"Sometimes the love of your life comes after the mistake of your life."
ASAP
"Mga Kapamilya, to give us another showstopper performance. The one and only, pop star royalty, Sarah Geronimo!"
Fearless/Begin Again
Luis: Taylor Swift, who? Hahahaha. Mga Kapamilya, Sarah G!
Sarah: Thank you, Luis. Thank you, popsters, at mga Kapamilya.
Luis: Matanong ko lang, bakit ganyan ang mga kanta mo ngayon? Ikaw hah! At higit sa lahat, ang ganda ganda mo ngayon. Iba ang kislap ng mga mata mo.
Sarah: Hahahahaha. Masaya po ang puso ko. Hahaha. Tsaka hindi ba, may pangyayari na hindi natin in expect na darating na magbibigay sa atin ng kaligayahan.
Luis: Ang lalim noon ah! Pero tama ka doon, Sarah. Kung ano o sino man 'yan. Hahaha. Susuportahan kita, like I, always said you're like my little sister at Sars, mahal kita. Alam mo 'yan.
Sarah: Yieeeee... maraming salamat sa pagmamahal Luis, mahal din kita.
Luis: Bago pa tayo mag MMK 'dito, o masapak ako ni ... hahaha. Mga Kapamilya, when we return we will welcome our newest Kapamilya. Ayiieeee...
Sarah: Hahaha. Only here when ASAP returns...
...
Nasa loob siya ng dressing room habang nanonood ng prod ni Sarah. He would have gone inside the studio to watch her live but that might catch unnecessary attention from people. He was smiling ear to ear with the song she sang. The memory of them dancing in the middle of the parking lot playing in his mind.
"Iba talaga ang pitik ng isang Sarah G. Her presence on stage, the swag, and her charisma. Wala akong masabi." Humahangang saad ni Mabeth.
"True. Her humility awed me. Despite her fame and success in the industry di pa rin nawawala ang respeto sa kapwa niya." Ria said.
Tumatawa naman si Tsiko habang nagsasalita. "Hello po, ako po si Sarah." Habang kinukopya ang sinabi ni Sarah noong nagkakilala ang dalawa.
Tumawa naman sila.
"She's so unassuming, like hello, everyone in this country knows who Sarah Geronimo is, no need to introduce yourself. Pero ang mga paa nakaapak pa rin sa lupa. Kaya Brod, ikaw na ang pinakatangang tao sa buong mundo kong papakawalan mo pa." Saad ni Pancho sa kanya. Nanunukso namang tumingin sa kanya ang mga kasama sa loob.
"Oo nga Bambs, ang daming nakapila diyan baka maagawan ka. Hahaha."
Ngumiti siya, the smile that taunts. "Oh! I would love to see them try."
"Oooohhhhhh" Tanging nawika nila. They've known Bamboo for a long time, he is not the type that would back down lalo na pag importante ito sa kanya. He is like a wolf, he protects his pack with blood and teeth.
May biglang kumatok sa pinto at binuksan ni Tsiko ang pinto. Sa gulat nila si Mommy Divine at Daddy Delfin ang nasa labas ng pinto.
"Magandang hapon sa inyo." Ngumiti si mommy Divine sa kanila.
Dali-dali namang tumayo si Bamboo at sinalubong ang mga ito. "Pasok po kayo Tita and Tito." Saad niya at humalik sa pisngi ni Mommy Divine at nakipagshake hands kay Daddy Delfin.
"Hindi ba kami nakakaistorbo sa inyo?" Tanong ni Daddy Delfin.
"No, po. Tapos na din po akong ayusan ni Mabeth." Di mapigilang ngumisi ng mga kasama niya sa loob, ngayon lang nila nakikitang kinakabahan si Bamboo at nakapagsalita ng straight na tagalog.
BINABASA MO ANG
Morning Rose 🌹
FanfictionIf you are the price to all the heartbreak that I need to go through then let the process be. A fan fiction. Go find a dictionary and find the definition. 😏 AshBoo is ♥️