Kabanata 2

709 43 0
                                    

II.

-

Lettuce/Avery

Nang makabalik si Glaire ay sinipat neto ang kalagayan ko. Nakaramdam ako nang kaginhawaan pagkatapos nung ginawa nang babaeng nakaputi. Wala namang sinabi si Glaire sa pinag usapan nila nang babae kaya naman kahit pinapapatay na ako nang kuryusidad ay mas pinili kong manahimik.

Binigay ni Glaire ang mga gamit ni Avery or gamit ko at saka ako pinaanyayahan na lumabas na. Halos malula ako sa sobrang ganda ng kapaligiran. Parang sa fantasy movies ko lang ito nakikita pero ngayon ay nakikita na ito nang mismong mata ko. Hindi na ito palabas o guni guni lang. Kinusot ko pa ang mata ko subalit namangha ako lalo. Dati sa barbie ko lang ito nakikita ngayon ay bahagi na ako nito.

“Akala ko talaga namatay na yan” rinig kong wika nang isang babaeng estudyante nang mapadaan ako. Ako ba?

Mukha ba akong zombie sa The Walking Dead? Ganda ganda nga nitong si Avery kahit walang ayos e pano pa kaya pag nag ayos ako?

“Milagro nga at buhay pa yan!" gulat na usal ng iba. Kunot noo ko lamang silang tinignan.

“Sa lakas ng impact nun buhay pa yan? Nakulangan pa ata yan.” Baka ikaw teh kulang sa aruga wika ko sa aking isip.

“Lakas talaga makakapit sa swerte.”

“Sana talaga matuluyan na yan”

“Walang lugar ang mahihinang tulad niya dito”

Naririnig kong sabi ng mga taong nadadaanan namin. At yes po opo hindi sila nagbubulung bulungan. Pinaparinig talaga nila. Hindi ko tuloy maiwasang sagutin sila sa aking isip.

“Ito ang Legendre Academy. Ito ang paaralang iyong pinapasukan. Nasa section Delta ka , seksyon ng mahihinang nilalang.” usal nito.

Halos malula ako sa gara at ganda ng gusaling nasa harapan ko. Para itong paaralan ng mga wizards , katulad ng sa Harry Potter! Malaki din ang fields at madaming nagkakalat na mga estudyante. Iba iba ang kulay ng kanilang mga buhok. Nakakamangha subalit mahigpit na pinagbabawal sa mundo namin ang pagkukulay ng buhok. Kahit yung buhok mong kumulay lang sa tirik ng araw kailangan mo pang mag hair blackening kundi puro sermon ang aabutin mo sa adviser niyo.

Tumango lang ako kahit medyo wala talaga akong maintindihan dahil sa pagkamangha. Ang ganda naman dito. Buti di si San Pedro bumungad sakin nung namatay ako. Baka sa impyerno agad ang punta ko sa daming ba naman ng taong pinapatay ko sa utak ko.

“Kung ayaw mong mapahamak ulit. Mag iingat ka sa mapagmataas na grupo ng seksyong Beta. Sila ang iyong naging kaaway bago ka mawalan ng malay. Pinapamunuan iyon ni Xyra. Ang babaeng galit sa mga mahihinang katulad mo” napaismid ako sa narinig.

“Sino ba yang Xyra na yan at napaka judgemental naman?! Bakit kaya di niya ako subukan ulit ng magkaalaman?!” reklamo ko pa.

Kita ko namang medyo natawa si Glaire. At napailing pa.

“Hindi mo nanaising makipaglaro kay Xyra kamahalan subalit marumi siyang makipaglaban. Mautak at kalkulado ang galaw. Ang isang tulad mo ay mapapaslang lamang niya ng walang kahirap hirap” seryosong sabi nito. Napalunok tuloy ako.

Gaano ba ka delikado tong napasukan ko? Baka mamaya niyan anak na ako ni Satanas pag namatay ulit ako sa mundong ito.

Bigla ko nalamang narinig ang hagikhik ni Glaire kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Anong nakakatawa?!”pagtataray ko pa.

“Wala binibini , nasisiyahan lamang ako sa iyong reaksyon” kibit balikat nito. “May isa pa pala akong sasabihin. Kung maari ay itigil mo na ang pagkahibang mo sa Prinsipe ng Nyebe. Dahil siya ang bukod tanging dahilan kung bakit ka laging inaapi”

“P-prinsipe ng Nyebe? May nagugustuhan akong lalaki dito Glaire?!” hindi makapaniwalang turan ko.

Tumango ito at ngumisi ng may halong pang aasar. Inismiran ko lamang ito kaya naman natawa siya. Hala , pogi kaya yun? Baka mamaya kamukha lang ng mga maasim kong kaklase sa mundo namin. Ekis talaga.

“Naninibago pa din ako sa iyong reaksyon mahal na Prinsesa” anito. Bahagya akong napalunok at nailang.

Tipid akong ngumiti at saka nagpatuloy sa paglalakbay. Huminto kami sa tapat ng karwahe.

“Nandito na po tayo sa inyong karwahe. Mag iingat ka sa iyong daan pauwi mahal na Prinsesa” pamamaalam nito. 

“Hindi ka ba sasama sakin?” tanong ko sa kanya.

“Hindi po mahal na Prinsesa. Subalit hanggang dito lang kita kayang samahan at ihatid” aniya. “Ihatid ang Prinsesa sa Palasyo ng Apoy”

Ngumiti ako sa kanya at kumaway bago umandar ang karwahe. Namamangha ako nang umandar ito. Ang ganda para akong nililipad. Nalungkot din ako bigla sa aking naiisip. Kumusta na kayo ang tatay ko?

At ano kaya ang buhay na  nakaabang sa akin sa Palasyo nang Apoy?

The Loser Fire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon