29

1K 29 8
                                    

29

"Madame, sure ka na po ba talaga?" ani Greg. "Hindi na po ba magbabago ang utak mo?"

Mahina akong natawa at napahinto muna sa pagpirma upang tingnan si Greg. Napansin ko na paiyak na talaga siya.

Today is my last day in the company. I finally decided to leave it.

Pagkatapos naming mag-usap ay napagtanto ko na kailangan ko ng bakasyon. But then I realized that I really need a new environment. Akala ko ay magiging mahirap para sa 'kin, pero hindi naman pala ganon katindi.

I love working for the company, but it wasn't really what I want. Tutal marami rin naman akong pera. Duh.

"Final na, Greg. I submitted my resignation letter. Kahapon pa."

"Pero, Madame, hindi ka na ba talaga babalik pa?"

I chuckled. "Sabihin mo na lang na mamimiss mo ako."

"Madame naman, eh!"

Tinakpan ko ang bibig gamit ang kamay nang matawa. Lalo na at tuluyan nang magtubig ang mga mata niya.

I looked for some tissue but there was none already. So, I handed him my handkerchief. Wala na kasi ang mga gamit ko sa opisina. Last week pa.

He refused to take the handkerchief. Sumimangot ako.

"Tanggapin mo na kasi! May pahiya-hiya ka pa, ah."

He rolled his eyes and took it. Pinunasan niya ang mga luha.

"Eh, paano po ako?" he asked.

"Bakit mo ako tinatanong? Buhay ko ba ang buhay mo?"

"Hindi mo man lang ba ako mamimiss?"

I smiled. "Of course, I'll miss you. Greg, you'll always be my best friend."

Lumubo ang mga mata niya. Pati na rin ang butas ng ilong. Natawa na naman ako.

"I got your number. Let's hang out sometimes," sabi ko. "You'll continue to do whatever you want kasi buhay mo rin naman 'yan. As for me, I'm going to do what I want too."

Bumuntong-hininga ako. "Madame, mamimiss talaga kita."

"And please, do not call me Madame, okay? Sobrang high class naman pakinggan."

"Eh ano ba ang gusto mong itawag ko sa 'yo? Euresah? Ysah?"

We both stared with a disgusting face. Hindi ako sanay kay Greg na tinatawag niya 'ko sa pangalan ko. I also knew he didn't like it.

"Madame is way better," I said.

"Tama nga," he agreed.

A long vacation needs to be planned carefully. Hindi rin naman kasi ako mahilig sa pa-travel-travel. I want to stay in one location and spend the rest of my time there. Kaya naman naging pihitan ako sa pagpili ng lugar.

At first, I decided I'd go overseas. Maybe Europe? But I think it's really too much. Kaya naman nag-desisyon na rin ako na Cebu na lang din. I mean, it has a lot of memories.

"Okay na ba lahat?" CJ asked when he took a peek.

Nasa kwarto kasi ako at inaayos na ang mga bagaheng kailangan kong dalhin. He was cooking in the kitchen. Which is new. Kasi hindi naman siya mahilig magluto. Pero sabi niya naman na marunong siya.

"Just one luggage left."

He raised a brow. "Ysah, may isang bagahe ka na. Hindi pa ba kasya diyan ang mga gamit mo?"

"Hindi pa kaya!"

"Pati ba kaluluwa mo, ilalagay mo diyan? I bet you'll buy more when you arrived there."

Behind the BarriersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon