CHAPTER 16

268 49 4
                                    


-

Asan ako?

-

"Gising kana pala."

Nagulat ako nang may nagsalita sa harap ko.

"Sino ka? At nasan ako?"

Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Ikaw ay nasa aming bahay." Sabi nito.

"Pwede ko bang malaman kung bakit ako naririto sa bahay nyo?"

Umupo sya sa tabi ko habang ako ay nakahiga.

Napansin kong kubo ang kanilang bahay. Sa sahig lang ako nakahiga.

"Nakita ka ng itay ko sa gitna ng dagat. Mukang nalunod ka dahil wala kanang malay. ngunit nang ika'y tignan nya, ikaw pa daw ay humihinga, kaya inuwi kanya." Paliwanag nya.

Dagat? Nalunod? Ako?

"Hindi ka namin kilala maging sila nanay man. Ngunit ang sabi ni itay ika'y tulungan hanggang ika'y magising."

"Tatlong araw nang nakalipas ngunit hindi ka padin gumising ngunit sa awa ng diyos ika'y nagising." Pagtatapos nya.

"Ako nga pala si karol. Ikaw? Ano ang iyong pangalan?" Tanong nito sakin.

Pangalan? Ano nga ba ang aking pangalan?

"Hindi ko alam?"

Natawa ito.

"Imposible, lahat ng tao ay may kanya kanyang pangalan."

"Ngunit hindi ko talaga alam ang aking pangalan, karol."

"Wala ba kayong alam kahit ano tungkol sakin?" Dagdag na tanong ko.

"Ulet ulet? Hindi ka namin kilala, kaya ngayong gising kana, ika'y aking tinatanong." Sabi nya.

"Hindi ko nga sabi alam, pagkakulit ng babae ito." Bulong na sabi ko.

"Ako'y naguguluhan, may tao palang hindi maalala ang kanyang pangalan." Sabi nya.

-

Narinig may mga taong pumasok dito sa kwarto kung nasan kami ni karol.

Dalawang hindi ganon katandang mga tao. Lalaki at babae ito.

"Oh? Ika'y gising na pala." Nakangiting sabi ng isang babae, hindi sya ganon katanda pero sa tingin ko ay siya ang nanay ni karol.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng isang lalaki at mukang tatay sya ni karol.

"Magandang gabi po, ayos naman na ho ako." Pagsagot ko nang magalang.

May dalawa pang pumasok.

Isang lalaki at isang babae.

"Iha gising kana. Ako si roberto, Tatay ni karol." Pagpapakilala nito.

"Ako naman si cynthia, Pero pwede mo akong tawaging nay o kahit anong gusto mo." Ngiting sabi naman ng nanay ni karol.

"Ako naman si joseph, kuya ni karol." Pagpapakilala nito.

"At ako naman si grace, panganay sa'ming magkakapatid." Ngiting pag papakilala nito.

"Ikaw? Sino kanaman?" Tanong ng tatay ni karol.

"Pasyensya na po kayo,hindi ko po kasi matandaan eh.." sabi ko sabay kamot sa ulo.

Pansin kong may kung anong nakatali aking ulo.

Just UsWhere stories live. Discover now