Kabanata 12

272 13 1
                                    

AVERY

Ilang araw ang lumipas ngunit wala namang nangyayari. Medyo nakahinga ako nang maluwang. Subalit hindi pa din ako kampante.

Mag isa ako ngayong naglalakad sa hallway ng may sumabay sakin.

"Nasan yung kaibigan mo?"

Tinignan ko naman si Eren ng may pagkagulat.

"Long time no see!"

Niyakap ko pa ito dahil medyo namiss ko din yung isang ito at saka tsyansing na din. Amoy na amoy ko ang natural niyang bango.

"Hindi naman halatang namiss moko" mahinang tawa niya.

Namula naman ako sa pagkapahiya. Napahigpit ba ang yakap ko sa kanya?

"Biro lang mahal na Prinsesa" pabiro niya akong siniko at saka inakbayan.

Medyo mabigat ang kanyang mga braso pero keri lang. Nasa ganung posisyon kami ni Eren ng nadaanan namin si Ibrahim na magkasalubong ang kilay.

Dumaan pa ito mismo sa gitna namin dahilan para mahiwalay sakin si Eren.

Lumingon ito sakin at saka ko siya inirapan. Sino ba siya sa akala niya? Nakakainis!

Hinila ko nalang si Eren at sumabay naman ito. Ramdam ko yung nanlilisik na mata ng mga kakababaihang aming madadaan.

Ganyan , ganyan mamatay kayo sa inggit.

"Hinay hinay lang baka madapa ka"

Nagdilang anghel ata si Eren at kamuntik na akong madapa buti nalang hawak ko ang kamay niya at mabilis niya akong hinila payakap sa kanya.

"I told you , hinay hinay lang"

Malakas yung kabog ng puso ko parang anytime soon sasabog ito. Baka dahil kamuntik nako madapa? Yun lang siguro yun. Nahihiya akong lumayo kay Eren at nagpatuloy sa paglalakad. Kaagad naman itong sumunod.

"Namumula ang iyong mukha mahal na Prinsesa , dahil ba yan sakin?" biro nito.

"H-hindi..ang k-kapal mo naman" nauutal kong sagot. Bahagya ko pang tinakpan ang bibig ko.

"Bakit nauutal ka?" kuryuso nitong wika. Humakbang ito papalapit sakin kaya naman bahagya akong umurong.

Yumuko pa ito at kinuha ang kamay kong nakatakip sa aking bibig. Nilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga. Bahagya akong nakikiliti sa hininga niya.

"It's good to know that I have this effect on you Mi amore" bulong niya.

Kaagad naman itong tumalikod na parang walang nangyari.

"Go to you class now Avery" anito bago tuluyang umalis.

Napahawak naman ako sa dibdib ko at wala sa sariling tumungo sa aking klase.

Lutang akong pumasok sa aming silid aralan. Dire-diretso akong naglakad at umupo sa aking silya.

"Namumula ang mukha mo Avery?" puna ni Zyicia. Bahagya kong hinawakan yung mukha ko. Nag iinit pa din ang pisngi ko. Posible bang may umuusbong nang pagtingin yung damdamin ko kay Eren?

The Loser Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon