Chapter 10

32 3 0
                                    

Wednesday na kaya inaya ko si mama sa SM nandito na kasi lahat ng kailangan namin, kagaya ng stove, french fries, tempura, tapos squid ball at ano-ano pa.

"Ma sa mga gamit po muna tayo bago tayo bumili nang main na bibilhin natin." sabi ko kay mama sabay kuha ng isa sa mga cart.

"Sige, anak." nasa tabi ko lang si mama.

"Ma gumagana pa ba yung stove natin? Kasi kung oo wag na tayong bumili." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga stove.

"Nako 'nak, may saltik na yung stove natin eh, bigla nalang na-ooff." sabi niya na umiiling.

"Sabagay ma, sige po bili tayo." naghanap-hanap ako nang mura lang.

"Ay eto ma oh!" turo ko sa isang red na stove, malaki ito at hindi ganun ka mahal.

Agad ko naman itong nilagay sa cart namin.

"Doon po tayo sa mga utensils ma, bili tayo ng pang-ipit ng fishball t'yaka strainer." tinulak ko naman ang cart namin. Nakasunod lang si mama sa likod ko.

"Ma, ikaw na pumili dun lang ako sa kabila, dun oh!" turo ko sa mga plastic cup at yung lalagyan ng tempura o fishball/ squid ball.

Kumuha ako ng 2 pack ng small na plastic cup at 2 pack ng malaking plastic cup. At yung maliit na parang paper plate? Pero rectangle siya. Ano ba tawag dito?

Pagbalik ko ay nakangiti si mama sa isang lalaki, ka-edad ko lang at pamilyar ang likod niya.

"Leighn! Kaklase mo pala ang gwapong bata na ito!" nilingon naman ako ni Drake na nakangiti sa'kin. Ginagawa niya dito? Ibig kong sabihin, bakit niya kausap si mama?

"Ah hi." yan lang ang sinabi ko nang makalapit na ako kasi wala naman akong sasabihin.

Inilagay kona ang mga kinuha ko t'yaka tinulak ang cart.

"Tara na ma." sabi ko kay mama.

"I'll go with you." agad niyang kinuha ang cart na tinutulak ko. Ano bang ginagawa ng isang 'to?

"Okay." sabi ko nalang.

"Ma, bibili paba tayo ng kawali?" tanong ko kay mama.

"Wag na 'nak kakabili ko lang nung nakaraan diba?" tumango naman ako sa sinabi niya.

"Sa palengke nalang po tayo bumili ng butine." sabi ko at tumango naman siya.

Pumunta kami sa grocery, nagulat pa'ko nang biglang yumuko si manong guard at bumati kay Drake, oo kay Drake lang.

Pumunta kami kung saan namin mahahanap yung bibilhin talaga namin yung mga french fries. Kinuha ko ang dapat kunin.

"Ma, dito lang po muna kayo ah? Kukuha lang ako para sa sauce natin." tumango naman siya sa aking sinabi.

"Sige anak, pupunta lang din ako dun. Magtinda rin tayo juice." tumango naman kaagad ako sa sinabi niya, magandang ideya iyon.

"Ako na po dito." sabi ko, tinutukoy ang cart.

"I'll go with you." sabat ni Drake pero di kona siya pinansin.

Kinuha ko ang mga dapat kunin para gumawa ng isang masarap na sauce.

Nakapag-isip isip rin ako kanina, bibili ako ng foam mattress ngayong una kong sahod para hindi na kami mahiga ni mama sa banig. Malapit na iyon kaya konting tiis lang.

Nang makuha ko na ang dapat makuha ay bumalik na ako kung saan ko iniwan si mama.

"Hey." sabi ni Drake pero tinignan ko lang siya.

"I'm sorry." sabi niya, bakit naman 'to nagsosorry?

"Okay." yan lang ang sinabi ko, magsasalita pa sana siya nang biglang dumating si mama.

Deal with the Bullies ( Bully Series #1 )Where stories live. Discover now