Chapter 39: He's Mad

9.3K 599 127
                                    

✧✦✧

FAMMIE

Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto. Lahat ng alikabok sa kwarto ay napunta na sa mukha at ilong ko. Cough! Cough!

Ito na ang pangatlong music rental room na lilinisin ko sa Devon Studios. Grabe, ang kapal ng alikabok, kasing kapal ng mukha ni Jump! Hinagis ko 'yong walis sa sahig at tinalun-talunan ko.

"Walang! Hiya! Ka! Magdusa! Ka! Sana! Ugh!" Talagang in-imagine ko na siya 'yong walis na tinatalunan ko.

"M-Miss Fammie?" Paglingon ko, nasa may pintuan na pala si Leon. "Anong oras ko po kayo babalikan?"

Araw-araw ay binibisita ko ang Devon para ayusin at linisin ito. I promised myself that I would bring this business back on track.

"Actually, Leon. I might spend the night. Sobrang daming lilinisin!"

"Uhm, Miss Fammie, may gustong kumausap sa inyo."

Hindi kaya si?

Lumabas si Tequila sa likuran ni Leon. "Gusto sana kitang tulungan, Miss Fammie!" Akala ko naman ay kung sino na. Pero napangiti ako kasi nagsisimula na silang magbago at magkusa. Although a part of myself was a little bit disappointed. Was I secretly wishing for someone else?

"Salamat, Tequila! Kuha ka ng mop! Marami pa tayong lilinising mga kwarto!"

***

Habang naglilinis ay 'di ko mapigilang tanungin si Tequila. "Nasa'n 'yong iba?" I asked, trying to fish.

"Mga tamad ang mga 'yon eh," aniya. "Ako rin naman, kaso naawa ako sa'yo. Si Scotch at Whisky nagbi-billiards, si Brandy nanonood ng TV sa baba."

Parang may kulang yata siya sa mga binanggit. "Eh 'yong iba pa?" I asked again.

"Si Vodka namili ng mga bagong alak kasama nina Martini at Rum."

Hindi pa rin niya binabanggit. "Eh, 'yong iba pa?" Kinakabahan na ako dahil baka makahalata siya.

"Huh? Pito lang kaming mga taga-Devon," nagtatakang sagot ni Tequila. "Ahh, si Jump ba?"

I jolted when he mentioned his name. Yumuko lang ako at nagpatuloy sa paglilinis.

"Lagi naman late dumating 'yong si Jump, eh! Minsan gabi na."

"O-Okay." My face sure is red.

Matapos naming malinis 'yong mga rental rooms ay bumaba na kami ni Tequila. Nakita naming nag-iinuman na sina Martini at Rum, nakabalik na siguro sila sa pamimili. Akala ko naman ay para sa bar ang mga binili nilang alak!

"Uy, Tequila! Naks, cleaners ka na rin? Hahaha!" asar ni Rum.

Sumagot naman si Tequila, "Tsk. Mahiya nga kayo! Anak ni Jasper ang pinaglilinis niyo!"

"Binibini, kung ako sa'yo ay sumuko ka na. Wala nang pag-asa ang Devon. Si Jasper nga, sumuko na eh." May pagkaseryoso ang boses ni Martini nang sabihin niya iyon.

Huminga muna ako nang malalim. "Papatunayan kong may pag-asa pa ang Devon... Pero talagang mahihirapan ako dahil kayo mismo ang umuubos ng mga alak!"

Nagtawanan sila Rum at Martini. "Sorry na, ma'am!"

"Wala namang dumarating na customers kaya masasayang lang ang mga alak."

Umakyat ako sa office at bumalik sa baba pagkatapos ng ilang minuto. Binigyan ko silang tatlo ng mga papel.

"Flyers 'yan. Gumawa ako ng design at nag-print sa taas. May promo tayo ngayon na 200 lang ang isang bucket. Lumabas kayo at ipakalat 'yan! 'Wag kayong babalik hangga't wala kayong dalang customers!"

Trapped in a CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon