Ikalabing-Isang Kabanata

11 3 0
                                    

Ika Labing-Isang Kabanata

Prinsipe

Mabilis na naipagpalit ng senyorito ang posisyon naming dalawa. Kung kanina ay ako ang nasa ibabaw niya, ngayon naman ay siya ang nasa ibabaw ko.

Parang may kung anong gumuho sa ibang parte ng puso ko nang hindi ko na naramdaman ang labi niya sa mga labi ko. Hindi ko alam kung bakit nanghihinayang ako samantalang hindi naman dapat.

Sinuri niya ng mabuti ang kabouan ng mukha ko bago niya tiningnan ang mga mata kong hindi mapakali.

"You shouldn't be here Cherry," bulong niya na nagpakunot ng noo ko.

Ano'ng ibig niyang sabihin? Dapat ba ay hindi na lang ako pumasok ngayong araw at nakinig kay nanay?

"S-senyorito..." Nahihirapang wika ko. Ngayon naman ay ang noo niya ang nakakunot at nagtagpo ang mga kilay niya dahil sa labis na pagtataka.

"Ano?" Galit at mariin niyang tanong sa'kin.

"Ang—" huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Ang bigat niyo po..." Nahihiyang sagot ko at umiwas ng tingin. Tumingin ako sa ibaba na siyang pinagsisihan ko ng sobra.

Sobrang magkadikit ng katawan naming dalawa ng senyorito at ang mas malala pa ay wala siyang saplot maliban sa tuwalyang nakatapis sa bewang niya.

Mabilis na tumayo ang senyorito at lumayo mula sa akin. Ako naman ay nahihiyang tumayo at inayos ang sarili. Nakatingin ang senyorito sa malaking bintana ng kuwarto niya habang nakapamewang ang isang kamay.

Yumuko ako bago nagpaalam sa kaniya.

Nang hindi sumagot ang senyorito ay mabilis akong lumabas ng kuwarto niya. Nang maisara ko ang pinto ay sumandal ako roon habang nakapikit ang mga mata at nakahawak ang isang kamay sa tapat dibdib ko.

Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at parang sinisilaban ang bou kong katawan. Ramdam na ramdam ko ang matinding init sa magkabila kong pisngi.

"Cherry?"

Napatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Lina. Kaagad kong minulat ang mga mata ko at nakita siyang nagtatatakang nakatingin sa akin pagkatapos ay tumingin sa likuran ko.

"L-lina..." Kinakabahang banggit ko sa pangalan niya. Napalunok ako nang nakatingin pa rin siya sa pintuan ng silid ng senyorito.

"Ano'ng ginagawa mo diyan Cherry?" Nagtataka niyang tanong nang balingan niya ako ng tingin.

Tumikhim ako at umayos ng tayo.

"Ah, kagagaling ko lang kasi sa paglilinis sa loob kaya sumandal muna ako para magpahinga," malinaw at deretsong pagpapaliwanag ko sa kabila ng matinding kabang aking nararamdaman.

"Ah..." Tumango-tango siya na ikinapanatag ng pakiramdaman ko. "Halika! Sumama ka na lang sa'kin total tapos naman na ang trabaho mo!" Masayang saad niya at inangkla ang kamay sa braso ko.

"Ha? Saan?"

"Sa kubo ng mga magsasaka ng hacienda sa dulo ng taniman!" Masiglang saad niya na nagpaliwanag sa mukha ko. "Niyaya ako ni Manang Selya kanina na kumain ng panghimagas roon dahil magdadala siya ng marami sa kubo!" Dagdag pa niya.

Matagal na rin mula no'ng nakapunta ako roon at iisiping makakapunta ulit ako roon ay nagbibigay ng saya sa puso ko.

"Talaga?" May galak na tanong ko sa kaniya na mabilis naman niyang tinanguan.

"Oo kaya halika na't baka maubusan tayo ni Tonyo!"

Bago pa man ako makasagot sa kaniya ay hinila na niya ako pababa. Habang hila-hila ako ni Lina pababa sa hagdanan, nakalingon naman ako sa pintuan ng silid ng senyorito.

Incarnadine (Verdurous Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon