beki siya, Louise? Ay, kinikilig ako. Magiging When A Beki Falls Inlove ang drama namin."

"Gaga, tumino ka nga." Sabi naman ni Louise at hinila 'yung buhok ko. Ipa-rape ko 'tong babaeng 'to kay Luke Palermo na cassanova ng Tigers ng matigil sa kakapanakit sa'kin.

"Sabihin mo na kasi ang dark secrets niya. Worst friends naman tayo eh. Sige na. Plith." 

"Tumigil ka, Inday. Hahampasin kita netong laptop ko. Kalimutan mo na lang na nakita mo 'yung pinsan ko." Sabi niya, yakap ang laptop niya na pahigang binagsak ang sarili sa kama niya.

"Sige na, Louise. Sabihin mo na. PoGay ba siya? O baka naman adik 'yang pinsan mo? Pero hah, wala namang adik na mala-Christian Grey ang dating."

"Awat na sabi. Nandiyan sa drawer 'yung Diary Ng Panget mong libro. Hala, lumayas ka na."

"Mamaya naman. Nagchachat pa nga kami ni Ian ko. Di mo ba ako namiss at pinapalayas mo na ako?"
Sama talaga ng worst friend ko. Ayaw manlang ishare sakin ang dark secrets ng pinsan niya at pinapalayas na ako.

"Walang nakakamiss sa'yo, Inday at nakakapanis ka kaya ng utak. Geh na, uwi na baka mapagtripan mo nanaman yung pinsan ko."

"Oo na, hindi na promise to the pempem and back 'yan. Ay, teka lang hah. Ano nga ulit apelyido ni Silver?"

"Falcon. Umuwi kana sabi. Wala ako sa mood makipagpanisan ng utak sa'yo. Inamag na kasi yang sa'yo." Pagtataboy pa sa'kin ni Louise.

"Grabe ka sa'kin, Louise. Beri hard ka." Nakasimangot kong sabi at nilapin yung drawer niya para kunin yung libro ko.

"Louise, kelan mo ba ako ipapakilala sa gangster friends mo? Baka naman may pogi dun? Kahit bitayin ako patiwarik, okey lang basta pogi hah. May kamukha ba ni Kenji dun?"

Halatang inis na ang worst friend ko sa pangungulit ko.
"Wala. Kaya uwi na at panis na nga ang utak ko." Sabi niya at tinakpan ang mukha niya ng unan. Hmp! May something kay Louise, hindi ko lang alam kung ano.

Nagmartsa na nga ako ng dahan dahan palabas ng kwarto niya. Ang killjoy niya ngayon. Nagbabasa din naman 'yan ng wattpad si Louise pero may kakaiba talaga eh.

"Wuss up, Louie?!" Bati ko sa kakambal ni Louise. Kakapasok niya lang sa main door ng bahay.

"Yow! Inday! Ganda natin ngayon ah."
Ay, keleg na ito. Kung ano kasi ang linobo ni Louise kakakain, itong kambal niya ay siya namang ikinamacho.

"Ikaw talaga, Louie. Wag mo ngang pinapalaki ang maliliit na bagay." Pagsakay ko sa biro niya. Hindi naman ako kagandahan talaga. Pero sabi ni ina ay maganda daw talaga ako. Syempre sasabihin niya 'yon kasi motherduck ko siya.

"Haha. Nasaan pala si Louise? May naghahanap kasi sa kanya na kalokalike ni Zayn."

"Weh? Zayn Malik? Barbero ka nanaman."
Zayn Malik kalokalike? Eh ang gwapo kaya nun kaya patay na patay si Louise dun. Malamang walang papasang kalokalike dun.

"Totoo nga."

"Oo na lang daw ako, Louie." Teka hah, may naiisip ako. "Louie, alam mo yung dark secrets ng pinsan mo?"

Nanlaki yung mata ni Louie tapos nanliit ulit at tuluyan nang naningkit.

"Si Silver ba na pinsan ko ang tinutukoy mo?" Tanong niya at hinawakan yung magkabilang balikat ko. Oh, no! Bakit iba yung tingin ni Louie sa'kin? "Nandito naman ako, Inday. No secrets."

May biglang tumikhim. Napatingin kami ni Louie sa gawi ng tumikhim. Humaygoodness! Si Silverswan! Teka lang hah, ano ulit sinasabi ni Louie?

"M-may si-n-nasabi ka ba, Louie?" Nabubulol kong tanong kay Louie pero nakatingin pa rin kay Silver. Bakit ang hot niya? Hotness overload sa tag-araw si kuya.

"Laway mo tumutulo, Inday." Mahinang sabi ni Louie. "Yow! Insan!"

Binitawan naman ni Louie yung balikat ko at lumapit kay Silver.

"Si Inday pala 'yan, insan. Kaibigan ni Louise. Maganda noh?"

Eto nanaman 'yung dila ko. Nawawala nanaman. Siguro naglakbay sa kung saan.

"I know her. Wattpad addict."

Hindi ko alam kung bakit ang sama ng tingin niya sa'kin na parang nagawan ko siya ng major major na pagkakamali. Nakakuyom pa 'yung kamao niya. Oh, no! Dyahe 'yung biglang nawawalan ako ng dila dahil lang sa presensiya niya.

"A-ah...e-eh..."
Shutanginerns, Inday! Napunta na nga sa wonderland ang dila mo.

"I don't like you." Sabi niya pa.

Di ko alam pero agad akong tumakbo palabas ng bahay nila Louise at pagkalabas sa gate nila ay tumakbo ako nang tumakbo. Nasa marathon ba ako?

"You okay, Miss?"

"Zayn Malik?"

Si WATTPAD GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon