Tula#5

2 0 0
                                    

Ikaw na simula, hindi ang wakas
Ni: Cherrie Ann

Sa may tambana
Naghihintay si itinakda
Ikaw na pinangakuan ng kasal,
iba ang iniharap sa altar
Ang saklap
Ikaw ang kasamang nagbuo sa kwento,
iba ang pinili sa dulo
Ikaw ang simula,
Ngunit, hindi ang wakas,

Sa'yo nangakong magsasama habang nabubuhay
Sa isang iglap,
Napakong lahat
Ito ang 'yong naging kasabihan
"pinagtagpo pero hindi tinadhana"

Habang siya'y nakasuot ng mahabang damit,
Mukha'y balot ng belong puti,
ika'y nakasuot ng bestidang itim
Tanda sa pagluluksa
Sa pusong mong nagdurusa
Siya'y may hawak na kumpol nang bulaklak,
Iyong mga luha'y walang tigil sa pagpatak
Habang hawak ang isang imbitasyon

Ang lalaking nangako'y naiiyak sa saya
Bago pa man bumukas ang pintuan sa may likuran
Sa may pinakadulong upuan,
sa loob ng simbahan
kung saan gaganapin ang sumpaan
May babaeng tahimik na humihikbi
Ang babaeng iniwan.

Malayo ang tanaw,
habang nagtatanong sa isipan,
kung bakit ang matamis na pagmamahala'y
nauwi sa mapait na katapusan.

Ang halos anim na taon,
pinalitan lamang buwan.

Tumunog ang kampana,
Kanilang mga labi 'y naglapat,
Mga rosas sa pulang sahig ay nagkalat
At mga ibo'y malayang naglayag
Hudyat sa pagtatapos ng seremonya
Sa pag-iisang dibdib nila

May sumingit at pinatugtog ang isang malungkot na kanta,
Tuluyan mo nang pinaubaya siya,
Sa taong nagpapasaya sa kan'ya.

Bumuhos ang emosyon
Kasabay ng mga luhang patuloy na umaagos
Habang 'yong pinapanood,
ang sasakyang papalayo
Lulan ang lalaking minahal,
At patuloy na minamahal
Na ngayo'y may kasama ng iba
Para panibagong kabanata ng kanilang kwento.








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Own PoesyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon