‘‘Gusto Kita, pero Paalam Na''
(M. M. P. D. K. P. N. A)Tunay kang nagmamahal kung naranasan mo nang masaktan
Isa sa sakit na'yong mararanasan,
ay ang sakit ng pinaasa,
at di minahal kailanman.
Marami sa atin ang pinaasa,
at patuloy na kumakapit salitang "Sana"Ako'y magsisimula na!
Sa bawat oras na lumipas.
Oras, araw, buwan at taon na aking nairaos
At sa panahong naglaho at natapos
Sa bawat dahong natuyo't nalagas
Sa bawat pagsilip ng araw,
paglubog nang araw
Pagluha nang kalangitan at pagsibol ng sinag ng arawSariwa pa rin, sa aking karimlan,
ang pag-iibigang....
Hindi natin nasimulan..
Habang nakikirinig sa kanta ng ating kwento
Mga liriko na tumatagos sa puso ko.
Hayaan mong ikwento ko,
Ang Love Story na hindi natin nabuo.Sa taong aking naging dahilan,
sa pagsulat ng mga salitang ito.
Siyang dahilan ng pagbagal at pagbilis nang tibok ng puso ko
Sa taong pumukaw ng atensyon,
at nagpahinto ng oras ko
Sa taong nagpasaya
Ngunit, ngayon ay nagpaluha ng mundo ko.Alam mo....
akala ko sa Meralco lang may liwanag ang buhay,
Pero dumating ka,
dumating sa buhay ko,
di man lang nagawang nanatili ng matagal.
Akala ko....
ikaw na magbibigay ng liwanag sa mga gabi kong madilim
Pero kabaliktaran pa lahat!
Dahil sayo'y ngayon ay nabalot ng dilim ang mundo ko.Bakit nga ba nasasaktan,
t'wing sa iba ka nakatingin?
Kahit alam ko naman ang katotohanang sayo'y ako ay walang karapatan.
Dahil para sayo'y,
isa lamang akong hangin
Dadaa't lalampas lamang sayong harapan,
di mo man lang napapansin.Paano nga ba magpaalam,
sa taong di naging akin?
Bakit kay hirap, magmahal sa taong di pedeng maging akin?
Taong kahit ano ang aking gawin,
hindi ko matatawag na akin!
Taong kahit kelan di man mapapasakin.Paano magpaalam sa taong iba naman ang ginugusto?
Ako lang naman tong tanga na pinipilit ang gusto?
Alam kong isang pagkakamali ang mahulog sa taong katulad mo,
Ngunit, pinipilit ko at ngayon ang pakiramadam ko'y
nag-iiwasan na tayo!
Isa kang bituin sa kalangitan na kayhirap sungkitin.Kailan kaya titgil sa ilusyong,
ako lang ang may likha?
Kailan ba matatanggap ang katotohanang tayo'y di itinakda?
Di ako ang prinsesa ng buhay mo,
At di ako, alam kong hinding-hindi magiging ako!
At di ikaw, ang prinsepe ng kastilyong binubuo ko,
Kastilyong buhangin, na aanurin ng alon sa dalampasigan,
Kasabay sa pagluhod sa puso kong nasadlak sa kasinungalingan.Nakakalungkot, na ang ating kwentong wala pang simula
Pero bakit wakas agad ang panimula?
Sa kwentong nating walang pamagat,
at ako lamang ang tanging tauhan
Istoryang walang masayang katapusan,
At kailanman di magtatapos sa katagang,
“And they lived Happily Ever after ”Pero katulad nga ng kantang “Pansamantala”ng Callalily
Lahat ay pansamantala lamang,
Ang bawat lungkot at pait ay lilipas din
Ang aking damdaming ni minsa'y di mo nakita,
ay kukupas din.Titigil din 'tong kanta,
Matatapos din ang kumpas
Mawawala din ang tono
Ngunit, ang liriko ang magsisilbing aral koKaya, Ikaw na nakikinig
Oo, Ikaw!
Gumising ka na't malaya kana!
Iyong tandaan
”Ang damdaming binabalewala ay nawawala”.Kaya, Ikaw na umaasa't patuloy na kumakapit sa salitang "Sana"
Oras na, bitaw na!
Sayo naman, nagpapaasa
Paalam na at ito'y tapos na!❤❤❤❤