Chapter 1: Trust Me

60.1K 1.7K 264
                                    


NOTE: This version in Wattpad is the draft, unedited, and OUTDATED version. For the correct and updated version, kindly read the story instead in its official published book, available at National Book Store.

***


Ang pangalan ko ay Freesia Fammie Fernandez. Napakaadik kong tao sa fashion brands kahit hindi naman ako mayaman. Ang totoo niyan, nakatira lang kami ng nanay ko sa isang maliit na apartment at wala ring steady income. Ang ginagastos kong pera para mamili ay sarili kong ipon. May iba't iba akong raket at negosyo para magkasahod—taga-flip ng buns sa Minute Burger, taga-abot ng flyer ng Unicef, taga-Photoshop ng Rush ID, hanggang sa taga-balot ng regalo sa SM—been there, done that. My motto in life? Siyempre, 'There's no better exercise than shopping!'

"Fammie! Fammie!" Nagmamadaling tumakbo papunta sa akin ang kaklase kong si Charm. "Nakita mo na ba 'yong bagong mall?" hinihingal niyang tanong.

"May bagong mall?" Nagningning ang aking mga mata at agad akong nagyaya. "Tara!"

Madalas ay mag-isa lang akong gumagala dahil wala akong masiyadong kaibigan. Yes, I'm a certified loner at our school. Kung naitatanong niyo si Charm, classmate ko lang siya, hindi kami masiyadong close. Pero ngayon ay kasama ko siyang bibisitahin ang bagong-tayong mall.

"Wow!" bungad ni Charm nang makarating kami rito. "Ang laki! Tara, punta tayo sa H&M," yaya niya sa'kin.

Tiningnan namin ang mga nakasabit na damit, at may nilabas si Charm na isang kulay asul na bestida. "What do you think?"

"Hmm." Lumapit ako at kinuha 'yong katabi nitong color pink na dress. "This one's better!"

"Pink? Fammie, hindi ka pa ba nagsasawa sa color pink? Tingnan mo ang sarili mo. You're a walking Barbie doll!" pasinghal niyang reklamo. "But that's what I like about you. You don't care what others think. Ang ganda-ganda mo rin, kaya nga..."

Hindi na itinuloy ni Charm ang sasabihin niya.

People talk about me at school—and I don't I like it, I hate it. I hate being looked at. I hate being talked about. Wala akong kahalubilo sa eskuwelahan, si Charm nga lang ang nagkusang kausapin ako. Kaya naman 'yong mga lalaki ay nagiging interesado sa'kin. Panay lapit nila, pero hindi ko sila pinapansin. Dahil doon ay sobrang naiinggit ang mga kaklase kong babae at pinagdidiskitahan ako.

Siguro, shopping na rin ang naging paraan ko para makatakas sa mga problema. Dito ko ibinubuhos ang sama ng loob ko.

Mula sa gilid ng aking paningin ay may napansin akong mga lalaking nakaitim na jacket, nag-uusap sa may estante na hindi kalayuan. Ang isa sa kanila ay nakapamulsa sa malalim na bulsa ng kaniyang jacket. I'm not sure why, but I feel that something is off . . .

"You should ignore those girls," biglang paliwanag ni Charm habang tumitingin sa mga naka-display na blouse kaya naagaw niya bigla ang atensyon ko. "Inggit lang sila sa ganda mo."

"Sa tingin ko nga ay dapat ka nang lumayo sa'kin, bago ka pa nila idamay," payo ko sa kaniya.

"Know what, Fammie? You need a good friend. Kaya narito ako," nakangiti niyang tugon. I can hear the sincerity in her voice as her lips curved up into a warm smile.

Naudlot ang aking pagngiti pabalik nang bigla kaming nakarinig ng malakas na pagsabog. "Ahh!" Naghiyawan ang mga tao sa mall at nagsimulang magtakbuhan.

"Ano'ng nangyari? Ano 'yong sumabog?!" Pagtingin ko kay Charm, duguan na ang braso niya. "Charm!"

Lumapit ang mga guwardiya at inilayo siya sa'kin. "Miss, umalis na po kayo rito. Kami na ang bahala sa kaibigan mo."

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon