Simula

971 49 2
                                    


"Lettuce dear , dinner is ready!" masayang wika ng stepmother ko pagkapasok niya sa kwarto. May malaking ngiti ito sa labi na tila kakilakilabot. Umupo ito sa bakanteng espasyo ng kama at saka marahang hinawakan ang kamay ko.

Kinunutan ko lang ito ng noo at tinaasan ng kilay bahagya akong lumayo dahil sa nakakapanibago nitong asta.I am not used to this kind of treatment especially if it's her , knowing the Great Martha.

"Hahaha I know na nagtataka ka but don't worry dear , change is coming. Sorry for acting evil towards you. Can't I have a second chance. Pleasee" malambing nitong sabi. My system is disgusted with how she acts in front of me. What's the sudden change? Mukhang may binabalak na naman siguro ito.

Tumayo na ako and just shrugged my shoulder at iniwan siya. I am still not convinced with this goody side of her it's quite strange.

Nang makarating sa kusina. Smiles are plastered on my step sisters face. Pati din ba sila? Kinusot ko ang mga mata ko thinking that I might be hallucinating. Pero still ganun pa din sila kahit nag aalinlangan ay umupo na ako sa aking silya.

"Let's eat Ate! I know you're super hungry na" maarteng aya ng bunsong anak ng madrasta kong si Martha. Hilaw na ngiti lamang ang sukli ko sa kanya bago hawakan ang kutsara at tinidor ko.

"Let's eat na Lettuce , nilutuan ka ni Mama ng favorite mo. See she's trying her best to spoil you since you know naman na sobrang evil namin sayo. This time gusto namin bumawi through this!" masayang wika ni Eve na siyang panganay na anak ni Martha na kaedaran ko lang. Anak sila ni Tita Maxima sa dati nitong asawa na matagal ng patay , pitong taon na ang nakakaraan. I am still not convinced with their actions mukhang may masamang binabalak. Are they planning na kunin ang loob ko?

Pinaghila ako ni Tita Martha ng upuan at sinandokan pa ng kanin at ulam. Hindi ko maiwasang mailang sa ipinapakita niya.

"A-ako na po t-tita" nahihiya kong wika ngunit ngumiti lang siya sakin at pinagpatuloy ang ginagawa.

"How's school Lettuce?" pagtatanong nito na tila ba normal at nakasanayan na niya akong tanungin.

"Great" kahit napipilitan ay nagawa kong sagutin ang tanong nito. Hinawakan niya ang kamay ko at saka hinaplos.

"Lettuce I know it's hard for you to warm up on us at least hayaan mo kaming makabawi hija" aniya. Tango lang ang tangi kong sagot sa kanya bago ko bawiin ang aking kamay at nagpatuloy sa pagkain.

"Have you heard ma? Our sister Lettuce here excelled on her Taekwondo and Archery class!" pang aalaska ni Eve. For sure naiinggit na yan. Labas sa ilong magyabang ng achievements sa iba e..

"Really? Nakakaproud naman" masayang wika ni Tita.

"Di ba may sasalihan ka ding pageant ate?" pagtatanong ni Maxine.

Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Medyo naweweirduhan ako sa lasa kasi parang may magaspang na ewan pero ayos lang , napagtyatyagaan naman mula kagabi pa kasi akong walang kain.

"Kaya kayong dalawa gumaya kayo kay Lettuce na may silbi hindi yung puro kayo arte tapos wala kayong ibubuga" panenermon nito sa anak niya.

Hindi ko maiwasang mapatingin rito. Ngumiti naman ito at humingi ng pasensya. Tumango lang ako bilang sagot.

Bigla na lamang akong nakaramdam ng pagsakit sa sikmura ko kaya nabitawan ko ang kutsara't tinidor bago ako tuluyang bumagsak sa sahig. Hindi ko na magawang ikilos ang katawan ko na tila ba napaparalysa ang mga ito. Nagsimulang manlabo ang aking paningin. Nanggilid ang luha ko habang galit na nakatingin sa kanila. Sabi ko na nga ba!

"Hays , ang tagal naman kasing umepekto!" rinig ko pang reklamo ng bunsong anak. "Hirap kaya makipagplastikan duh."

"Wala na akong kaagaw sa atensyon sa school HAHAHA" ani Eve.

"Ayan , wala na ding sampid sa pamilyang ito and ang tatay mo? Ako na ang bahala sa kanya!" nakangising wika ng stepmother ko.

Nagsimula na silang magtawanan na tila ba tuwang tuwa sa aking sinapit. Ramdam ko na naninikip na ng husto ang dibdib ko at kinakapos na ako masyado sa hangin.

Magbabayad kayo!

Huling wika ko bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

-

"Avery! Gising na!" yugyog ng kung sino sakin. Bakit ba ako yung ginigising eh hindi ako si Avery?!

Tumalikod lang ako sa pwesto nito at nagpatuloy sa pagtulog. Sisipain ko 'to pag ginising ulit ako.

"Averyyyy" yugyog ulit nito.

"Tangina! Hindi ako si Avery!" naiinis kong wika ng magmulat ako. Galit akong bumangon at papagalitan sana ang kung sinong naglakas loob na gisingin ako subalit natutop ako sa aking kinauupuan ko nang makita ang isang elf.

Kinusot ko ang mata ko at muling idinilat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Kinusot ko ang mata ko at muling idinilat. Andun pa din siya puno nang pagtataka ako nitong tinititigan. Sinubukan nitong lumapit kaya naman mabilis akong sumiksik sa gilid ng kama.

"Prinsesa Avery.." pagtawag nito.

"H-hindi ako si Avery!" nanghihina kong sagot ko rito. Nalilito niya akong tinignan at bahagyang napakamot pa sa ulo.

Halos magulantang ako ng tumalon ito sa harapan ko. Hiniwakan niya ang mukha ko kaya nagpupumiglas ako.

"What the?! WAAAAHHHHHHH PAPA KOOOO" paghehestirikal ko dahil sa gulat. Lumayo naman siya sakin ng konti at hinayaan akong sumiksik sa gilid ng kama. Nanlalaki pa din ang aking mga mata habang nakatitig sa kanya. Ngumiti naman ito sakin.

Mas lalo pa akong natakot ng hinawakan nito ang kumot na hawak hawak ko at sinubukang hilahin.

"Wag! Ano ba lumayo ka saking demonyo ka!" sigaw ko rito. Napatigil naman siya sa paghila. Mula siyang umakyat sa kama at lumapit sa akin. Pigil hininga ko siyang tinignan at tinaas ko ang aking hintuturo para idikit sa noo niya.

Nang madikit ito sa kanya ay kaagad ko rin itong inalis. Totoo nga ang creature na nasa harapan ko. Hinila niya ang laylayan ng kumot para igiya akong humiga ngunit umiling lang ako. Takot ko lang na baka pag experimentuhan ang katawan ko.

"A-ayoko.."

"Kailangan mo po nang pahinga kamahalan" aniya.

Binugahan niya ako ng kung ano at tuluyan na akong nawalan ng malay.

The Loser Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon