CHAPTER 17

25 3 0
                                    


DEENO'S POV

Nagising ako ng maaga.

Nagising ako pero wala akong nakitang nakasama ko sa kwarto na'to.

Asan sila?

-

Nagligpit muna ako ng higaan saka bumaba, walang tao kaya lumabas ako, nakita ko si karol na nagluluto.
Kaya lumapit ako.

"magandang umaga karol." Ngiting bati ko.

"Oh, magandang umaga din,deeno." Sabi nito habang naghahalo ng kanyang niluluto.

"Anong niluluto mo?" Tanong ko.

Ambango nang niluluto nya.

"Ah ito?"

Ay hinde karol.

I nodded.

"Ito lamang ay adobo, paborito namin, ngunit kapag walang huli ang tatay, hindi namin ito natitikman."


Adobo? Natikman kona ba iyon?

Tinignan kolang siya, namamangha ako kasi parang paso ang gamit nya sa pa luluto.

"Karol anong tawag jan?" Tanong ko sa kinalalagyan ng ulam.

"Ah ito,palayok ang tawag dito, hindi kami ganon kayaman para makabili ng mamahaling pang luto." Sabi nito.

-

Medyo okay na ang sugat ko, kaya lang pala sya sumakit dahil nabigla ang pag galaw ko.

-

Nanonood lang ako kay karol, habang pinagmamasdan ang paligid.

Hindi pamilyar ang lugar na ito.

"karol asan pala sina kuya joseph, at grace, tay roberto at nanay cynthia?" Pagtatanong ko.

"Ah si kuya,nagsisibak ng kahoy don sa likod ng bahay, si inay naman ay nagtitinda sa bayan ng nahuling isda ni itay." Sagot naman nito.

"Si tatay, nangingisda. si ate naman ay nalilibot libot nanaman ata."

"pasyensya kung marami akong tanong, pero ano bang pwede kong mahanap na trabaho, dito sa baryo nyo?" Tanong kong muli.

Hindi ko pa naiikot ang baryo nila. Napapaisip tuloy ako kung ano ang itsura ng dulo ng bayan na ito.

Paglabas mo kasi sa bahay, ay may makikita ka agad na mga taong nagsisiksikan dahil sa dala dala nilang ibat ibang uri ng bilihin.

Marami ding kabayo dito.


"Ahmm karol, bakit ang mga nakasakay sa kabayo ay may mga dala dalang bagahe?" Tanong kong muli.

"Hindi iyan bagahe. Iyan ay mga produktong galing sa bayan, at inidadala dito upang mabenta." Pagpapaliwanag nya.

Kailangan ko munang malaman lahat.

"Maaari kaya akong makahanap ng gaanong trabaho kagaya ng sakanila?" Tanong ko saka turo sa lalaking nakasakay sa kabayo.

"Hm? Oo naman. Ang gusto nga ni itay ang ganyan trabaho, ngunit masyado nadaw syang matanda para dito."

"Eh,si kuya joseph?" Tanong ko.

"Kung magtatrabaho si kuya ng ganiyan, hindi nya matutulungan si inay sa palengke."

"Hm! Ako! Gusto kong magtrabaho, at masubukan ang ganyang gawain!" Masiglang sabi ko.


"Mamaya magbihis ka at pumunta ng dulong bayan upang makapag sabi at matanong kung sila ba ay tumatanggap pa ng mga trabahador."

"Hindi mo ako sasamahan? Hindi ko alam kung saan iyon."

"Oo nga pala. Sige sasamahan kita, baka kung ano nanamang mangyari sayo."
Ngiting sabi nito.

"Kumain na muna tayo nang makaalis na."

Kumain na kami pag katapos niyang magluto. Hindi na kami nakapagpaalam kila nay at tatay.



-

Kasalukuyan kaming nasa labas ni karol, sobrang ganda ng lugar nila.

"Manghang mangha ka ata sa iyong nakikita deeno?" Tanong ni karol sa akin.

"Andaming mga tao dito pero malinis ang kapaligiran."

"Ganon talaga. Kapag ikaw ay nagkalat malalagot ka sa may ari ng lugar na ito."

"Sino ba ang may ari ng lugar na it-"

Hindi kona natuloy ay tinatanong ko nang may sumagi sa akin.

"Aray!!"

Saktong sa sugat ko sa tagiliran talaga.

"Pasyensya na. Hindi kita nakita."

"Sa susuno-"

Tumingin ito sa akin. Napaka ganda nyang babae...

Hindi ko pa nakikita ang buong muka nya sa kadahilanan na sya ay may takip sa ulo.

Siya ba ay may tinataguan?

"Wala iyon. Ika'y magingat na lamang sa susunod." Sabi ko.

"Salamat. Paalam."

"Sino iyon deeno?" Tanong ni karla.

"Maging ako ay hindi siya kilala."

'Pero lumundag ang puso ko nang marinig ko ay boses nito.'

"Tara na. At baka gabihin pa tayo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just UsWhere stories live. Discover now