Ang tulang ito ay gawa ng malikot kong imahinasyon. Isip ko ang ginamit ko dito kaya kung ano anumang pagkakatulad sa ibang tula ay nagkataon lamang.Sa pagsusulat ko nailalabas ang pait, saya at lungkot na namumuo sa damdamin ko.
Maaring may laman ang tulang isinulat o isusulat ko na taliwas sa inyong pinaniniwalaan.
Hindi ko intensyon na manakit o maging dahilan ito ng hindi pagkakaunawaan sa bawat isa.Inirerespeto ko kung ano man ang iyong pinaniniwalaan, kasuotan, salita at relihiyon.
Buksan natin ang ating isipan at imulat ang mga mata sa totoong isyu ng bayan ng walang inaapakang tao.
Respetuhin ang opinyon ko kung paano ko nirerespeto ang inyo.
Karapatan nating magsabi o magsalita dahil ito ay ayon sa saligang batas ng Pilipinas.
Tayo ay nasa Demokrasyang panahon. Maaring nating ilabas ang opinyon, anuman ang katayuan sa lipunan.
May tula akong ginawa tungkol sa ilang kontrobersyang isyu ng ating bansa. Sariling opinyon ko ito. Sa ganitong paraan ko nasasabi ang saloobin ko sa mga bagay na nasa paligid ko.
May mga bagay na dapat makialam tayo. Basagin ang tahimikan. Tawirin ang distansya para sa kinabukasan.
Gamitin ang boses.
Ang boses ng bawat isa ay mahalaga. Mahalagang mapakinggan ano man ang estado sa buhay.
Walang propesyon, diploma at trabaho ang maaring humadlang sa'yo na magsalita.
Bawat tao ay may kwento na maaring magbigay aral sa mga magbabasa nito.
Maging responsableng mamamayan.
Ako, ikaw, tayo at ang bawat juan ay may mahalagang papel dito sa mundong ito.Uulitin ko,
Irespeto natin ang bawat isa,
dahil magkakaiba ang isip ng tao.Sana ay nagkakaintindihan tayo!
Maraming salamat sa pagbasa :)
-ColorandPastel
☕🌍✌****
PLAGIARISM IS A CRIME!*****