Chapter 26 //

79 5 0
                                    


Coleen POV 

"doon sa dulong room ., may nag hhintay sayong taong importante sayo"

Bilang kumulo yung dugo ko. Ano ? iiwan na niya ako kagad ?

pagkasabi niya nun tumalikod na siya sa akin..

"pagkatpos mo akong dalhin dito iiwan iwan mo ako .. pano nalang kung anong mangyari sa akin doon ??" sigaw ko sa kaniya pero naka talikod prin siya sa akin

"walang mang yayaring masama sayo don , malay mo maging masaya ka pa nga ngayong birthday mo ., baka nga eto pa yung pinaka memorable sayo ." pagkatpos niyang magsalita humarap siya ng konti sa akin at tumingin

"Happy birthday nalang" sabay alis na tlga .. 

Grabee .. Nagkakamali siya sa sinabi niya .. Sa pang iiwan palang niya sken dito naging kasumpa sumpa na tong araw ng birthday ko .. Dagdag pa yung happy birthday nalang na sinabi niya. tuluyan na siyang umalis .. habang ako naka tingin parin sa hagdaan na parang ewan lang , nag aasam na sana bumalik siya at batiin ako ng maayos pero wala ni anino ng taong papaakyat .. WALA


"Coleen.." bigla akong napaharap sa direksyon ng nag sabi ng pangalan ko .. 

Hndi ako nkpag salita sa nakita ko , Hndi ko inakalang gagawin niya to sken .. 

May magandang bouquet ng bulaklak siyang hawak hawak at sa kabilang kamay niya isang panyo .. Yung panyong iniregalo ko sa kniya nung Second monthsary namin noon

"Happy Birthday .. coleen." dahan dahan siyang lumapit sa akin at iniabot yung bulaklak na hawak niya. hndi ako makakilos ,  ni hndi ko magawang tanggapin yung bulaklak na iniaabot niya sa akin

"Tanggapin mo nman coleen. Alam kong too late na tong mga bagay na to dahil halos isang buwan na tayong hiwalay pero kahit papano gusto kong maging masaya ka sa araw mo na to kasama ako , kahit wala kang tinatawag na tayo ." 

wala akong nagawa kundi ang humikbi at tuluyang umiyak sa pag mumukha ng lalaking nangwalang hiya sa akin.

Inilapag nalang niya yung bulaklak na hawak niya at niyakap ako pag katpos..

itinulak ko siya .. Pinag papalo

"bakit may ganito ? Bakit ka nag eeffort ng ganito ??? bakit mo ginagawa to ngayon ?"

"gusto kong maging masaya ka"

"pero naging msaya ba ako ?" natahimik siya sa nasabi ko

"Adam , Hndi ko sinabing gawin mo tong mga bagay na gusto kong mangyari noon kung kelan wala na tayo .. Hndi ko gustong balikan ang lahat dahil pinag sisisihan kong nakilala kita , pinag sisisihan kong lumapit ako sayo .. Pinag sisisihan kong hinayaan kong maging bulag ako kahit na alam kong si Steff naman tlga ang mahal mo simula pa nung una." 

"Iyang bulaklak na yan ? Gaano man yan ka mahal nung binili mo , walang kwenta yan sken , Walang wala yang Halaga sken" pinag sisipa ko yung bulaklak na nasa lapag , napa tulala lang din naman siya sa nagawa ko .. 

"Pero alam mo ba , Ang tanga  tanga ko .. Kasi kahit gaano ko kagustong tanggapin yang bulaklak mo , kahit gaano ko kagustong matagal yung pag kakayakap mo sken kanina , kahit na gusto kong maging masaya kasama ka , Umaayaw ako ngayon .. kahit na alam ko sa srili kong mahal na mahal parin kita Adam .."

"Sige na ,, saktan mo na ako Coleen .. Sampal sampalin mo na ako sige na.." kinuha niya yung kamay ko at pilit na pinapasampal siya

"Bitawan mo ako .."

"Ako namn tlga ang may mali ... kaya nga deserve kong masaktan ngayon ... sampalin mo na ako , palupaluin mo na ako , sipain mo na ako pabugbog mo na ako sa mga bullies sa campus papayag ako dahil naging masama ako sayo"

"gusto man kitang masaktan , hinding hndi sa ganong paraan Adam .. Gusto ko yung halos mamatay kana .."

"Ano bang gusto mong gawin ko Coleen para mapatawad mo ako ?"pinunasan ko yung luha kong kanina pa walang tigil sa pag patak at umayos na

"pag ba sinabi kong iwan mo si Steff gaya ng pang iiwan mo sken gagawin mo ? 

"mahal na mahal ko siya Coleen , Alam kong alam mong hndi ko kaya yang pinagagwa mo sken kaya kahit ano .. kahit ano wag lang ang pang iiwan kay Steff gagawin ko mapatawad mo lang ako" halos nakaluhod na siya sa harapan ko at naiiyak na

"Nakaka awa ka naman .. lalong naging mababa ang tingin ko sayo adam .. Lalong mo lang pina mukha sa akin na walang kwenta kang lalaki.. Salamat sa bulaklak at salamat sa oras mo na nasayang ko lang .. Ang dali lang palang sayangin ang mga bagay , kaya pala napakadali mo lang akong sinayang" sabay alis ko na sa kinatatayuan ko .. bumaba na ako at inwan siyang naka luhod

pero habang bumababa ako sa hagdaan , hndi ko mapigilang umiyak .. ang sakit nun .. Chance ko ng maging maayos kami pero pinairal ko yung galit ko sa kniya nang dahil sa naalala ko lahat ng ginawa niya sken.

nang naka baba na ako huminto ako sa kinatatayuan ko .. hikbi ako ng hikbi na parang kakapusin ng hinga .. Tinakpan ko yung mukha ko ng dlwang kamay ko at dahan dahang naupo sa may last step ng hagdan ..


"Pasensya na kung iniwan kita sa taas .. alam ko kasing lalaban ka .. alam kong kaya mo pero nag kamali ako dpat pala hndi tlga kita iniwan ,.. Patawad Coleen" biglang may humawak ng arms ko at sinabi ang mga yun sa nanginginig na boses niya.

dahan dahan kong tiniklop yung mga kamay ko at itinaas ang ulo ko .. nakita ko si Julius na naka yuko sa harapan ko.

"Akla ko iniwan mo na tlga ako.... Julius" bigla bigla niya akong niyakap .. napayakap na rin ako sa kniya sa sobrang bigat ng sitwasyon ko ngayon. 

Sa sitwasyon kanina kumpara ngayon , masasabi kong Hindi Ako Nag iisa ♥


HEAVENS PLANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon