Chapter 20

35 2 0
                                    

"Baby." isang malambing na boses ang nagpamulat sa'king mata.

Una kong nakita ang nakangiting si Drake pero agad ring naglaho iyon ng makita ako. Hinawakan niya nang puno ng pag-iingat ang pisngi ko.

"What happened? Are you okay?"

"Okay lang naman ako. Medjo masakit lang yung ulo ko." tumayo na ako at tumingin sa salamin. Namumugto ang aking mga mata. Dahil siguro sa pag-iyak ko kagabi. Pinilig ko ang aking ulo nang kumirot ito. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover?

"Let's go out, breakfast is ready." hinila niya ang aking kamay palabas ng kwarto, naabotan namin si mama na naglalagay ng kutsara sa bawat pinggan. May lamesa na kami ngayon, marami na akong napundar sa sweldo ko. Malaki-laki rin kasi ito.

Masaya ang naging umagahan namin. Kasalukuyan kaming nasa kotse niya ngayon papunta na kami sa school.

"Your birthday is coming, do you have any plan?" sandaling sinulyapan niya ako pero agad ring nag-iwas.

"Kagaya pa rin ng dati, simpleng hapunan lang ang kaiba lang ngayon ay may pera na kaming pambili ng cake." nakangiting ani ko.

"Am I invited?"

"Syempre naman!"

Tumigil na ang sasakyan tanda na nakarating na kami. Siya ang unang bumaba, pinagbuksan niya ako ng pinto kaya napangiti ako.

Agad naman akong sinalubong ni Zeddrick na nakangiti.

"Tara na?" agad akong tumango sa kanya.

***

May biglang tumakip sa mata ko kaya napatili ako ngunit tinakpan nito ang bibig ko. Anong nangyayari? Nakikidnap ba ako?

"Hmmmm!" daing ko, ramdam kong sinakay ako sa isang sasakyan. May narinig akong mahinang halakhak sa likod ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya umusog ako, mukhang nasa tabi ako ng bintana kasi naramdaman ko ito.

Tanging itim lang ang nakikita ko kahit katiting liwanag di ko makita. Naramdaman kong umusog na ang sasakyan. Tila hinihele ako sa byahe kasi nakatulog ako. Nagising na lamang ako sa isang silid.

May kumot na nakabalot sa'kin, kumunot ang aking noo dahil para akong nasa hotel. Ang huli kong ma-alala ay may tumangay sa'kin papunta sa isang kotse at umusog na kami tapos nakatulog na'ko.

"Nasa'n ako?" tanong ko sa sarili, tumayo na ako at nagpasyang lumabas sa silid na ito. Walang anong nakagapos sa'kin kaya malaya akong nakakagalaw.

Nang malapit na'ko sa pintuan ay may narinig akong nagtatawanan kaya unti-unti kong pinihit ang doornob. Hindi man lang ito lumikha ng kahit anong ingay hindi kagaya sa bahay namin na kahit maingat na pag-pihit sa doornob ay tumutunog.

Dahan-dahang naglakad ako papunta kung nasaan ang ingay. May nasagi akong bagay kaya lumikha ito ng tunog, napangiwi ako dahil sa talas ng pagkahulog ng mga kubyertos.

Napatingin naman ang mga pamilyar na mukha sa gawi ko at ngumisi sila kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit niyo 'ko dinala dito?" tinignan nilang lahat si Drake na kumakain ng apple.

"We're here to celebrate your birthday, come here join us." lumapit naman ako sa kanila, pinagmasdan ko kung sino ang mga kasama namin. Si mama, si Drake, si Zeddrick, si Kurt, si Andy, at si Britanny.

"How's your sleep hmm?" malambing na bulong sa'kin ni Drake, nakakunot ang aking noo ng tumingin sa kanya.

"Four days pa, Drake. Napaaga mo ata?" napakamot ito sa kanyang batok marahil ay na-isip niyang nagkamali siya.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now