11

1.1K 28 5
                                    

11

"At may sasakyan ka naman pala," saad ko pagdating namin sa parking lot.

Malamig ang gabi at mukhang uulan na. Alam ko na kailangan na naming magmadali pero kailangan ko siyang usisahin tungkol sa pagsakay-sakay niya. He even lied!

Mahina siyang tumawa. "Sorry."

Sumimangot ako. "Anong sorry? You lied to me! Ang sabi mo ay wala kang sasakyan. Unless..."

"Unless what?"

Unless you like me and you want to spend time with me – iyon sana ang idudugtong ko pero tinikom ko na lang ang bibig.

"Nothing." Umirap ako "You'll choose the place. Susunod ako sa 'yo."

"Paano kung hindi ka naman pala susunod?"

Sumimangot ako. "Wala ka bang tiwala sa 'kin?"

Hindi siya sumagot at nagkibit-balikat. Kaya naman hinampas ko siya sa kanyang braso (na sobrang matipuno kaya panigurado ay hindi niya iyon naramdaman).

I gave him my wallet. "Ayan. Kung tinakbuhan kita, edi huwag mo nang ibigay sa 'kin 'yan."

"Ganyan mo ba ako ka-gustong makasamang kumain?"

"Feeler!" ani ko at tumalikod na para pumunta sa sasakyan ko. I heard him laugh a little bit.

Nakasunod lang ako sa puti niyang sasakyan. Hindi niya tinanggap ang wallet ko kahit pinilit ko.

I had a great mood after the talk with my therapist. Hindi naman matigas ang ulo ko kaya susunod ako sa payo niya. I will open up to people. Make friends. Hang out with anyone. Talk about myself.

Sobrang nakakatakot kahit iniisip ko pa nga lang. Pero ayaw ko rin namang ma-stuck na lang sa ganito.

We stopped at Andrew's. I parked beside his car. Nakatayo na siya sa pasemano at hinintay akong makalabas ng sasakyan.

"Wala ka na bang alam na restaurant?" reklamo ko. Noong nakaraan ay dito rin kasi kami kumain.

"Meron naman. Gusto ko lang dito."

We went inside. Sakto namang bumuhos ang ulan. Kaagad na rin kaming nag-order.

"Ako na ang magbabayad," sabi ko.

"Ako na."

I raised a brow to provoke him. Binigay ko kaagad sa waiter ang card ko. "I'll cover everything."

"Ako na nga-"

"And do not listen to him," putol ko.

Wala na ring nagawa pa si CJ kaya hinayaan na niya ako. Wala lang din naman sa 'kin 'yung halaga kasi marami naman akong pera. Duh.

"Why do you want to eat with me?" tanong niya pagkatapos na ihain ng waiter ang order namin.

"Kasi we're friends?" It was awkward so I looked down.

"Friends. Great."

"And you can call me Ysah," bulong ko. "The close people around me call me that. It's my nickname."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko! Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya nang diretso. It was all new to me. But I am willing to risk it all.

"Ayos lang ba sa 'yo na tawagin kang Ysah?"

I nodded. "Ikaw bahala. Kung ayaw mo, edi 'wag."

"Sungit," he mumbled.

"Whatever." I rolled my eyes.

Behind the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon