Chapter 46: Unbreakable

129 5 24
                                    

» Hi!🥰

» Nagbalik ang Author niyo na ang bagal mag update, first and foremost guys.. I'm very sorry talaga kung palaging late update si oks dahil hindi sa gusto ko lang kundi talagang busy ako. Marami talagang paperworks, activities, exams na kailangan na gawin at tapusin bago ako mag UD.

» Napapansin niyo na ang tagal ko mga UD just like now, hmm, as far as I can remember, last month pa 'yong last update ko and now is already November. I'm very sorry talaga, may time kasi na akala ko makaka update na ako pero may pasabog pala ang prof namin na exams or activities na short time lang ang binigay para sa deadline kaya ayan made-delay na naman po ang UD ko. Kaya sana po maintindihan niyo🥺

» So that's all, I know na gusto niyo na mabasa ang Chapter na 'to. Kaya without further chu chu..

» Let's Start.

» Happy Reading Delixxieess!♡
----------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------

Chapter 46: Unbreakable







THANIA'S POINT OF VIEW

Malapit na pala magtatapos ang month ng November kaya mag de-december na! Kaya sa mga relasyon diyan na singlamig na ng panahon naku baka hindi kayo maka abot niyan sa pasko HAHAHAHA! Gumaya kayo sa amin na singtibay ng kahoy CHAR!



Anyways ngayon pala ang Singing Competition kaya may pasok ngayon kahit na Saturday well, meron naman talagang iba na may classes kapag Saturday lalo na kung evening program ka.



“Guys! Attendance lang daw tayo ngayon!” sigaw ng class mayor namin kaya nag-attendance nalang din ako dahil nag chat sa akin si Blake na nandoon daw siya sa tambayan at nando'n na din daw sina Scarlet kaya pagkatapos kung mag attendance pupunta na ako sa tambayan nila.




“Okay done, thank you.” sabi ko sa class mayor namin kaya ngumiti din siya.




“Sige po mayor, una na po ako.” I said.




Nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ng mga ka blockmates ko ng marinig nila ang sinabi ko.




“Asuusss! Sabihin mo mag de-date lang kayo ng fiancé mo. Yieeee!”




“Swerte mo girl!”




“Kyaaaaaahhh kinikilig talaga ako sa inyo ni Blake, Thans.”




Napangiti nalang ako sa sinabi nila.



“Thank you guys! Sige na, una na ako sa inyo! Bye!”




“Bye!” they said.



Pumunta na ako sa tambayan, pagbukas ko ng pinto nandoon na nga sila, kumaway kaagad sina Scarlet. Lumapit si Blake sa akin.



“Thank you for coming, beh.” he said.




Ngumiti ako, “Wala naman akong gagawin at saka singing competition ngayon at tignan mo si Brixx parang siya ang lalaban ng contest e guest lang naman siya pero makikita mo na kinakabahan siya.” natatawa kong sabi.




Tumingin naman si Blake kay Brixx na kanina pa palakad lakad HAHAHAHA.




“I already knew why he's acting like that.” he said and I saw him smirk.




Napakunot ang noo ko na nakatingin kay Blake, “Hmm, ano naman 'yon?”



He smile and look at me, “Sasabihin na niya mamaya sa performance niya na mahal niya si Maxx, that he already love Maxx since day 1.”




Mr. Casanova meets Ms. BitterWhere stories live. Discover now