Chapter 1

197 5 1
                                    

"Leighn! Leighn! Gising na mag-almusal kana! Unang araw ng pasukan kaya di pwedeng ma-late ka!" rinig kong sigaw ni mama.

"5 minutes pa ma!" inaantok kong sabi.

"Gumising kana dyang bata ka!" Aishh! Kainis naman si mama!

Bumangon na ako galing sa kama charot lang wala kaming kama tanging kumot lang ang ginagawa naming higaan. Mahirap lamang kami kaya nagsisikap kaming dalawa ni mama. Nag-aaral ako sa isang sikat na unibersidad dito sa amin. Scholar ako kaya hindi kami nahirapan sa tuition.

Nag-iisang anak lang ako. Tanging si mama ang karamay ko sa buhay. Ang aking ama? Mas pinili niya ang gang na binuo ni lolo kesa amin. Nakakalungkot mang isipin ngunit yun ang katotohanan.

"Magandang umaga ho nay" nakangiti kong bati pagkatapos maligo.

"Oh, tapos kana pala hali na at kumain" paaanyaya niya sakin. Umupo kami sa sahig at nagsimulang kumain. Naka tira kami sa isang skwater na lugar kaya kahit umaga palang rinig na rinig mo na ang mga sigawan.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam nako kay mama.

"Ana!" Tawag sa akin ni Zeddrick, bestfriend ko. Siya rin ang nagturo sakin pano bumaril. Si Zeddrick ay isa sa mga pinagkakatiwalaan ni papa. Mas matanda ito sakin nang 2 taon. Matagal na simula nung huling kita ko kay papa. Siguro 13 years old palang ako nun. Si papa rin ang nagturo sakin kung pano ang tamang pagsuntok, pagsipa at ano-ano pa.

"Oyy Erik! Papasok kana?" masayang tanong ko rito.

"Oo! Sayang di tayo magkapareho ng paaralan" sabi nito.

"O siya Rik mauna nako" sabi ko sabay kaway.

"Ingat ka Ana!" tanging ngiti lang ang sagot ko rito.

Maglalakad lang ako papunta sa aking paaralan hindi naman kasi ganun kalayo ito.

May nakakasabay akong mga ka schoolmates ko. Tinignan ko ang aking sarili gamit ang isang glass wall na nadaanan ko. Maliit ang aking uniform. Isang inat ko lang makikita na kaagad ang tyan ko. Galing kasi ito kay ate Jena, dito kasi siya noon nag-aaral kaya binigay niya sa akin nung nalaman niya na dito ako mag-aaral. Laking pasalamat ko kay Ate Jena dahil dito kasi kung di niya ako binigyan siguro hanggang ngayon wala pa rin akong uniform.

Nang papasok nako ay binati ko muna si manong guard.

"Magandang umaga ho" sabi ko rito.

"Magandang umaga rin sayo hija" sabi nito sabay pat sa ulo. Ay si kuya ginawa akong aso.

Habang naglalakad patungo sa aking silid ay may nakabanggaan ako. Gwapo ito di lang gwapo sobrang gwapo.

"Jusmeyo marimar, sorry" sabay pagpag sa aking palda.

"Are you blind?!" Galit na sigaw nito sakin.

"Ha?" Tanging sagot ko.

"And deaf?" Dagdag pa niya. Englishero si kuya!

"Hindi ah! Ba't ka galit?" sabi ko sa kanya.

"Tsk, nakaharang ka sa dinadaanan ko" sabi nito. Tinignan ko ang dalawang gilid ko.

"Ay wow kuya! Ang laki nang daan oh!" Sabi ko sabay turo sa magkabilang gilid ko.

Tinignan ko ang orasan at malapit nang magsimula ang aking unang klase.

Tinignan ko ang dalawang lalaki sa likod niya. Gwapo rin ang mga ito at kitang-kita na may kaya silang tatlo. Edi sana all sa kanila.

"Kuya? I'm not that old para tawagin mong kuya" sabi niya pa.

"Edi wow" tanging nasabi ko.

"Transferre?" tanong nang lalaki na nasa likod sa katabi niya.

"I guess so" sagot naman ng katabi niya.

"Hi miss, I'm Kurt Rasel Fuevos and you are?"

"Ah, I'm Ziana" sagot ko na may pilit na ngiti. Tumawa ito ng mahina. Halatang playboy toh.

"Ziana?" tanong pa nito.

"Ziana lang" sagot ko.

Tinignan ko naman ang katabi niya. Sa kanilang tatlo siya ang may pinaka soft figure.

Biglang nag ring ang bell tanda na dapat nasa loob na ang mga students. Owemji! Late nako sa first class ko. Tumakbo ako para mabilis na marating ang classroom ko pero bago pa man ako makatakbo may humila sa braso ko. Tinignan ko yung lalaking humili sa akin may nilagay siya sa noo pero di ko na yun pinansin at hinawi ko kaagad ang braso ko at tsaka tumakbo.

Nang makarating ako sa classroom ko ay hingal na hingal ako. Hinabol ko muna ang hininga ko bago kumatok.

Tok* tok* tok

"You're late miss?" sabi ng guro huhuhu.

" Sanchez ho" sabi ko rito.

" So you're the transferie? It's your first day in class and you are late, don't do this again miss Sanchez" sabi nito.

" Introduce yourself infront of you classmates" dagdag pa niya.

" Uh hi! I'm Ziana Leighn Sanchez, hope we will get along" sabi ko.

" Now take you sit miss Sanchez" sabi ng aking guro.

Habang naghahanap ako ng bakanteng ipuan ay panay lingon sa akin ang mga kaklase ko tas magbubulungan. Problema ng mga toh? Chillax mga dre! Ako lng toh!

May nahanap akong bakanteng upuan sa bandang likod. Umupo ako sa upuan malapit sa bintana.

Pagkatapos konh maupo ay nagsimula nang mag turo ang aming guro.

"And now if the-" naputol ang sinabi nito nang may biglang pumasok.

Bastos ang kingina di man lang kumatok. Dirediretso lang ang lakad nito papunta sa upuang nasa tabi ko.

Pagkatapos umupo ng lalaking nakabanggaan ko kanina ay nagpatuloy nang mag discuss ulit ang teacher namin. Ang nakakapagtaka lang, bakit di siya sinabihan ng guro namin gayon na late siya tapos ako? Huhu ayoko nalang mag-talk. Ang daya! Kingina naman.

Habang nagdidiscuss yung guro namin ay naramdaman kong may nakatitig sakin pero di ako nagpatinag. Patuloy parin ito sa pagtitig sa akin. Putcha problema ng isang toh. Nang di ko matiis ay tinignan ko ang nasa likod ko at tinaasan ng kilay ngunit ngumisi lang ito. Huwaw gwapo shettyy!

Gusto ko sana siyang tanungin kong bakit siya nakatingin sakin pero di ko ginawa baka may lumipad na eraser ng blackboard sa harap ko. Mahirap na. Sakit pa naman nun pagnagkataon na try kona yun eh. Oo na try kona siguro mga grade 4 ako nun pero syempre dahil dakilang maldita ako nun binato ko rin ng eraser ng lapis ang teacher ko. Natatawa akong isipin ulit ang kabataan ko.

Itutuloy...

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now