SWG 5

10 1 1
                                    

Chapter 5

Pigil ang pag-hinga ko, lakas ng kabog ng puso ko, at para akong aatakehin ng asthma. Ano nanaman kaya ang pumasok sa kukote ni ina?

"Inday, meet Silver. Silver, meet Inday ang maganda kong anak."

Nasamid ako at umubo-ubo. Maganda daw! Maganda nga ba? Kakaibang trip nanaman ng nahihibang kong ina.

"Hi." Napakamatipid niyang bati sa'kin. Nagsi-save ng energy o sadyang hindi ko lang deserve ang matinding effort para sa hi niyang 'yon? Banas. Hi lang naman eh, kung ipagkait sa'kin, wagas.

Nakaramdam ako ng pagkailang sa titig niya sa'kin. Siguro minamassacre na niya ako sa isipan niya. Tumungo na lang ako. Pinaupo pa siya ni ina sa tabi ko kaya ang lakas tuloy ng kabog ng puso ko.

"BSA pala ang kurso mo ano, Silver?" Tanong ni ina.

"Opo." Ang tipid talaga niya magsalita.

"San ka mag-aaral? Diba galing kang Baguio? Bakit biglaang napaluwas ka ng Maynila?" Feeling talaga ni ina imbestigador siya. Napadako ang tingin ko kay Louise sa table nila ni Silver kanina. Napangiti ako kasi nakatingin din siya sa'kin. Kumaway siya sa'kin sabay wagayway ng stick ng inasal. Kulit niya pramis, parang si Louise din. Ayun, nag-flying kiss pa. Minsan, pakilig din 'tong si Louie.

"Opo. Gusto ko po kasing dito na sa Manila mag-aral kaya pansamantala muna akong titira sa tita Gie ko." Buti kay ina hindi siya masungit. Nangungu-po pa.

"Kila Gie ka pala natuloy. Dumalaw ka naman sa'min, iho. Alam mo 'tong dalaga ko matutuwa kapag dumadalaw ka sa kanya sa bahay. Pasama ka na lang kay Louie. Madami akong Accounting books sa bahay. Pwede kong ipahiram sa'yo for advance reading."

Muntikan ko nang maisubo yung buong hita ng manok sa sinabi ni ina. Seryoso? Bugaw 'tong nanay ko. Plus, pinapahamak ako. Matutuwa daw ako kapag dinalaw ako ni Silver sa bahay. Emegerd! May sakit ampeg? Sana pagpadalhin niya na din si Silver ng flowers at fruits. *facepalm*

"I really don't think I'll get along well with your daughter since I am very vocal about not liking her." 

Boom! Ano daw ulit? Nakakabingi. Nakakamanhid ng tenga.

"Iho, hindi bago sa akin ang ganyan. Ilang lalaki na ba ang nang-reject kay Inday pero hindi naman sa pagbubuhat ng bangko ay may ganda din namang itinatago ang anak ko. Yun nga lang ay sa sobrang tago nun ay nabaon na at hindi na makita. Sana ay bi—"

"Ina, tama na! Hindi ko na kaya." Pigil ni Kuya Bhoknhoi sa sasabihin ni ina at humagalpak ng tawa, sapo-sapo ang tiyan niya. Kamote!

"Inday! Saan ka pupunta?"

Hindi ko nilingon si ina. Dire-diretso ako sa paglabas sa Mang Inasal. Sobra-sobrang kahihiyan na 'yun sa harap ni Silver. Ipaalala at ibroadcast naman daw ba crush ko na madami ang nang-reject sa'kin. Kaloka si ina, napaka-sensetive niyang nanay.

Sa sobrang hiya, inis, at panliliit na nararamdaman ko ay napadpad ako sa National Bookstore. Agad kong tinungo ang shelves ng wattpad-popularized books. Heaven!
Nakita ko agad yung Break-Up Planner, Reyna Ng Kamalasan, My Prince, at etc... Para akong gutom na biglang nakakita ng pagkain. Gusto kong bumili ng libro. Gusto kong magbasa. Gusto kong paniwalain ulit yung sarili ko na may forever. May forever naman talaga ah!

