Warmth

105 4 2
                                    

"Guess you didn't cheat but you're still a traitor."

The rain has been pouring for a couple of hours already. Di pa rin tumitila ang ulan kahit gabi na. As expected lalong lala ang traffic or worse babaha na naman sa mga kalsada.

Sarah and her team just finished a photo shoot for a shampoo commercial. Everyone was so tired dahil buong araw ginawa ang commercial. The photoshoot took place in one of the buildings along Makati. Isa-isa narin nagsiuwian ang mga crew at staff. They were all saying farewell to each other. All in a rush to come home and rest.

"Sars, medyo malalate daw si Manong Roger kasi baha along Roxas Boulevard", wika ni Ana.

"Okay, lang ate, hintayin nalang natin si kuya. Pakisabihan narin na wag magmadali at baka maaksidente siya."

"Sige2, Sars."

"Ate Sarah, sabay ka na sa amin? Ihahatid ka nalang namin ate ang lakas pa naman ng ulan." Nag-alaalang sabi ni Kathryn na kasama niya sa commercial.

"Naku, wag na, Kath, parating na din si, kuya Roger. Maaabala pa namin kayo. Maraming salamat."

"Sure ka Sarah? Okay lang sa amin." Sabi ng mommy ni Kathryn.

"No worries po tita, salamat po sa offer."

"So paano ba yan, mauuna na kami. Andito na sundo namin."

"Ingat po kayo sa biyahe tita at Kath. God bless po."

"Bye, ate Sarah. Goodnight po."

"Goodnight, Kath."

"Ang bait din ng batang yon, Sars noh?" Turan ni Ana.

"Oo nga, ate." Nakangiting sabi niya. Dahil sa lakas ng ulan, nakaramdan ng ginaw si Sarah. She was still wearing the dress she used in the photoshoot,  sleeveless pa naman ang damit at hanggang tuhod. Di na siya nagpalit dahil sa pagod at gusto na niyang umuwi.

"Giniginaw ka, Sars? Naku! Wala pa naman tayong dalang jacket. Ang bilis mo nga palang lamigin." Nag-alalang sabi ni Ana.

"Okay lang ate, malapit na siguro si kuya Roger."

"May dala kayong jacket? Tanong ni Ana sa ibang kasama.

"Wala po ate, eh. Okay ka lang Sars?"

"Wag na kayong mag-alala okay lang po ako ate." She couldn't help but shiver dahil narin sa lamig ng panahon.

"Asan na ba kasi si Kuya Roger?"

They were still in the lobby waiting for the driver to arrive when...

"Sarah? Is that you?"

Sarah froze in her spot when she heard the voice. The voice was achingly familiar. The voice of the man she once loved. Ang taong akala niyang makakasama niya sa hirap at ginhawa. Ngunit kagaya rin pala ito ng iba. Hanggang pangako lang ang lahat. Puro salita kulang sa gawa.

She looked around her. Assessing the situation. Tiningnan niya kung sino ang nasa paligid. She sighed in relief ng makitang tanging ang dalawang receptionist ang andoon. She doesn't want to attract attention from other people at makita ang sarili kinabukasan sa frontpage ng pahayagan or worse magtrending sa social media.

"I'm so damn tired and I don't need this kind of drama now." Sabi niya sa sarili.

"Sarah, can we talk?" Wika ni Mateo.

Morning Rose 🌹 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon