a/n: I'm backkk! How's your day everyone? Are y'all good? I hope you're doing good.
update ulit tayo para mas mabilis matapos ang kuwento, alam kong inaabangan niyo na ang kasunod and you're excited to know the endgame of this story. So, bilisan natin HAHAHAHA.
Sigeeee, hindi ko na kayo kukulitin.
Keep Reading Delixxiess!♡
-------------------------------------------------------------------
----------------Chapter 60: TwinEMIES
SCARLET'S POINT OF VIEW
Madaling lumipas ang panahon dahil hindi mo namamalayan na ngayong buwan pala ay buwan ng mga pusong inlove. Pero dahil sa katulad naming bitter, this month is just a normal day. Duuh.
Yeah, February na ngayon. Kaya makikita mo pagpasok mo pa lang, ay makikita mo na ang mga heart shaped decorations na nilalagay sa mga wall at may malaking puso sa stage din na naka decorate kung may gustong mag pic. Tsss. Nakakabitter.
Pumunta muna ako sa locker room at nang makita ko na may naghahalikan sa locker room biglang nag flashback lahat nang nangyari noon na, nakita ko si Blue at 'yong babae niya sa locker room at sa may locker ko pa talaga.
agad akong umiling iling at masamang tumingin sa dalawang naghahalikan dito sa locker.
"Excuse me, kung gusto niyong maglaplapan huwag dito dahil public area 'to. Kung gusto niyo mag book kayo ng room para masolo niyo ang buong kwarto. Tss. Ba't dito pa..."
napatigil naman sila sa paghahalikan sa harap ko at tumingin sa akin ng masama. Tinaasan ko din sila ng kilay.
"Tingin tingin niyo?"
"Heh! Bitter!" sabi nila at lumayas na sa harapan ko.
Tss. Mabuti na 'yon dahil ang sakit sa mga mata nila. Nakakabwesit. Wala namang forever. Luh, ang bitter bitter ko.
pagkuha ko ng book sa locker ko pupunta na sana ako sa first subject ng biglang may narinig akong announcement sa speaker.
"Good day Macwillians! Requesting to all Senior and College Students, please proceed to the auditorium hall for an important announcement! Thank you!"
napakunot ang noo ko dahil sa narinig. Announcement? May event kaya? May biglaang announcement mukhang important talaga ang announcement na 'to.
*one message!
kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng uniform ko at tinignan kung sino ang nag-text.
It's from Maxx.
From: Maxx
Scarlet nasaan ka? Nandito na kami sa Audi.
agad akong nagtype ng reply.
To: Maxx
Papunta na ako diyan.
sent!
agad akong pumunta sa auditorium hall. Pagdating ko, marami ng students ang nandoon at halos puno na ang audi.
hinanap ko sina Maxx at mabuti nalang nakita ko sila kaagad. Kumaway sila kaya agad akong kumaway at pumunta kaagad sa kanila.
"Haayyy salamat." pagkaupo ko.
YOU ARE READING
Mr. Casanova meets Ms. Bitter
Teen FictionNagmahal, Nasaktan, Naging Bitter 'yan si Scarlet Dahlia Xiang, she turns into a bitter woman because of her past. He is Blue Kaizen Macwill, the hearthrob of Macwill University, not just a Hearthrob but also a Casanova. What if their two worlds met...