26
"Mom, I don't want to go to school."
Iyan kaagad ang sinabi ko pagkagising. Kumatok ako sa kanilang pinto, handang makiusap na hihinto na lang ako.
"Ysah... Nag-usap na tayo rito, 'di ba?"
"Pero, Mom, hindi po kayo nakikinig. Ayaw ko na pong pumasok sa school. Wala na po akong pakialam."
"Ysah, listen to your Mom. Sobrang aga pa. Maligo ka na para sabay na kayo ng Kuya mo."
"Dad, ang sabi ko ayaw kong pumasok sa school!"
Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. I was there, standing in their bedroom, but it felt like I wasn't there at all.
Pumasok si Dad sa CR. Si Mom naman ay binuksan ang kanyang laptop.
Hindi ba nila ako nakikita? Hindi ba nila ako naririnig?
"Mom-"
"Ysah, huwag ngayon. Please. Sobrang dami kong trabaho."
"Ayoko na pong mag-aral."
She looked at me. "And then what? What will you become?"
"Inaaway po nila ako sa school!"
Bumuntong-hininga siya. "Just please... Sobrang laki mo na para sa mga away na 'yan."
It was like that everyday. I kept on begging but they never listened. And I was forced to go to school.
It was painful. It was tiresome. It was depressing.
"Nandito na naman ang feeler," rinig kong bulong ni Charlotte sa katabi niya nang pumasok ako sa room.
Yumuko lamang ako para iwasan ang kanilang mga titig. Iyong mga lalaki ay kaagad akong pinagtawanan. Ano bang nakakatawa? Wala naman akong ginagawa.
"The loser is here!" proud na announcement ng isa kong kaklase.
Hanggang sa tuluyan na akong natalisod nang may biglang tumulak sa likuran ko. My knee hurt. I was so close to crying.
"Kahit siguro 'di 'yan mag-aral, papasa pa rin. Hay, the power of money."
"Nakakainis. Kinuha pa nga 'yang Miss Interscholastic, eh."
"Hindi naman maganda."
"Nakukuha niya na lang lahat."
They were angry and I don't know why.
Hindi totoo lahat ng sinasabi nila. My parents never use money for our advantage. I study my butt off to get high grades.
"Nagmamagaling na naman," pagpaparinig nila.
Hindi ko sila pinansin. Pinili kong hindi makinig sa kanila kahit sobrang sakit na.
I was the happiest during discussions. That was the only time I feel like someone is listening to me. The teachers always call me because I can answer everything.
Ginagawa ko lang naman ang tama. Sinasagutan ko lang naman ang tanong ng mga guro.
They were all insecure. They all hate me.
"Bida-bida!" sabay tulak ni Charlotte sa akin sa likuran ng room.
I groaned because it was very painful. Hindi rin nakatulong iyong iilang pasa na nasa binti ko nang sinipa nila ako last week.
"Please... Not now..." I begged.
She pushed me towards the wall again. This time, she didn't let go of my shoulders. Mariin ang hawak niya roon kaya napahiyaw ako.
BINABASA MO ANG
Behind the Barriers
RomanceEuresah Martinez always strives for perfection. She's the wall that everyone wants to climb... but no one can. The barrier she puts up makes her indestructible. Not until Cooper Jonathan Perez, a lawyer from Vattiera Law Firm, succeeded to climb her...