Forever. Hindi nabibili sa tindahan 'yan. Wala sa Mercury Drug n'yan o sa Seven Eleven. Pero sa WATTPAD, MERON NIYAN! Sa mga HAPPY ENDING STORIES ay nandun 'yun. Madami mang bitter at sila ang dahilan kung ba't nalalaspag ang FOREVER. Basta ako... I Believe na IKAW lang at AKO. Haha.
Hopeless romantic akong tao. I believe in fairytales. I have faith na may nakatakdang tamang tao para sa ating lahat. Nanalig akong magpapadala din si God sa'kin ng isang Cross Standford o pwede na din kahit isang Matteo Do na lang. Every girl has a prince charming.

"I think this one is better." Naistorbo ang pag-mumuni muni ko kasi may sumulpot na lang bigla sa tabi ko at idinuldol sa mukha ko yung librong Fifty Shades Of Grey. "And this one." Yung librong Adultery naman yung bumungad sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Matabang kong tanong. "May pasabi-sabi ka pang 'I think I can't get along well with your daughter since I am very vocal about not liking her.' Ang kapal mo din,nuh? Kasing gwapo mo si Kaizer ha? Kasing tigas ba yang abs mo sa abs ni Red, Top, at Cross ha? Kapal mo!" Himalang rumaratsada yung dila ko sa kasasalita. Si Silver 'tong kaharap ko at himalang hindi umuurong ang dila ko.

"If that's how you visualizes me in your mind, edi oo."

"Okey." Sagot ko na lang at lumipat sa ibang shelves. Dun na sa may mga bibles and inspirational books.

"Do you really like me?"

Hindi ko mapigilan na mag-init ang pakiramdam ko dahil sa tinanong ni Silver. Bakit ba 'to parang buntot ngayon? Siguro kung hindi ako badtrip ngayon baka naglumpasay na ako sa sahig sa kilig.

"Nagwapuhan lang ako sa'yo. Wag kang assuming." Matabang ko pa ring sagot. "Hindi mo ako gusto diba? Ba't nandito ka?"

"Akala ko magbibigti ka na sa sobrang kahihiyan sa harap ko kanina."

Kapal! Pogi nga at hot, makapal naman ang mukha. Lahat ng pagpapantasya ko sa abs niya kanina ay nilipad bigla ng malamig na hangin palabas ng atmosphere ng Earth.

"Ang babaw naman ng tingin mo sa'kin. Siguro ang taas ng tingin mo sa sarili mo o sadyang ang laki lang ng problema mo sa mundo." Inis akong napapailing.

"It's fun to see you annoyed." Sabi niya lang at tumalikod na sa'kin.

"Silver, teka lang..." Tawag ko sa kanya at lumingon siya. Naglakad ng sobrang lapit sa kanya. "May nabasa kasi ako sa Wattpad. Effective daw 'to lalo na sa makakapal ang mukha." Sabi ko at napadako yung kamay ko sa mukha niya. Nag-aalinlangan pa nga akong haplusin yun pero kinapalan ko na ang mukha ko. Malambot yun at pakiramdam ko ay namumula ako. Si Silver naman ay nagugulat sa ginagawa ko.

"PDA 'to," usal niya.

"Hindi lalo na kapag ganito..."

First time ko makagawa ng bagay na hindi ko inakalang kaya kong gawin. Ito pala ang nagagawa ng sobrang inis.

"Hala, kawawa naman si Kuya. Ang pogi pa naman. Ang bad ni Ate. Kung ako kay kuya i-bibreak ko na 'yan." Narinig kong komento ng isang teenager din.

Nilapitan naman ng guard ang umiingit sa sakit na si Silver kaya nakakita ako ng chance na lumabas ng bookstore.

"Ynna! Ano ba nanaman ang kalokohang pinaggagawa mo?" Muntikan ko nang mabangga si Kuya Bhoknhoi sa kamamadali ko palayo sa National Bookstore.

"Isa ka pa, kuya!" Nagtatampo kong sabi at tumakbo palabas ng mall. Hinabol ako ni Kuya pero nawala din ako sa paningin niya.

Sobrang naiinis ako sa mga tao ngayon, lalo na kay ina at Silver. Yung nanay mong lakas i-bida yung past rejections mo kuno at yung itinuring mong ka-forever na nang-iinis at nambibwisit sa'yo. Sarap nilang pagbuhulin.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Si WATTPAD GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon