Chapter 19

26 3 0
                                    

"Ziana!" rinig kong sigaw ng isa sa mga ka-trabaho ko.

"Bakit?"

"Marunong ka bang mag-drive ng motor?"

"Huh? Oo, bakit?"

"Hulog ka ng langit! Absent kasi si Chiko kaya walang makakapag-deliver, pwede bang ikaw nalang?"

"Sige, nasaan ang idedeliver?"

"Ito oh, ito rin yung address, salamat ah?" inabot niya sa'kin ang isang papel kung saan nakalagay sa ang number at address ng customer.

Sinave ko ang number nito at tinext siya.

To : Customer

Hi po! Ako po ang magdedeliver ng order niyo, from La Café po ito.

Kindly respond po para ma-check ko kung tama ba ang number.

From : Customer

Make it fast.

Hindi ko na siya nireplyan at pinuntahan na ang motor, inilagay ko ang order niya sa likod.

Ang hindi ko maintindihan bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Nagsign of the cross muna ako bago pumunta sa address na nakalagay.

Narating ko ang isang napakalaking mansion, kapag sinabi kong napakalaki. Literal na malaki talaga dito mas malaki pa sa bahay ni Zeddrick, Raze, at ni Drake. Ito na ata ang pinakamalaking bahay I mean mansion na nakita ko. May malaking gate ito, kulay black ang kulay.

*Ding* *Dong*

Ilang sandali pa ay biglang bumukas ang maliit na gate na hindi halata.

"Anong kailangan mo?" tanong sa'kin ng isang napakalaking lalaki, napakalaki ng braso nito hindi dahil sa taba kundi dahil sa muscle nito. Naka-uniform ito nang parang guard kaso black ito. Napalunok ako ng tinignan ko ang kanyang malalamig na mata.

"Ah eh, ito po ba ang Lux Mansion?"

"Ito nga, anong kailangan mo?"

"Ah eh may idedeliver lang po ako." pinakita ko sa kanya ang dala ko.

"Akin na." binigay ko naman sa kanya, bahagya pang nanginig ang aking kamay.

"Vincent!" rinig kong sigaw ng isang boses, bakit parang pamilyar?

Binalingan ko nang tingin ang lalaking sumigaw ng 'Vincent'. Nanlaki ang aking mga mata.

"P-papa." unang lumabas sa aking bibig.

Nakasando ito at naka-short ng pang-jogging. Mukhang kakagaling niya lang sa pag jo-jog kasi may tumutulo pang pawis sa kanyang mukha.

Pinasadahan ko ito ng tingin, mas malaki na ang kanyang pangangatawan, kung dati ay malaki na ito mas malaki na ito ngayon mas malaki pa nga ito sa lalaking naka-usap ko kanina.

Ang kanyang mga mata ay malamig, hindi na katulad ng dati. Dahil naka-sando lang siya na sobrang luwag, may nakita akong napakalaking peklat sa kanyang dibdib. Kahit na may ganoon bumagay ito sa kanya.

Bahagya rin siyang natigilan nang makita ko, ang kanyang napakalamig na mata ay napilitan nang pangungulila, pangungulila sa kanyang anak, sa nag-iisa niyang anak na iniwan niya lang.

Hindi ko napigilan ang aking sarili. Tinahak ko ang kanyang direksyon. Isang malutong na sampa ang binigay ko sa kanya. Nag-init ang aking mga mata.

Naramdaman kong may humawak sa'kin.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now