Kabanata 05

146 6 1
                                        

Kabanata 05
Better

Tahimik kong inabala ang sarili sa pagtingin sa mga bagong harvest na pinya sa planta. Ready na ang mga ito para dalhin sa pabrika at gawing canned juice, fruit cocktails, at iba pang prudukto na pinya ang pangunahing sangkap.

Nagpunas ako ng pawis sa noo bago inutusan ang isang trabahante na dalhin na ang mga bagong dating na pinya sa washing section. At nang umalis ito ay agad kong binaling ang atensiyon ko sa paligid.

Huminga ako ng malalim at tinanaw ang mainit na taniman ng pinya.  Alas dos y medya pa lang ng hapon, kaya tirik na tirik pa ang araw at masakit sa balat. May mga trabahante ring nag-aasikaso sa mga tanim. Ang iba ay nagtatanggal ng mga tumubong ligaw na damo, at ang iba naman ay nagtatanggal ng mga unnecessary seedlings.

Bumuga ulit ako ng hangin at inabala ulit ang sarili sa mga gawain, na minsan ko lang namang ginagawa, iyong mga araw lang na wala lang akong ibang trabaho, kaya ako pumupunta rito sa planta. Katulad na lang mgayon, na gusto ko lang ibaling ang atensiyon ko sa ibang bagay upang maiwasang isipin si Kheeno.

Kaysa magmukmok ako sa bahay ay nagpasya akong ubusin ang oras ko rito sa planta. Ayaw kong mag-isa sa bahay at ukupahin ng mga nangyari ang isipan ko. Ayaw ko ng ganoon. Hindi ako sanay na maraming dinaramdam.

Isang tikhim ang umagaw ng pansin ko mula sa ginagawa.

"You looked busy."

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si Rhomisor na gwapong-gwapo na naglalakad palapit sa akin. Nakasuot pa ito ng polo at slacks, na halatang galing pa sa opisina nito.

I tilted my head at kinuha ang bote ng tubig na nasa malapit na mesa at ininom iyon. Ngumisi si Rhomisor sa akin nang nasa tapat ko na ito, then he jotted his hands inside his pockets.

I raised my brows.

"Marami ang harvest kaya kailangan pagtuonan ng pansin para hindi maabutang masira," saad ko, saka ko binalik ulit ang bote sa mesa. Tumikhim ako at tinanaw ulit ang mga bagong truck na dumating na puno ng mga pinya.

"Why are you here?" Kinunotan ko ng noo si Rhomisor dahil sa tanong nito.

"Why not? It’s our plantation; that’s why I’m here," puno ng sarkasmo kong sagot kaya ngumisi si Rhomisor sa akin.

"I know, Señorita, but you shouldn’t be here now, working. You should be with your husband, enjoying your honeymoon," pang-asar ni Rhom. He always calls me Señorita whenever he likes to annoy me, kaya inirapan ko siya.

Gumuhit ang pait sa puso ko dahil sa sinabi ni Rhomisor. Alam kong nagtatanong lang ito, pero hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng hiya. Kahapon kami ikinasal ni Kheeno, at dapat ay nasa bakasyon kami dahil honeymoon namin, pero nandito ako sa planta para ibaling sa pagtatrabaho ang sakit na nararamdaman.

He didn’t even spend his night with me, how much more was the honeymoon that Rhomisor was talking about?

Nag-iwas ako ng tingin kay Rhomisor at tumikhim.

"We’re both busy... kaya wala pa kaming oras magbakasyon," pagsisinungaling ko.

Rhomisor nodded at me. Alam kong hindi ito naniniwala sa sinabi ko, at alam kong alam nito na ayaw kong pag-usapan ang bagay na iyon.

Bumuntonghininga si Rhomisor at bahagyang sinulyapan ang relo.

"It’s break time; let’s eat outside. Don’t bury yourself here."

Gusto kong umayaw kay Rhomisor, pero alam kung dadami lang ang iisipin ko kapag maiiwan na naman akong mag-isa rito. This place is my only escape, kaya gusto ko ring pagpahingahin ito, kahit na sandali lang.

INTERNAL CRIES-COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon