#3

9 1 0
                                    

P.A.M.A.G.A.T
******

Habang nakatingala sa mga tala
Pikit matang nanalangin kay Bathala
Sana'y pangalan ko rin,
sa kanyang puso'y nakatala
Ngunit ang damdamin ay gusto nang makawala
Panahon na para maging malaya!

Sa gabing dumaan,
Nabalot ng katahimikan
Buong katawan ay kukumutan
Pupunasan ang matang luhaan
Pawiin ang pangalan mong nakatatak sa isipan
Hindi na muling babalikan pa,
ang dahilan ng kalungkutan ng umaga,
Sa bawat pagaspas ng mga dahon
Sa hampas ng malamig na hangin
Bibilangin sa daliri ang panahong masaya pa,
bago ka tuluyang bitawan na.

Sabi ko "Kukulitin kita hanga't kaya ko.
Makuha ko lang ang atensyon mo
Akala'y pag tinuloy tuloy ko
At ika'y nakulitan na;
dina matatapos ang kwentuhang naumpisahan,
Pero naging kabaliktaran pala!
Ako pala ang nakulitan
Nakulitan sa paulit-ulit na pagbabalewala
at di pagbibigay halaga
Suko nasa laban..
Pagod nang subukan..
Gusto ko nang tigilan..
Ayaw naman ng puso..
Ang iisang sistema
Sa buong katawan,
Hindi magkasundo

Teka! Sa bilang na isa, dalawa tatlo
Talagang wala na...
Walang nang kasunod pa!
Wala ng isa, dalawa o tatlong pagkakataon pa
Binulag ako ng maling ideya ng salitang "BAKA"
BAKA pedeng ibalik pa!
BAKA pedeng maging tayo na!
BAKA pede mong magustuhan?
BAKA na walang kahahantungan
Walang kasiguraduhan.

Masaya ako at talagang totoo
Sa loob nga lang, ng ilang minuto
Ngunit, biglang magbabago
At bubulabugin ng katotohanan
Kung ano ba talaga ako!
Isang kaibigan...
Magkaibigan nga lang pala tayo!
Ginugulo kona pala ang buhay mo!
Patawad sa lahat ng nagawa ko.

Rason sa bawat pagsulat
Asahang wala na susunod na sulat
Naalala man mga tawanan noong panahong kasama kita
Ang boses at pangalang mong dumadalaw sa'king araw-araw na buhay
Naisin man ng puso, ayaw na utak
Ididistansya na ang sarili sayo,di na ipipilit pa.

Maging masaya sa bawat sandali noong kausap kapa
Orasang umikot sa pag-ibig kong sa hangin lang pala!
Lalakbayin man ang mundo nang mag-isa
Iibayin kona aking ruta,kung saan wala ka!
Nais ko lang magpasalamat sa makukulay at masasayang ala-ala.
Asahang walang kana sa susunod na pahina

Sa lahat ng ginagawa,
Ikaw man o hindi ang laman ng tula
Ikaw ang unang binabalitaan
Pero bigla kang nawalan ng gana sa usapan
Kahit di umimik,ramdam ang panlalamig
Ramdam ang pag-iiba,
Ramdam ang pagbabago.

At ngayon ang pakiramdam ko para akong kandilang unti-unting nauubos
Parang bagang sigarilyong unti-unting nauupos
Parang rosas na unti-unting nalalagas
'Wag kang mag-alala,di na mangungulit pa"
'Wag kang mag-alala papalayain na kita"
'Wag kang mag-alala, ako'y pagod na"
Dahil isa ka na lang mantsa na dapat mabura.

😢😢

******

Salamat sa pagsuporta at pagbabasa.

Keep Fighting and moving!!

❤❤❤

Love,

🍒 ann

ColorAndPastel
❤❤❤🌻🌻

My Own PoesyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon