Kabanata 9

510 35 2
                                    

IX

-

SOMEONE'S POV

“Mahal na Reyna , hindi ko po nagawang patayin ang Prinsesa. Ako po'y lubos na humihingi ng tawad at palpak na naman ang aking pagsubok” ani ng isang alagad ng kadiliman.

“Kung ganun. Alam mo na ang iyong parusa.” sagot ko saka inilabas ang aking kapangyarihan. Kita ko ang takot at kaba sa mukha ng aking alipin. Winala ko ang hangin sa kanyang katawan dahilan upang maging abo ito at tuluyang lumisan nilipad ng hangin.

“Walang lugar ang kapalpakan sa kaharian ko!” nanggagalaiti kong sabi. “Naiintindihan niyo ba ako?!” singhal ko sa mga aliping naririto.

“Opo mahal na Reyna” sagot nilang lahat. Napangisi naman ako.

"Ano nga bang magandang gawin para sa Prinsesang iyon? Hmm , ikaw” turo ko sa isang lalaking kaluluwa. Kaagad naman itong lumapit.

“Ikaw ay aking bibigyan ng katawang tao at mukhang kaakit akit. Na kahit sinong babae ay hindi makakatanggi sa natatangi mong kakisigan” wika ko habang unti unti siyang ginawang tao.

“Nais kong paibigin mo ang prinsesa. Kapag nagtagumpay ka sa iyong misyon , tuluyan mo nang maangkin ang katawang aking ipinahiram”

Ngumisi naman ako nang makita ang aking ginawa. Sana naman ay hindi palpak ang isang 'to.

“Perpekto!” komento ko habang pinagmamasdan ang aking gawa. “Humayo ka na't gawin ang aking ninanais”

Kaagad naman itong umalis. Hindi ko mapigilang mapahalakhak. Nagsisimula palang ako sa mga plano ko.

'Mawawala ka din sa Landas ko Avery'

-

AVERY

Andito na ako sa aming silid paaralan. Malalaki ang mesa at nasa tatluhan kada isang lamesa. Hindi ko alam kung saan ako uupo ng biglang nagtaas ng kamay ang isang babaeng may mahabang itim na buhok at nakabangs.

“Dito Averyyyy!” sigaw nito.

Kanya-kanya lamang silang may ginagawa na kahit pagdating ko ay di nila pinagtuonan ng pansin.

'Ayaw ba nila sa maganda? Charr'

May iilang nakapansin at napahinto sa ginagawa tila namamangha sa bago kong postura. Kaagad na akong nagtungo sa aking upuan at naupo.

“Alam mo ba hanggang ngayon labis pa din akong nagtataka?” daldal ng aking katabi. “Malakas ang pinsala ng ginawang paglalaban niyo ni Xyra. Halos masira ang mukha mo Avery at naliligo ka na ng dugo. P-pero paanong okay ka pa din?” pagtataka pa niya.

Kaya naman awkward akong ngumiti dito. Pati ako walang ideya kung ano nga ba ang nangyari sa labanang iyon. Mukhang malubha ang inabot ni Avery para pagtakhan ng ganito.

“Hindi na mahalaga kung paano. Ang mahalaga ay nandito pa ako di ba?” ani ko. Tumango lang ito tila ba'y kuntento sa aking naging sagot. Nakahinga naman ako ng maluwang.

Pumasok ang babaeng medyo may edad na. Nakapusod ang buhok nito at striktong nakatayo sa harapan.

“Nakahanda na ba lahat sa pagsasanay?” wika nito. Pati boses nakapasopistikada.

“Opo aming Maestra” sagot ng lahat maliban sakin.

“Bakit hindi ka sumagot Binibini?” puna nito sakin.

Nanlalaki ang aking mata. Napansin niya pa yun.

“Oo , subalit matalas ang aking pandinig at may kakayahan akong magbasa ng isip. Tila ba'y nakalimutan mo na ata ang abilidad ng iyong Tagaturo Binibini?” nanunuyang wika nito. Napatikom ako nang aking bibig dahil sa kaba.

Hindi ko mapliwanag ang kaba lalo na't nakatuon sa akin ang atensyon ng lahat.

“N-nakahanda na po ako tagaturo” utal kong wika dito. “Pasensya na at nawala ang iilan sa aking mga alaala ng ako—”

“Hindi ko tinatanong” pagpuputol niya sakin. Pinigilan kong wag magmura sa aking isip batid kong mababasa niya yun.

“Sana naman ay hindi ka na kukupad kupad at lalampa lampa sa klase ko” dagdag nito. “Humayo na kayo at pumunta sa silid ng pag eensayo” huling wika nito bago nilisan ang silid.

Nakahinga naman ako ng maluwang. Ramdam ko ang pagtapik ng katabi ko sa aking balikat.

“Okay lang yan , matututo ka din” pagcocomfort nito. Nginitian ko ito. Tumayo na kami at nagtungo sa silid na tinutukoy ng tagapagturo.

“Archery” hindi ko mapigilang magsalita ng makita ang kagamitan sa loob ng silid.

“Oo , malakas ba talaga ang pinsalang natamo mo at di mo alam na ito ang tinuturo niya? Sabagay , nawalan ka nga pala ng alaala. Nga pala , ako si Zyicia baka kasi nakalimutan mo din” aniya.

Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Pumunta kami sa gitna upang bumunot ng kapareha sa gawaing itinalaga ng tagapagturo.

Hindi ko mapigilang tumili ng si Zyicia ang aking mabunot. Nagyakapan pa kami sa tuwa. Tumikhim naman ang tagapagturo dahilan upang mawalan kami ng imik.

“Sa naunang pagsubok ay kayo ang nakakuha ng mababang puntos. Kung mababa pa din ang makuha niyo sa pagsubok ngayon ay hindi ako mag atubiling alisin kayo sa klase ko. Kahit Prinsesa ka pa ng Apoy , Avery” lintaya nito.

Ramdam ko ang panginginig ni Zyicia. Kaya naman dinaluhan ko ito.

“Wag kang mag-alaala Zyicia , hinding-hindi ko hahayaang umalis tayo sa klase niya. Basta magtiwala ka lang sakin , okay?” nag aalinlangan man ay tumango ito.

'Wala pa atang kayang talunin ang kagalingan ko sa pagpana. Kung si Avery lalampa lampa ibahin niyo si Lettuce' hindi ko mapigilang mapahalakhak sa aking isip.

The Loser Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon