SWG 2

96 3 0
                                    

Chapter 2

"Indaayyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! Ayan, mulat kana din sa wakas."

"Anong nangyare?" Tanong ko kay Louise na nakapameywang.

"Nahimatay ka. Naheat stroke ka sa hotness ni Silver." Sagot naman ni Louise at may kinuha sa bulsa. Naku 'yan nanaman siya sa peyborit niyang dark chocolate kaya lumulobo eh.

"Ako nahimatay? Silver ba pangalan ng bubuo sa forever ko? Name pa lang pogi na. Sinalo niya ba ako nang mahimatay ako? Sa matitigas na mga dibdib niya ba ako naglanding?" Ratsada kong tanong. Kenekeleg kese eke. Kyeee. Emergerd leng telege.

"Hep hep! Awat na. Wag ka mo akong tanungin ng kung anu-ano at madidisappoint ka lang. Oo, Silver ang pangalan ng pinsan ko short for Silvester. Hindi pang-gwapo 'yun kasi tunog pang-kabayo. Oo, nahimatay ka at hindi ka niya sinalo kaya sa pinagpalang tiles ka bumagsak. Check mo 'yang ulo mo baka nabagok." Salaysay ni Louise habang ngumangata ng toblerone.

Napasimangot naman ako. Ang killjoy naman kasi ng kaforever kong 'yun. Sana man lamang ay hinayaan niya akong sa mga bisig niya mapunta kesa sa malalamig na tiles.

"Babaita, natulala ka na diyan." Puna ni Louise na enjoy na enjoy sa chocolate niya. Mabuti pa siya dahil sa chocolate lang masaya na siya.

"Ano ba buong pangalan ng pinsan mo, Louise? Ipliflames ko mga pangalan namin."

"Tumigil ka nga sa kalandian mo, Inday. 'Yan ang magpapahamak sa'yo."

"Sa Started With A Flames nga doon nagsimula 'yung lovestory nung mga bida. Malay mo lovers pala kami."

"Pwede ba, Inday. Cut that wattpad crap! Hindi ka dapat nabubuhay sa ganyan. Let life brings you the excitement of meeting the one without even anticipating it."
Naloka ako kay Louise. Ganyang nag-eenglish na, seryoso na 'yan. Sana manlang naiisip niya na alukin ako ng chocolate. Baka nga gusto ko ding kumain. Hmp.

"Siguro may pagnanasa ka sa pinsan mo? Pinsanzoned kayo?" Tumayo ako at inagaw 'yung bar ng toblerone niya at kumagat.

"Akina na nga 'yan." Inagaw niya mula sa'kin 'yung chocolate. "Hindi kami incest, nu!"

"Ang damot mo talaga kaya ka tumataba." 

"Wala kang paki, Inday at ako ang bumili ka din ng iyo. Malapit lang Mercury Drug, marami dun."

"Iniiba mo naman ang usapan. Pinsanzoned nga kayo? Ba't ayaw mo siyang pagnasaan ko?" Sinusubukan kong hablutin 'yung chocolate niya pero no epek ang effort ko sa katakawan niya.

"Wow, pagnasaan talaga 'yung term mo? Kakabasa mo na talaga 'yan ng wattpad."

"So pinsanzoned nga kayo?" Pangungulit ko pa.

"Yak, Inday. Never akong papatol sa pinsan ko. Never ever in this century." Maarteng sabi ni Louise.

"Ay, alam ko na baka taboo ang drama mo. Kayo ba ni Louie?"

"WHAAATTTTTT?!!"
Nabingi naman ako sa pagsigaw ni Louise. Palasigaw talaga 'yan kahit naman magkalapit lang kami.

"Pati SPG ang tema binabasa mo na? At kami ni Louie, taboo? Eww." Sinabunutan naman niya ako, yung tama lang na ang sakit ng anit ko. Ang loving friend nitong si Louise diba.
Worst friends kami since elementary. Bakit worst? Kasi alam na namin ang pinakamasamang ugali ng isa't isa.

"Indi ka din majoke ano?" Napasimangot ako.

"Kasi sobra kana, Inday. Pwede pang itolerate 'yung mga nagbabasa ka ng teen fictions pero 'yung SPG na ang concept... Ghad!"
Umakto pa siyang sumasakit ang ulo. Artistahin 'tong kaibigan ko.

"Sorry na, nacucurious lang naman ako kaya binasa ko na. Hindi ko naman akalaing magkambal pala 'yung nag-aanuhan dun sa Taboo."
Kinikilabutan ako kapag naalala ko 'yun.

"Shunga ka. Sa prologue pa lang sinasabi na. Jusme. Inday! Ang sakit mo sa bangs." Sabi niya sabay flip ng imaginary bangs niya at kumagat ng chocolate. Stress yata 'to panay chocolate nitong mga nakaraang araw.

"Ay, Louise, tapos ka na ba sa DNP book? Kukunin ko sana."

"Nasa kwarto."
Umakyat naman kami sa kwarto niya na akala mo rebeldeng teenager ang naglulunggga, ang kalat kasi. Mga posters ni Lee Minho at Zayn Malik ang ginawang wallpaper sa buong kwarto niya.

Nakita kong naka-on 'yung laptop niya kaya lumapit ako duna at nagkalikot.
"Palog-in hah."

"Hoy! Wag!" Maagap niyang hinablot yung laptop niya. Kadamutan talaga.

"Siguro may tinatago ka, ano?"

"Wala nu! Ayoko lang na maghasik ka ng kapraningan mo sa wattpad dito sa pc ko."

"Damot damot talaga. Sana magkavirus 'yang laptop mo. Mas maigi kung Merscov o di kaya HIV." Masama ang loob kong nilabas mula sa bulsa ko 'yung selpon ko. Buti naman at hindi 'to nayupi nang bumagsak ako sa tiles.

Ayan na! Connected na ako sa wifi nila Louise. Ang tunay na magkaibigan alam ang passwords ng wifi sa kanya-kanyang tahanan.

"Inday, bakit kaya umalis si Zayn sa 1D?" Tanong niya sa'kin.

"Aba, Louise hah. Sinasabi ko sa'yo, wala akong kinalaman sa pag-alis ni Zayn sa 1D. Wag ako ang paghinalaan mong dahilan at hindi kami close ni Zayn. Yung members lang ng Syntax Error ang may paki ako."

"Gaga ka, Inday." Sabay sabunot sa buhok ko. "Simula ng mahilig ka diyan sa wattpad wala na sa katinuan yang isip mo."

Hindi ko na lang inintindi 'yung pinagsasabi ni Louise at chineck ko na lang 'yung notifs ko sa fb. Ay, nagmessage si Ian. Kenekeleg ako. "Louise, i-tag ko kaya as boyfriend si Ian? Parang si Sitti lang kay Kaizer."

"Ang lala mo na, Inday pati pogi sa kanto papatusin mo na." Pailing iling pang sabi ni Louise. Ang supportive talaga ng kaibigan ko.

"Kasi 'yung pinsan mo nga ang type ko. May abs, makisig, mabango, malaki..."

"Anong malaki?"

"Malaki ang katawan." Humalakhak ako pagkasabi ko nun.

"Wag nga si Silver, hindi ka papasa dun."

"Edi Seducing Silvester ang gagawin ko. Ano ba apelyido niya?" Naiexcite ako sa naiisip ko.

"Wag mo na tangkain, may dark secrets 'yun." Malumanay na sabi ni Louise.

Emegerd! Si kaforever may dark secrets! Emegerd telege.

Si WATTPAD GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon