: Chapter 8

853 26 4
                                    

Ineish ace pov:

Pag tapos namin kumain ay nag swimming nalang ulit kami "Here girls" binigyan kami ni ate riela ng red cup na may alak.

Gab took my cup and tasted it first "Beh walang lason yan!" Angal ko sakanya he raised an eyebrow and gave my cup back.

"Ay beh mamaya mamatay ka, kasalanan ko pa!" I rolled my eyes napaka oa talaga ng taong to kahit kelan.

Nakita ko si Arish at si Dwayne sa may kiddie pool habang pareho silang nainom.

"Sila Ash?" Tanong ko kay Gab "Hindi ko alam, baka nag libot libot lang" i nodded and started chugging the cup, malapit ko nang maubos yun nang pigilan ako ni Gab "Kalma ineish walang aagaw sayo niyan"

Tumabi nalang kami sa isang gilid ni Gab nang mag swimming na din ang friends ni ate riela.

"Oh Gab! I didn't see you when i came!" A morena girl said nung pababa palang siya sa pool.

She's pretty. She's wearing a light pink halter swimsuit that exposed her boobs, she also has a rose tattoo in between her boobs.

Tumingin si Gab sakanya at ngumiti, anong nginiti ngiti netong mokong nato?

"Hi Claudia" sabi niya at nakipag fist bump sa babae "It's been a while Gab, I'm glad to see you again! How've you been?"

I don't want to interrupt their mini reunion kaya umahon nalang ako at pinuntahan sila Arish at Dwayne sa kiddie pool.

"Oh kala ko ba nag chi-chikahan kayo ni Gab?" Tanong ni Arish saakin habang nainom sa baso niya.

Umiling ako at uminom nalang ulit sa baso ko "Sarap ng Black label no?" Tawa ko sakanya kaya humalakhak din siya.

"Really?" Tinuro niya ng nguso si Gab na papunta saamin.

Umupo siya sa edge at nilaylay ang paa sa tabi ko "Kuha tayo nachos dway" sabi ni Arish at tinignan siya sa mata tumango si dwayne at inalalayan si Arish paahon sa pool, ang galing nilang dalawa parang nag kakaintindihan sila sa eye contact lang.

Inubos ko muna ang nasa baso ko tinignan siya "Hindi na kayo nag ca-catch up?" He shook his head and jumped in the pool.

"Hindi mo manlang ba naisip na ayaw ko ng company niya?" Kinunutan ko siya ng noo, he sighed and finished his cup.

"Kaya nga na e-enjoy ko to kasi nandito ka, tapos iiwan mo lang ako sakanya" tinignan ko lang siya sa mata habang nag sasalita siya. Galit ba siya? Nag tatampo? Bakit?

"Kala ko kasi gusto mo pa makipag bonding sakanya kaya ako na yung lumayo" he rolled his eyes at me at umahon sa pool.

"Well, don't do that again" sabi niya at nag lakad papunta sa mini bar nila.

Galit ba siya?

Sinundan ko siya at nakitang nag uusap silang tatlo ni ate riela at kean "You're so pretty" manghang sabi ni kean kay ate riela habang nakatingin ito sakanya "My gosh, kean you already said that" Hampas niya dito, kean just shrugged his shoulder and took a shot of tequila.

"Landi mo!" pag puna ni Gab sakanya "Hi, ineish!" Bati saakin ni ate riela at niyakap so i hugged her back.

Tumingin ako kay Gab he just rolled his eyes at me atska inagaw kay kean ang shot glass at pinunasan niya muna yun bago nag shot.

"Amputa laway conscious talaga eh wala naman akong rabies, Kingina ka!" Laway conscious pala siya bakit nakiki share siya lagi ng baso at kutsara sakin?

Sinamaan siya ng tingin ni Gab at binalik kay kean ang shot glass at pumasok sa bahay nila

Agad ko naman siyang sinundan at nilapitan ko siya at kinalabit sa likod "Gab"

"What?" Tanong at nag lakad papunta sa loob ng kwarto niya kaya sinundan ko siya "Sorry na" hindi niya ako pinansin at kumuha ng yosi sa drawer.

Aba nag yo-yosi ang mokong! "Nag yo-yosi ka!?" He sighed as he shook his head

"Kay kean at dwayne to" Sabagay ilang beses ko nang nakita yung dalawang yun nag yo-yosi after school.

Lalabas na sana siya ng pigilan ko "Sorry na" yinakap ko siya patalikod.

Gulat ko nalang ng kinalas niya ang pag kakayakap ko sakanya para humarap saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Don't leave like that again. If I'm talking to someone while I'm with you, please stay" sabi niya at hinalikan ang taas ng ulo ko habang nakayakap pa din siya saakin.

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit, ang cute niya mag tampo and sarap araw arawin.

Pag labas namin ng kwarto and hindi na niya binitawan ang kamay ko, kahit saan siya mag punta ay hawak niya ang kamay ko.

Inabot niya kay kean ang isang kaha ng yosi "Puta Di mawawala si ineish pre!" He shook his head at niyakap ako.

"Habang buhay na ba ako magiging single!?" Singhal ni kean at nag sindi ng sigarilyo agad naman kinurot ni Gabriel and ilong ko habang hinihila ako palayo dun.

I can't help but to smile yung mga acts of service niya grabe.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chance: Gabriel Jin Fernandez (Hectic Band # 2)Where stories live. Discover now