Chapter 54: Permission

9.6K 639 86
                                    

"Fammie... Can I apply bilang bodyguard mo habambuhay?" tanong niya sa akin nang may mga matang nakikiusap.

Napanganga ako sa sinabi niya. No way... the hot-tempered, playboy, cold-hearted Jump is asking for my forever? Naramdaman kong tila sinakop ng mga paru-paro ang pagitan ng tiyan at dibdib ko sa kilig.

"W-Well... sa ngayon, hindi pa ako ang may-ari ng WSC kaya wala sa akin ang desisyon." Pagkasabi no'n ay ngumisi ako para subukan at asarin siya, "If you want to apply as my bodyguard my whole life, you need to ask my dad, the current head of WSC."

"You mean Jasper, that fool?" Nagtaas siya ng kilay. Oo nga pala, kahit malayo ang agwat sa edad ay sobrang close nga pala nila ng tatay ko.

Bigla kaming may naalala dahil sa pagbanggit kay Jasper, at sabay kaming napasigaw, "Late na tayo!"

***

Nang makarating sa head office ay hiyang-hiya kaming pumasok sa loob. Pinagtinginan kaming dalawa. As usual ay pumunta ulit kami sa pinakalikuran.

"Saan naman kayo nagpunta at nakuha niyo pang sumingit ng sexy time?" pabulong na asar sa'min ni Vodka.

"Hoy, h-hindi kami nag-sexy time... medyo!" pasigaw na bulong ko sa kaniya pabalik. Medyo napalakas kaya may ilang nagtinginan sa amin.

"Congratulations to Fammie's team for a successful mission, I never had any doubt that they will accomplish this feat," Jasper announced, starting a round of applause from the crowd. "Now, as for Charm..."

Lumapit si Charm at pumunta sa harap ng entablado katabi ni Jasper. Sinamahan siya ni Mita na himas-himas ang dalawang braso ni Charm bilang paglalambing. Nagsimula na namang magbulungan ang ilan sa mga taga-WSC. Ang iba sa kanila ay sadyang nilalakasan ang mga salitang "traydor" at "parusahan."

Ngunit bilang mabait at mapagmahal na lider, ang mga salitang lumabas sa bibig ni Jasper ay, "Welcome back, Charm. I'm glad to see you here with us again."

Tumulo ang luha sa mga mata ni Charm at bigla siyang lumuhod sa harap ni Jasper. "Isang napakalaking kasalanan ang nagawa ko. S-Sana ay mapatawad niyo pa ako—hindi, hindi ko deserve na mapatawad... Parusahan niyo po ako."

Umiling si Jasper at inalalayang makatayo si Charm. "According to Mita, ikaw raw ang tumigil sa bombang nakakabit kay Jump. You helped a fellow employee, and you also helped my daughter when she had to make a choice." Ngumiti si Jasper at nagpatuloy, "Isa lang ang puwedeng mailigtas ni Freesia, and at that very last second ay mas pinili mong sumagip ng buhay kaysa pumatay... Iyon ang nagpapatunay isa kang tunay na taga-WSC."

Tuluyan nang umiyak nang malakas si Charm, samantalang si Mita naman ay nakangiting yakap-yakap ang anak niya.

"I'm glad you found Cassie, Mita," patuloy ni Jasper, "Do you guys need help in accessing a DNA Test?"

"Hindi na, Sir Jasper. Mas malakas ang lukso ng dugo kaysa sa piraso ng papel," Mita said proudly. My heart was so happy for them. Hindi ko rin maipaliwanag, pero 'yong pakiramdam ko tuwing kasama ko si Charm at kapag kasama ko si Mita ay magkasingtulad. They exude the same unique kind of warmth. Kaya kahit ako, sigurado akong mag-ina nga talaga sila dahil sa pagkakakilala ko sa kanila.

"I also have another announcement to make," Jasper addressed the crowd, "Because of great results from leading this successful mission, I am now appointing Freesia—my very own daughter, as the president of Devon Studios. She is now one of WSC's heads."

Nanlaki ang mga mata ko. Tila nabingi ako at walang ibang narinig kahit nakikita kong malakas na nagpapalakpakan ang mga tao. I stood there frozen in shock. A-Ako, isa nang head ng WSC? Napalunok ako dahil sa pag-anunsyo na iyon.

Nagulat ang lahat nang umalis si Jasper mula sa stage at naglakad papunta sa akin. Sinundan siya ng tingin ng mga nasa upuan. "Good job, my daughter." Niyakap niya ako nang mahigpit, at marahang tinatapik sa likuran ng ulo ko.

Simula nang mamatay ang itinuring kong ama na si Bernard, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naramdaman ko muli ang ganitong klaseng pagmamahal mula sa isang ama. Tama nga si Mita, mas malakas ang lukso ng dugo kaysa sa ano pa man. I can feel it from my veins and at the core of my heart, Jasper is really my father. Ako rin tuloy ay napaiyak katulad ni Charm at niyakap pabalik si Jasper.

Nang matapos ang meeting ay nakalabas na ang lahat. Nagtaka ako dahil hindi ko makita si Jump kahit saan. Nakita ko si Leon at dali-daling tumakbo para tanungin siya, "Leon! Nakita mo ba si Jump?"

Ngumiti siya sa'kin at itinuro 'yong kwarto kung saan kami nag-meeting kanina. "Congrats nga pala sa pagiging head ng Devon, Miss Fammie. Naroon si Jump, nagpaiwan siya para kausapin mag-isa si Jasper."

Hmm, ano kaya'ng kailangan nilang pag-usapan? Napatingin ako sa suot kong singsing at bigla kong naalala 'yong sinabi ko kay Jump kanina, 'If you want to apply as my bodyguard my whole life, you need to ask my dad.'

'Y-Yun nga kaya kaya 'yon? Hindi naman siguro... 'Di ba? Hindi ako mapakali, maya-maya lamang ay natagpuan ko ang sarili kong tumatakbo papunta do'n sa kwarto. Kinakabahan ako, what if hindi pumayag si Jasper? What if awayin siya ni Jump?

Inilapat ko ang tainga ko sa may pintuan para makinig, ngunit masyadong mahina ang usapan nila. Idinikit ko pa lalo ang mukha ko ngunit sa halip ay naitulak kong pabukas ang pintuan. Nadapa ako sa harap ng nag-uusap na Jump at Jasper.

"S-Softy? Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Jump.

"Hahaha. 'Di mo nasabing may manliligaw ka pala, anak," tawa ni Jasper.

"Hmph! Umoo ka na kasi, Jasper! Kapag pumayag ka, ipinapangako kong magiging gwapo at maganda ang mga apo mo," pahayag ni Jump.

"Hoy, Jump!" Nahiya ako sa pinagsasabi niya sa harap ng tatay ko kaya hinatak ko bigla 'yong collar niya.

"Ahahaha! Nakatutuwa talaga kayong dalawa. Alam niyo, kayong dalawa ay parehas kong itinuturing na anak. Pinalaki ko si Jump sa WSC, under my close supervision, at aaminin kong may kasamang favoritism na rin. Ang totoo niyan, ipinaglapit ko talaga ang tadhana niyo sa isa't isa. This is all according to my plan. Ahahaha!"

Natahimik kaming dalawa ni Jump, hindi namin alam kung matutuwa ba kami o maaasar dahil parang pawns lang pala kami sa chess game ni Jasper.

"Kidding aside, kaya ko kayo pinagsamang dalawa ay dahil sigurado akong you guys would both bring out the best in each other. Jump learned to soften his heart because of Fammie, and Fammie learned how to be stronger because of Jump."

Nagkatinginan kami ni Jump, at umiwas rin agad ng tingin dahil namula kami parehas.

"Cut to the chase, Jasper. So pumapayag ka ba?" tanong ni Jump. Tila magbarkada lang talaga ang dalawang 'to!

"Gwapo ako, magaling makipaglaban, at mapamaraan. Hindi ako makaisip ng dahilan para hindian," Jump boasted with a confident smirk.

"Kaso babaero ka rin, dating kriminal, at mainitin ang ulo," ngisi naman ni Jasper. Hindi naman nakapalag si Jump dahil totoo naman talaga.

"Hindi na ako babaero, hindi na rin ako kriminal... at... h-hindi na rin mainitin ang ulo ko... I think." Medyo naubusan siya ng confidence doon sa last part.

"Two years. Kaya niyo ba ang long distance relationship for two years?" Nagulat kaming dalawa sa sinabi ni Jasper. Huh? Ano'ng ibig sabihin niya by LDR?

"Sa France ko pagtatapusin si Freesia ng college niya. At pagbalik niya rito matapos maka-graduate, ay bilang tagapamahala na ng WSC."

Tila kami nakakita ng multo ni Jump sa sobrang gulat sa sinabi ni Jasper.

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon